Humidifier vs Diffuser: Narito ang pagkakaiba ng dalawa at ang mga benepisyong maibibigay ng paggamit ng mga ito sa bahay ninyo.
Humidifier vs Diffuser
Ayon sa Wellness Appliances, ang unang dapat isaalang sa pagdedesisyon sa kung anong pipiliin sa diffuser at humidifier ay ang dahilan kung bakit mo ito bibilhin. Dahil ang dalawa ay may magkaibang functions at benefits na maibibigay sa inyong tahanan.
Ang pagkakaiba nga ng functions at benefits na ibibinigay ng humidifier at diffuser ay ang sumusunod:
Ang mga diffuser ay ginagamit para sa aromatherapy purposes o para mapabango ang amoy ng isang bahay o kwarto. Ito ay nilalagyan ng essential oils na na-distribute sa hangin na ating mai-enhale at maipapasok sa ating katawan.
May apat na uri ang diffuser. Ito ay ang ultrasonic diffuser, nebulizing diffuser, heat diffusers at evaporative diffuser.
Samantala, ang mga humidifier ay ginawa upang mag-maintain ng optimal humidity level sa hangin sa loob ng inyong bahay. Ito ay may apat na uri. Ang mga ito ay warm mist, evaporative, impeller, at ultrasonic.
Ang gamit at benefits ng humidifier vs diffuser ay ang sumusunod:
Humidifier vs diffuser: Advantages ng paggamit ng diffuser at humidifier
|
Diffuser |
Humidifier |
- Nakakatulong ang diffuser na ma-enhance ang mood ng isang kwarto dahil sa na-didistribute nitong essential oils.
- Ang cool mist mula sa diffuser ay nagbibigay ng purifying effect sa isang kwarto.
- Depende sa essential oil na gagamitin, ay binabawasan ng diffusers ang amount ng bacteria at fungus sa isang kwarto upang maiwasan ang mga sakit.
- Ang essential oil mula dito ay maabsorb rin ng ating balat na nagbibigay ng relaxing at soothing effect dito.
- Nakakatulong rin ang cool mist mula sa diffuser upang makahinga ng maayos ang isang tao at mabawasan ang paghilik sa pamamagitan ng ilang essential oils.
- Ang mga diffusers ay may special lighting features. Tulad ng pabago-bagong kulay ng LED light na nakakatulong upang ma-relax ang utak at ma-elevate ang energy level ng katawan.
|
- Pinapanatili ng humidifier ang moisture ng hangin sa loob ng bahay upang maiwasan ang dry skin at dry lips.
- Nakakatulong rin ang paggamit ng humidifier upang maiwasan ang mga bacterial at viral problems na nagpapahirap sa isang taong makatulog.
- Marami ring gumagamit ng humidifier upang malunasan ang mga sintomas ng sipon, flu at sinus congestion.
- Ginagamit rin ito bilang paraan upang maginhawaan sa paghinga ang mga taong may allergies o asthma.
- Ang cool-mist at warm-mist humidifiers ay nakakatulong rin para maiwasan ng isang tao ang paghilik. Dahil sa nakakatulong ito sa maayos na paghinga at pagtulog.
- Ang tamang moisture rin na nagmumula sa humidifiers ay nakakatulong upang maiwasan ang crack sa mga wallpaper, wood floors at furniture.
|
Humidifier vs diffuser: Disadvantages ng paggamit ng diffuser at humidifier
|
Diffuser |
Humidifier |
- Ang mga diffuser ay may kamahalan ng konti.
- May ilang diffusers ang maingay at hindi naaadjust ang LED light o lighting features na maaring makaistorbo sa tulog ng isang tao.
|
- Hindi ito puwedeng lagyan ng essential oils tulad ng diffuser. Dahil maraming humidifier ang gawa sa plastic components na maaring masira ng mga essential oils.
- May mga humidifier rin ang maingay.
- Kailangan nito ng madalas na paglilinis at maintenance.
|
Paano gumamit ng diffuser?
- I-pwesto ang diffuser sa gitna ng kwarto upang ma-distribute ng maayos ang essential oil na nagmumula rito.
- Ilagay rin ito sa flat surface upang maiwasan itong malaglag o kaya naman ay tumagas ang laman na tubig nito.
