Howie Severino positive on COVID-19
Buong tapang at pusong isinalaysay ng veteran journalist at i-Witness host na si Howie Severino ang kanyang naging karanasan sa loob ng ospital kasama ang ibang mga pasyente at mga frontliners matapos itong mag positive sa COVID-19.
“After nine days in the hospital, a bout of pneumonia and a major scare, I think I can now be called a COVID-19 survivor.”
Ito ang mga paunang salitang binitawan ni Howie Severino sa kanyang liham sa GMA News Online. Matapos makaranas ng pneumonia ang veteran journalist at maglagi ng 9 days sa ospital, maituturing na raw niya ang kanyang sarili na “COVID-19 survivor”
Howie Severino positive on COVID-19 | Image from GMA News Online
Ayon sa kanya, isa siya sa mga maswerteng survivor ng nasabing virus na makakauwi at babaunin ang karanasan para ibahagi sa iba.
“It’s a tale of long painful needles that couldn’t find a vein in my hands. The swabs down my throat that made me gag, the torture of long sleep deprivation.”
Hindi rin niya nakakalimutan ang mga doctor na bumuo pa ng group chat nila sa Viber para i-update siya lagi sa mga nangyayari.
“I’m Patient 2828 in the lower part of the curve. Have a responsibility to talk about this experience in a way that will enable the public to understand it, lessen the fear, and create compassion for those who survived COVID-19.”
Ibinahagi rin niya na kahit nasa kwarto siya at hindi pwede ang mga bisita, malaking tulong pa rin sa kanya ang kanyang cellphone. Dahil sa pamamagitan nito, nakakausap at nakikita niya ang kanyang mga mahal sa buhay. Ito ay sa pamamagitan ng Zoom at nakakasama pa rin siya sa mga social events.
Nakatulong rin sa kanyang recovery ang kanyang asawa na kasama niya sa pagharap sa pagsubok. Mayroong mga pagkakataon na hindi siya makatulog sa gabi pero tinuturan siya ng meditation at breathing exercises ng kanyang asawa.
“My wife calmly walked me through meditation and breathing exercises she learned at theater workshops. In the dark, I closed my eyes, imagined lavender fields, and started counting to 100. I was trying to dispel the dreadful thoughts and finally fell asleep before the count of 100.”
Howie Severino positive on COVID-19 | Image from GMA News Online
Dahil patuloy na tumataas ang positibong kaso ng COVID-19 sa bansa at sa buong mundo, marami na ang natatakot at nangangamba. Lalo na sa maaaring mangyari kung madapuan sila ng nasabing virus. Ngunit bahagi ni Howie Severino, walang dapat ipangamba at gawing katatakutan ang virus na ito.
“COVID-19 need not be a death sentence. I am living proof. A combination of good fortune, physical fitness and competent medical treatment probably saved my life.”
Modern heroes na kung tawagin ang mga frontliners na patuloy na ginagampanan ang sinumpaang serbisyo.
“Frontliners are true heroes, but many more have chosen to stay out of harm’s way. One can’t blame them considering the risks and discrimination.”
Howie Severino positive on COVID-19 | Image from GMA News Online
Basahin ang kanyang buong liham: I am Patient 2828 By: Howie Severino
Source: I am Patient 2828
BASAHIN: Pagkawala ng sense of smell at taste? Maaaring sintomas ng COVID-19
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!