Bawat minuto ay mahalaga. Maaaring sa isang minutong nakatutok ka sa iyong cellphone, mayroon ka ng importanteng bagay na nakaligtaan. Para sa iyong asawa, hindi ito nakakatuwa. Maaaring unang beses na gumamit ng straw ng iyong anak. O di naman kaya ay natuto na itong mag-sintas ng kanyang sapatos. Ang mga sandaling ito ay hindi na mauulit. Pero ayan ka pa rin, nakatutok sa iyong cellphone.
“Husband can’t put phone down to talk to wife,” bakit nga ba problema?
Maraming rason ang pwede mong sabihin kung bakit ka laging nagce-cellphone. Maaring dahil ito sa iyong trabaho. Pwede rin namang dahil sa mga kinahihiligan mong games na kailangan talaga ng iyong full attention. Ano man ang dahilan, hindi kita tataasan ng kilay. Sa katunayan, ako ay nalulungkot para sa’yo.
Gaano na ba karaming mahahalagang pangyayari ang nakaligtaan mo? Ilang beses na kayang tumingin sa iyo ang iyong anak para makuha ang iyong atensyon, ngunit hindi mo ito nabigay? Ilang ulit ka na kayang tinatawag ng iyong asawa pero hindi mo pa rin siya nasagot? At ilang pagkain na kaya ang inihain at lumamig dahil sa kahihintay nila sa iyong matapos?
Lahat ng mga pangyayaring ito ay maaring makasira sa pagsasama niyo. Kung sa tingin mo ay simple lang ang problemang ito at hindi nakababahala ay mali ka.
Nais ka lang din makasama ng iyong pamilya. Makisali ka naman sa usapan o makipaglaro sa iyong anak. Kailan ba ang huling beses na nag-usap kayo ni misis na walang istorbong cellphone?
Paano maiiwasan ito
Sa susunod na pagkakataon na manghingi ang iyong asawa ng quality time, pagbigyan mo siya. ‘Wag mong isipin na siya ay nangungulit lang or nang-iistorbo. Kailangan niya lang makuha pabalik ang atensyon at oras mo.
Hindi ba’t makapaghihintay naman ang iyong Facebook feed? Imbis na tinitignan mo kung anong ginagawa ng mga kaibigan mo, bakit hindi ka gumawa ng sarili mong kasama ang iyong pamilya?
Huwag mo na munang i-prioritize ang email ng iyong boss, hindi ba’t kaya ka naman nagtatrabaho nang maigi ay para sa iyong pamilya?
Ang lahat ng mga bagay na ito ay makapaghihintay naman. Hindi mo namamalayan na sa bawat oras na pinalilipas mo ay nami-miss out mo na ang mga mahahalagang pangyayari. Paminsan-minsan ay piliin mong maging present. ‘Wag mong ipagkait sa pamilya mo ang iyong oras at atensyon.
Paano mo ipaparamdam ang iyong pagmamahal
1. Mag-set ng family dates. Importante na mayroon kayong pinaghahandaan at inaasahan bilang pamilya.
2. Sikaping mailaan ang weekends para sa kanila. Kung kaya ay ‘wag mo nang paabutin sa weekend ang iyong mga trabaho. Ilaan ang weekend para makipag-bonding sa kanila.
3. Maging present sa mga ispesyal na okasyon. Kahit ito ay school presentation ng iyong anak o birthday ng iyong asawa, maging thoughtful na tatay o asawa sa pamamagitan ng pagiging present.
4. Lagyan din ng oras ang iyong pagce-cellphone. Kung hindi naman trabaho ang iyong ginagawa sa cellphone at games lang o social media, huwag nang ubusin ang iyong oras dito.
Ilan lamang ito sa mga makatutulong sa iyo para mabigyan ng importansya ang iyong pamilya. Matutong balansehin ang iyong oras.
Read the English version of this article here: To the husband who can’t put his phone down to talk to his wife
BASAHIN: 6 paraan para i-save ang relationship na papunta na sa hiwalayan
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!