- Maglagay ng tubig sa diffuser na nasa room temperature at sapat lang sa tank nito.
- Maglagay ng 3 hanggang 10 drops ng essential oil sa diffuser depende sa laki ng kwartong pagagamitan nito.
Mga diffusers na maaring mabili at pagpilian
Ilan sa mga diffuser na mabibili sa bansa ay ang sumusunod:
1. Anion Cup Oil Aroma Diffuser ₱446
2. Plug-in Ceramic Fragrance Lamp ₱650
3. Homgeek Ultra Quiet Aroma Oil Diffuser ₱1,265
4. EsoGoal Aroma Diffuser ₱1,149
5. Keimav LED Lamp USB Aroma Diffuser ₱979
Paano gumamit ng humidifier?
Narito ang mga dapat tandaan sa paggamit ng humidifier:
- Sukatin ng hygrometer ang moisture level sa loob ng inyong bahay. Ang ideal humidity ng isang kwarto ay nasa pagitan dapat ng 30-50 percent. Kung sosobra ang moisture ng isang kwarto ng higit sa 50% ay magiging magandang lugar ito para tirahan ng mga molds at bacteria na maaring pagsimulan ng allergy at asthma.
- Gamitin lang ang humidifier kung kinakailangan upang mapanatiling mababa ang humidity level ng isang kwarto.
- Para masigurong malinis ang tubig na inilalabas ng humidifier sa hangin ay gumamit lang ng distilled water.
- Siguraduhing malinis ang humidifier matapos gamitin. Ito ay upang hindi ito pamahayan ng bacteria at fungi.
- Sa paglilinis ng humidifier ay gumamit ng suka, hydrogen peroxide mixture o cleaning solution na inirekumenda ng manufacturer.
- Magpalit ng filters ng humidifier ng madalas upang masigurong ito ay malinis.
- Para masigurong mapapanatili ang humidity level ng isang kwarto habang gumagamit ng humidifier ay buksan ang pinto at hayaang maglabas-masok ang hangin sa kwarto.
Mga humidifier na maaring mabili at pagpilian
1. H2O+ Air Purifier Humidifier and Revitalizer ₱550
2. Crane Drop Shape Cool Mist Humidifier ₱3,799.75
3. Honeywell Top Fill Tower Humidifier ₱9,086
4. Deerma Ultrasonic Modern Air Humidifier ₱2,455
5. Imarflex Air Humidifier IHU-300L ₱2,299
Ano naman ang dehumidifier?
Ang dehumidifier naman ay nagtatanggal ng mositure sa hangin sa loob ng inyong tahanan.
Ayon sa artikulo ng Healthline na may pamagat na “What Does a Dehumidifier Do?” kung mayroong miyembro ng pamilya na mayroong asthma o allergies, makatutulong ang dehumidifier upang maibsan ang sintomas ng naturang karamdaman. Nakatutulong din ito upang mas maging magaan ang paghinga.
Maaaring magkaroon ng mga sintomas ng allergy tulad ng wheezing, paninikip ng dibdib, pagbahing, iritasyon sa mata at pangangati. At ang common triggers ng allergy ang amag o mold, dust mites, pollen, at balahibo ng alagang hayop. Kung gagamit ng dehumidifier upang maging dry ang hangin sa inyong bahay, mababawasan ang trigger ng allery.
Tandaan din na ang dehumidifier ay hindi angkop sa mga lugar na may dry climate o maiinit na lugar. Kung gagamit nito sa kabila ng dry climate posibleng magkaroon ng pneumonia. Makaaapekto rin ito sa kalusugan ng balat at buhok. Bukod pa rito, kung mayroong atopic dermatitis o eczema, mas mataas ang tiyansa ng flare-ups kung nasa dry environment. Kaya huwag gagamit ng dehumidifier.
Humidifier vs diffuser vs dehumidifier
Ngayon, ano ba ang tamang gamitin? Humidifiers, diffuser o dehumidifier? Nakadepende ito sa humidity ng inyong bahay. Kaya tandaan ang mga nabanggit na benepisyo ng mga ito at bumili ng akma sa inyong pangangailangan.
Karagdagang impormasyon isinulat ni Jobelle Macayan
Basahin:
Essential oil use for children: A safety guide for parents
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!