Tamang paghuhugas ng bote ng baby, gabay para sa mga magulang

Kung nagtataka ka kung paano nga ba dapat hugasan ang bote ni baby at panatilihing itong malinis, basahin ang article na ito. | Larawan mula sa Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano nga ba ang tamang paghuhugas ng bote ng baby? Alamin dito!

Kahit ano man ang paraan ng paghugas mo ng baby bottles, ang importante ay ginagawa mo ito kaagad matapos gamitin. Sa madaling salita, hinuhugasan mo sila gamit ang sabon at detergent, hinuhugusan nang mabuti at tinutuyo nang lubusan bago gamiting muli. 

Ito’y simpleng pamamaraan, oo, pero ito na ba talaga ang pinaka-best way upang panatilihing malinis ang mga baby bottles? Marahil nagtataka ka: “Bakit kailangan nating gumamit ng sabon kada hugas? Kailangan ba talaga ng tubig na maligamgam? Maaari bang gamitin ang basang baby bottle?” 

Kung ika’y nagtataka, huwag kang magalala. Narito kami para sagutin ang lahat ng inyong katanungan. 

Tamang paghuhugas ng bote ng baby: Gabay sa mga magulang

Ang breast milk at formula ay parehong maaaring magma-bacterial contamination, lalo na kung hindi ito naisilid nang mayos sa sterilized baby bottles. 

Maaari rin itong magdulot ng stomach infection sa mga baby.  Ito ay dahil sa ang kaniyang immune system at tiyan ay hindi pa ganoon kalakas laban sa impeksiyon. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang dahilan kung bakit kailangan mong i-sterilize at hugasan ang baby bottles nang mabuti pagka-bili pa lang sa mga ito. Simulan natin sa kung paano ise-sterilize ang bagong baby bottles.

Tamang paghuhugas ng bote ng baby! | image courtesy: shutterstock

Tamang paghuhugas ng bote ng baby: Paano I-sterilize at Hugasan ang Baby Bottles?

Habang nag-se-sterilize ng baby bottles, napapatay ang mga germs. Kaya napaka-importante na gawin ito lalo na bago mag-one year old ang baby mo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Breast milk man o formula ang pinapainom mo sa baby mo, kailangang ugaliing mag-sterilize at maghugas ng baby bottles bago gamitin ito.

Tingnan natin ang mga karaniwang paraan ng pag-sterilize sa baby bottles.

1. Pagpapakulo o boiling

Larawan mula sa Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kapag pinakuluan ang baby bottles pinapatay mo ang mga delikadong germs. Dahil sa mataas na temperatura, hindi nito hinahayaang may matirang maliliit na organisma, kaya’t iniiwan nitong malinis ang mga bote. Maaari mong sundan ang prosesong nakalista sa ibaba.

  • Ilagay ang baby bottles, tsupon, at takip sa isang malaking kasirola sa kalan.
  • Dagdagan ng tubig, hanggang sa mailublob ang bote atbp. Siguraduhing walang bula sa tubig.
  • Pakuluan ang tubig nang mabilisan, mga limang minuto.
  • Patayin ang kalan at hayaang lumamig muna ito ng ilang minuto.
  • Gamit ang mga malinis na kamay, puweded mong dukutin ang mga buti mula sa kasirola, siguraduhing hindi na masyadong mainit ang tubig. Siguraduhing ilagay sila sa sterile at malinis din na lugar.
  • Kunin sila at i-shake para matanggal ang sobrang tubig.
  • Kung hindi mo naman kailangang gamiting agad ang mga bote, itabi sila sa isang lalagyan at isilid sa inyong refrigerator. Siguradhing nakakbit na ang tsupon at takip.
  • Kung gagamitin na ito matapos ang 24 oras, siguraduhing gawin ang buong proseso muli.

2. Chemical sterilization

Larawan mula sa Shutterstock

Sa method na ito, gumagamit ng chemical disinfectants na tabletas o liquid upang i-sterilize o hugasan ang baby bottles. Narito kung paano gawin ito.

  • Linisin ang mga bote, cap, tsupon at ang gagamiting panghugas bago magsimula.
  • Kadalasan, may manual nang kasama ang chemical sterilizer upang magsilbing gabay kung paano ito gamitin.
  • Tulad din ng pagpapakulo, ilublob mo ang bote at ang kasama nito sa tubig o sa method na ito, yung solution na may chemical disinfectants. Siguraduhing hindi ito bumubula.
  • Maaari mong iwan ang bote dito hangga’t gagamitin mo on.
  • Kung gagamitin muli ito, baklasin muli at hugasan nang mabuti, punasan ito gamit ang malinis na tela. Ilagay sa refrigerator tulad ng pagpapakulo.
  • Siguraduhing itapon ang solution matapos ang 24 hours. Linisin ang lalagyan gamit ang maligamgam na tubig at sabon upang magaya ang epekto ng chemical solution.

