Humidifier vs. Air Purifier: Anong dapat mong bilhin para sa bahay?

Para masigurong malinis ang nalalanghap na hangin ng iyong pamilya, ano nga ba ang mas kailangan: humidifier vs. air purifier?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para masigurong healthy ang hangin na nalalanghap ng iyong pamilya — mas kailangan mo ba ng humidifier vs. air purifier sa iyong bahay?

Humidifier vs. Air purifier

May iba’t ibang health benefits at gamit ang humidifier at air purifier. Upang mas maintindihan ito, narito ang comparison ng dalawa at kung ano nga ba ang mas kailangan sa inyong bahay.

Image from Freepik

Humidifier Air Purifier
Main use Ang humidifier ay ginagamit upang madagdagan ang moisture ng hangin. Ang air purifier naman ay ginagamit para malinis ang hangin sa pamamagitan ng pagtanggal ng air pollutants.
Health benefits Nakatutulong ito sa mga taong may respiratory symptoms at dry skin. Ang high-efficiency particulate air o HEPA filter nito ay tumutulong para matanggal ang 99.9% na dust particles at impurities sa hangin.
Good for Para sa mga taong madalas na inuubo, may allergic rhinitis o sinus headaches, dry ang lalamunan o airways. Para sa mga taong may asthma at allergies. Mainam din ito para malinis ang hangin na may halong secondhand smoke kung mayroong smoker sa inyong bahay.
Types Steam vaporizers, Ultrasonic, Evaporators, Impeller, Central humidifier Ultraviolet Air Purifiers, HEPA Air Purifiers, Activated Carbon Air Purifiers, Ionic Air Purifiers, Electronic Air Cleaners, Central Air Cleaners, Air-To-Air Exchangers

Ngayon na malinaw na kung ano ang pinagkaiba ng dalawa, makikita na pareho naman itong helpful sa bahay. Para magkaroon pa ng mas malinaw na pagkakaintindi rito, panoorin kung paano pinapagana ang humidifier at air purifier.

Paano gamitin ang humidifier

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano gamitin ang air purifier

Saan maaring bumili nito

Maraming klase at brand ng humidifier at air purifier. Ngunit kung gusto mo ng available online at madaling made-deliver sa inyo, narito ang ilan sa mga puwedeng pagbilhan nito.

Humidifier

Image from Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Air purifier

May disadvantage ba ang paggamit nito

Image from Freepik

Ang ilang humidifier ay mayroong maingay na tunog. Kaya naman kung baby pa ang iyong anak, maari itong maka-istorbo sa kanyang tulog pati na rin sa inyong mag-asawa. Bukod dito, maari rin itong mag-cause ng molds dahil magiging humid ito. Dahil gumagamit din ang humidifier ng water tank, maaring mag-build up ang bacteria sa tubig na ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para masigurong malinis pa rin ang gamit niyong humidifier, palitan lang palagi ang tubig at i-on lamang ito sa gabi o kung kinakailangan.

Para naman sa mga air purifier, ang kadalasan lang na problema rito ay maintenance. Mas mabilis kasi itong masira kumpara sa humidifier. At kung palaging bibili o ipapaayos ito ay maaring dumoble ang gastos. Bukod pa rito, sinasabi rin na hindi environmentally friendly ito dahil sa ozone emissions na dala nito. Kung tumagal ay makakasama rin ang ozone emissions sa respiratory system ng mga taong nakalalanghap ng hangin na ito.

Ito naman ay ilang mga pag-aaral lamang. Gabay na rin para sa iyo na gusto lamang magkaroon ng malinis at safe na space sa iyong tahanan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Source:

Healthline, Medical News Today, LifeHack

Basahin:

10 produkto na pang sipsip ng sipon ng baby at paano ito gagamitin

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement


Sinulat ni

mayie