How to raise successful kids according to experts? Hindi raw dapat maging basehan ang mataas na grades!
Mataas na grades, hindi basehan para maging successful ang isang bata
Nag-aalala sa mga mababang grades ng iyong anak? Bagama’t, isa itong palatandaan na maaring hindi siya nagpa-participate sa klase o hindi maganda ang performance niya sa school. Ayon sa mga eksperto, hindi naman daw dapat mabahala ang mga magulang sa magiging future ng anak nila dahil dito. Dahil maliban sa mataas na grades ay may iba pang importante bagay ang dapat makuha o matutunan ng iyong anak. Upang sa kaniyang paglaki ay masigurong magiging matagumpay siya sa larangan na kaniyang pipiliin.
How to raise successful kids, ayon sa mga eksperto
Ayon sa child and adolescent development researcher na si Marilyn Price-Mitchell mula California, ang pagkakaroon ng mataas na grades ay isa lamang sa ginagamit na measurement ng success ng isang bata. Dahil higit sa academic excellence ay may mga bagay na hindi masusukat ng mga grades at test na magiging malaking ambag sa kaniyang tagumpay. Ito ay ang mga katangian at ugaling magiging pundasyon at gabay niya sa kaniyang paglaki. Tulad ng creativity, critical thinking, effort, respect, kindness, initiative, curiosity, open-mindedness, pati na ang social at emotional intelligence.
Dagdag pa ni Mitchell, ang mga test ay sinusukat lang din kung maayos bang naisaulo ng isang bata ang kaniyang napag-aralan. Hindi tulad ng mga internal strengths na nabanggit na kakailanganin niya sa pagharap sa buhay habang siya ay lumalaki.
“For today’s learners, correct answers are not enough. By the time children reach late adolescence, their brains have the capacity to think about interrelationships, to explore the boundaries between fields of study, and to create new ways of learning. These critical abilities, fostered throughout childhood, will fuel tomorrow’s innovative technologies and create important social change.”
Ito ang pahayag ni Mitchell sa isa sa mga isinulat niyang artikulo.
Grades bilang source of motivation
Sinuportahan naman ang pahayag na ito ni Daniel Koretz, isang professor of Education sa Harvard University. Ayon sa kaniya ang pagkakaroon ng mataas na grades partikular na sa mga exam ay dapat maging supplemental source of information lang. Hindi raw dapat maging basehan ito kung nakakakuha ng quality education ang isang bata. Dahil may mga skills at knowledge umano ang hindi basta-basta naituturo sa kanila.
Pero hindi rin daw dapat isawalang bahala ang kanilang grades at test scores. Dapat ay gamitin daw itong motibasyon sa kanila upang pagbutihin pa. At ibigay ang kanilang best sa lahat ng kanilang ginagawa. Dahil hindi daw ang mga grades ang magiging batayan ng kaniyang tagumpay. Kung hindi ang mga good working habits na makakatulong sa kaniyang makamit ito.
Pag-aaral tungkol sa grades at success
Pinatunayan naman ng isang pag-aaral ang mga pahayag na ito nina Mitchell at Koretz. Ayon sa ginawang pag-aaral, 41% ng mga self-made millionaires sa US ay mga “B” students. Habang 29% naman ang mga “C” students at 21% lang ang grade “A” students. Ito ay natuklasan ni Thomas Corley, isang accountant at financial planner ng magsagawa siya ng survey sa mga high-net-worth individuals sa US na kung saan karamihan ay mga self-made billionaires.
Dagdag pa sa natuklasan ni Croley, maliban sa hindi pagiging high grade student, ang 59% ng mga self-made billionaires ay nagmula sa mga middle-class households. Habang 41% naman ang nagmula sa mahirap na pamilya. Isang patunay na pagdating sa tagumpay ay hindi basehan ang iyong pinagmulan at pinag-aralan.
“Success in life does not come easy. It is fraught with pitfalls, obstacles, failure, and mistakes. Success requires persistence, mental toughness, and emotional toughness in overcoming these pitfalls. Its pursuit pushes you to the edge emotionally and physically. You must grow a thick skin and become accustomed to struggle if you hope to succeed.”
Ito ang pahayag ni Croley sa isang artikulong isinulat niya.
Persistent, initiative at internal strength ang sikreto
Dagdag pa niya, ang isa pang bagay na natuklasan niya sa mga self-made billionaires na kinausap niya ay ang kanilang persistence na abutin ang mga pangarap nila. Ito ay sa kabila ng hindi pagkakaroon ng mataas na IQ. At sa halip ay sa pagkakaroon ng tibay ng loob at initiative na matuto sa araw-araw ng kanilang buhay.
“What’s interesting about the self-made millionaires in my study is, despite the fact they did not start out with high IQs, they nonetheless grew their intelligence significantly during their lifetimes. They never stopped trying and they never stopped learning. Until about 10 years ago the notion of being able to increase your IQ would have seemed impossible. But things have changed.”
Mga matatagumpay na tao sa mundo na hindi academic achiever
Ilan nga sa mga self-made millionaires na tinutukoy ni Croley na hindi naging basehan ang grades sa kanilang tagumpay ay ang sumusunod na indibidwal:
- Si Steve Jobs na nagdrop-out sa college pero naging successful entrepreneur sa pamamagitan ng pagtatayo niya ng Apple Incorporated.
- Ang pinakamayamang tao sa mundo na si Bill Gates ng Microsoft Corporation na nagdrop-out sa Harvard ng kaniyang Junior Year.
- Si Mark Zuckerberg ng Facebook na nagdrop-out din sa Harvard noong kaniyang Sophomore Year.
- Ang former US President na si George H.W. Bush na bumagsak sa kaniyang Chemistry subject noong High School. Ngunit naging pangulo ng tinaguriang world’s sole superpower state.
Sila ang patunay na ang pagkakaroon ng mataas na grades ay hindi basehan ng pag-abot ng tagumpay. Ito ay nakadepende sa mga katangian at ugaling matututunan ng isang bata sa kaniyang paglaki. Na kung saan ang pangunahing magiging tagapagturo niya ay ang kaniyang mga magulang.
SOURCE: Business Insider, Psychology Today, The Star
BASAHIN: 7 bagay na puwedeng gawin kapag bumababa ang grades ng anak mo sa school