3. Steaming

Ang huling method ng paghuhugas ay ang steaming. Katulad ng pagpapakulo, maaaring gumamit din ng mainiti na tubig para i-sterilize at linisin ng bote. Narito kung paano ito gagawin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Para sa prosesong ito, kailangan mo ng steamer (microwave o electric sterilizer). Ito ay available sa mga appliance stores, supermarket, at kahit na sa online shops.
  • Linisin ang mga bote, takip, pat na rin ang mga tsupon bago magsimula. Ilagay ang bote nang pabaliktad upang ang bukas na parte nito ay “face down” sa sterilizer.
  • Makikita mo sa sterilizer kung ano ang instructions na dapat sundin ukol sa gaano karami ang tubig o gaano katagal dapat ito i-steam.
  • Kung gagamiting kaagad ang mga bote, sundan ang instructions kung paano idi-drain, banlaw, o patuyuin ito.
  • Kung gusto mo naman itong itabi, maaari mong i-check kung paano gamitin ang electric sterilizer muli.

Sa lahat ng pamamaraan na ito, pinapatay mo ang germs at tinatanggal ang mga unwanted organisms na maaaring naninirahan na sa bote o mga accessories nito.

Larawnan mula sa Shutterstock

Sa unang dalawang buwan ng paggamit sa baby bottles, maaaring i-sterilize sila. Pero pagkatapos nito ay maaaring paghuhugas lang ay sapat na. Ngunit para maging safe, maaari mong i-sterilize ang baby bottles ng “on and off” in two weeks.

Kung ang baby mo ay magkaroon ng impeksiyon tulad ng oral thrush, maaaring kailanganing mag-sterilize bago gamitin, lalo na ang mga tsupon o pacifier.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano huhugasan at papanatiliing malinis ang baby bottles? 

Upang mapanatiling malinis ang baby bottles ng anak mo, alalahanin ang mga bagay na ito.

  • Linisin ang baby bottle gamit ang maligamgam na tubig at sabon matapos itong gamitin. Huwag hayaang magtagal na may lamang gatas ang bote. Ang gatas, kapag tumagal, ay maaaring mamuo at mapanis sa bote. Kapag nangyari ito, mas mahirap na itong linisan. Mas mataas din ang chance na pamugaran ito ng mga germs.
  • Ugaliing gumamit ng sabon na walang fragrance o dye na maaaring harsh at nakakasama sa baby.
  • Baklasin ang baby bottles bago ito linisan. Tanggalin ang tsupon at kung ano pa ang ibang kailangang linisin.
  • Kung nangingitim na o nag-iiba ang kulay ng bote, subukang gumamit ng bagong bote. Kadalasan, kapag nagbabago na ang kulay, dahil ito sa naipon na gatas dahil sa hindi lubusang paghuhugas.
  • Ang paghuhugas gamit ang maligamgam na tubig at sabon ay sapat na upang patayin ang mga germs. Matapos baklasin ang bote, maaari mo itong hugasan gamit ang sabon at tubig.
  • Gumamit ng hiwalay na bottle brush at drying mat. Siguraduhing linisin ng mabuti at madalas. Ito ay para makasiguro na kung ano mang residue ay hindi mailipat mula sa isang bote sa mga iba pang bote.
  • Kapag hinuhugasan mo an bote siguraduhing walang maiiwan na na sabon. Kahit na kapiranggot na sabon ay maaaring nakakapagpamuo ng gatas at mauwi sa accidental soap poisoning.
  • Hayaan matuyo nang kusa ang mga bote bago gamitin o bago i-store sa fridge.

Larawan mula sa iStock

Paano babanlawan at papatuyuin ang bote ni baby?

Ito ay importanteng hakbang dahil kapag hindi nabanlawan nang mabuti, maaaring may maiwan na sabon, na gaya na nang nasabi namin, ay maaaring magdulot ng pagkalason.

Dahil dito, maaari mong ilagay ang bote sa ilalim ng dumadaloy at malinis na tubig. Kung kumukulo ang tubig, mas mainam.

Siguraduhing tunay na malinis ang bote at walang tira-tirang sabon.

Kapag nabanlawan na nang lubos ang bote, ilagay ito sa malinis na mat o tuwalya para matuyo ito. Sa paraang ito, makakasiguro ka na kahit man inaantok ka ay hindi ito matatabig. Kailangan mo ding siguraduhing papalitan mo ang mga towel o mats nang madalas.

Kung talagang tuyo na ito, tsaka mo lang dapat itabi o itago ito. Sa paraang ito mapipigilan ang bacterial growth dahil kapag basa ang bote mas mataas ang chance na magkakaroon nito.

Larawan mula sa iStock

Gaano kadalas dapat magpalit ng bote ni baby?

Kapag dating naman sa shelf-life o kung gaano katagal ang isang bote, alamin ang kondisyong ng tsupon at bote. Kadalasa’y pagkatapos na ng three to four months ay puwede nang palitana ng tsupon. Kung gumagamit ng bottle liners, siguraduhing itapon ito kada gamit. Narito ang mga senyales na dapat na palitan ang bote ni baby:

  • Pagbabago ng kulay ng tsupon at bote.
  • Kung ang breast milk o formula ay umuusok na tila steam.
  • Manipis na tsupon, ibig sabihin nito ay kailangan nang palitan.
  • Punit o butas na—sure sign ito na dapat nang palitan ang bote ni baby at kailangan nang palitan.

Tandaan, tulad ng isang sensitibong bagay, ang bote ni baby  nangangailan ng pangangalaga. Kaya’t siguruhing maging maingat at masinop sa paglinilinis nito, mommies!

 

Isinalin sa wikang Filipino mula sa orihinal na Ingles ni Bianchi Mendoza.

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Deepshikha Punj