Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

Tatlong Pinay moms nag-share ng kanilang tried-and-tested tips on how to spend quality time with your kids na walang gamit na gadgets!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Masyado nang mabilis ang panahon ngayon. Marami na ang naglalabasang gadgets at kung anu-anong uri ng teknolohiya upang tayo’y mapalapit sa ating mga minamahal, kaibigan, at mga katrabaho.

Tunay nga namang convenient ang mga ito at napapadali ang ating buhay. Mabilis tayong nakakakuha ng sapat na impormasyon at mabilis din natin itong napapalaganap.

Ngunit, ngayong konektado tayo sa internet, naiisip ba natin na minsan may mga pagkakataong hindi tunay ang koneksyon na nagagawa ng teknolohiya na ito sa pagitan natin at sa ating mga mahal sa buhay?

Taon-taon natin ipinagdiriwang at ginugunita ang Araw ng mga Ina o Mother’s Day. Isa itong selebrasyon upang alalahanin ang walang kapantay na pag-aaruga at pagmamahal ng mga ina, nanay, mama, at mommy sa kani-kanilang mga natatanging supling.

Tunay nga namang deserve ng mga mommies na sila ay gunitain dahil hindi biro ang magdala ng bata sa sinapupunan sa loob ng siyam na buwan at alagaan ito hanggang lumaki. Dugo’t pawis ang sakripisyo ng mga ina upang pangalagaan ang kani-kanilang mga babies.

Nararapat lamang na bigyan ang mga natatanging ilaw ng tahanan ng sapat na oras at atensyon. 

The sweetest thing that you could give to someone is your time

Ang oras ang pinakamahalagang bagay na maari nating ibigay lalong-lalo na sa taong nag-alaga at nagtaguyod para sa kapakanan ng tahanan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngayong halos lahat tayo ay connected sa internet, nakakalimutan na natin na bigyan ng sapat na quality time ang ating mga mommies. Minsan, pati rin si mommy ay busy sa work at mga gawaing bahay kaya naman nakakalimutan niya rin na magkaroon ng quality time with family. Kaya naman mainam na magkaroon ng sapat na oras para sa special day na ito.

Ang Andok’s #HourMama ay isang selebrasyon upang ipagdiwang ang isang oras na bonding ni mommy with kids.

Ang isa sa nais iparating na mensahe nito ang how to spend quality time with kids na walang smartphone o tablet. Maraming matututunan ang mga mommies at kids sa isa’t isa sa loob ng isang oras na wala silang hawak na gadget.

Heto ang ilan lamang sa mga precious moments na parehas ikinatuwa ni mommy at ng kanilang mga kids.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ginger Arboleda

Ano ang mga natuklasan mo sa anak mo habang nag-offline ka at hindi mo hawak ang iyong cellphone?

The first thing that I discovered is that she really picks up on things easily. I taught her a little game that I used to play when I was little. She quickly learned it and won! 

I also learned more about her and her friends. I got to know more about what they do in school and what they are like.

Ano ang mga activities na puwedeng gawin para maging mas masaya ang bonding with your kids na hindi gumagamit ng mga gadgets?

What we do at home (my daughter is six) is that we play a memory game with cards that we make. We draw on paper and turn it over. We also sing “dugtungan,” but it always ends up with her inventing a song. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ciara Magallanes

Ano ang mga natuklasan mo sa anak mo habang nag-offline ka at hindi mo hawak ang iyong cellphone?

In our family, we value spending time with each other. We always make it a point to leave our gadgets in a separate room to be able to have a quality time together.

Yesterday, we spent one hour together na walang gadgets. Yung undivided attention namin sa isa’t isa ay priceless. Nagkuwentuhan kami, nagtawanan at naglaro kami.

Nakita ko rin kung paano siya makipaglaro sa ibang bata, kung gaano siya kasaya na makihalubilo sa iba.

Ano ang mga activities na puwedeng gawin para maging mas masaya ang bonding with your kids na hindi gumagamit ng mga gadgets?

Quality time doesn’t have to be expensive. Most of the time, ang gamit namin for actual play ay DIY lang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

We play treasure hunting using boxes, scratch papers, and old toys. Puwede din mag paint using food coloring. Or make use of the surroundings, run around, play in the dirt, or hide and seek.

We also love playing pretend to develop my kid’s imagination and creativity.

Lhyzie Bongon

Ano ang mga natuklasan mo sa anak mo habang nag-offline ka at hindi mo hawak ang iyong cellphone?

Madami ako natuklasan kay Chloe habang nag offline ako at di ko hawak ang aking cellphone. Tulad sa pagkain, sinigang un inorder namin. Naubos niya lahat ng sitaw at kankong. Favorite pala niya yun. Ang dami din niyang kuwento at tanong na di ko maisip na matatanong ng isang five year old. Natuklasan ko din na super kulit niya pala. Hahaha! Pero sumusunod naman pag sinaway ko. At pinaka importanteng natuklasan ko, kulang na kulang ang bonding moments naming dalawa na walang gadget.

“Thank you Mommy for bringing me to the event and letting me play with you,” mga salitang tumagos sa puso ko.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya simula ngayon, I’ll make sure na meron kaming mother-daughter bonding araw-araw na walang gadget kahit ilan oras sa isang araw at kung kaya at pwede, walang gadget ng isang buong araw.

Ano ang mga activities na puwedeng gawin para maging mas masaya ang bonding with your kids na hindi kasama ang mga gadgets?

Yun mga naisip ko na activities ay painting, crafting, board games, gumawa ng origami, magbasa ng libro, maglaro ng larong pambata, turuan ng household chores, foodtrip at madami pang iba.

Isa sa pinakagusto ko i-try ay baking lalo na’t mahilig si Chloe sa cookies at cupcakes.

Sa totoo lang, ang daming activities na puwede magawa para maging masaya ang bonding with kids ng di kelangan ng gadget. Kailangan lang natin makuha yun attention nila para di nila maisip ang gadgets.

#HourMama: Importansya ang Gadget-Free Bonding Time

Tunay nga namang special ang Andok’s #HourMama dahil maraming natuklasan at natutunan ang ating mommies sa kani-kanilang mga kids at nagkaro’n din naman sila ng time to catch up with each other.

Sa loob ng 60 minuto ay nag-bonding sila nang walang hawak na gadget o cellphone. Isa ito sa mga offline moments na patuloy na magiging pundasyon ng isang matibay na samahan ni mommy at baby.

Bukod sa activities na maaaring gawin, mahalaga rin na gadget-free kapag kumakain ang pamilya. Dito nakakapag-usap at nakakapag-kuwentuhan ang pamilya sa hapag-kainan.

Kung sa loob ng isang linggo ay mapagbibigyan natin sa ating mga schedule ang #HourMama, na gadget-free conversations ang ating bonding, marami pa tayong madi-discover at mate-treasure na moments dahil ang totoo at matibay na samahan ay hindi nage-expire sa loob ng 24 hours.

Remember, these little moments make up the biggest memories that we will forever treasure.

Sinulat ni

Drew Sison