Ang mga magagawa ni mister upang masigurong healthy ang pagbubuntis mo?

Husbands role during pregnancy: Daddy! Excited kana ba sa paglabas ni baby? Gawin ang mga tips na ito para maging special ang pregnancy ni mommy!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Husbands role during pregnancy

Sa pagbubuntis, isang ugali na ng ina ang pag maintain ng kanyang healthy pregnancy. Ito ay dahil may nabubuo at lumalaking panibagong buhay sa kanyang tummy. Sa loob ng buwan ng kanyang pagbubuntis, kailangan niyang i-monitor ang kinakain, iinuming gamot, makakaranas ng morning sickness at iba pang episode sa pagbubuntis.

What is the husband’s role during pregnancy?

Kahit na sabihin nating ang nanay talaga ang nagdadala lahat nito, malaki pa rin ang sole na ginagampanan ni daddy sa pagbubuntis ni mommy. Ito ay sa pamamagitan ng pagcheck sa buntis na asawa kung healthy ba ang pagbubuntis nito. Kaya naman narito ang mga tips kung ano ang maitutulong mo sa healthy pregnancy ni mommy!

1. Samahan si mommy sa lahat ng check-up o appointments

Base sa aking personal experience, may pagkakataon talaga na lagi kong nakakalimutan ang mga appointments ko sa doctor ko. Minsan naman ay nagkakamali sa mga information na paalala ni Doc. Siguro ay dala na rin ito ng stress dahil sa daming bagay na iniisip ko.

Ang asawa ko naman ay may trabaho noon at hindi ako nasasamahan sa bawat check up. Ito ang dahilan kung bakit nalilito at hindi niya nababantayan ang mga sinasabi ng doktor ko tungkol sa development ni baby.

Kung babalikan ko ang mga oras na ‘yon, sisiguraduhin kong papasamahin ko ang asawa ko kapag may check up ako. Para na rin updated siya sa current development ni baby. At syempre para na rin paalalahanan ako sa mga bilin ni Doc at kung kailan ang next check-up ko.

Mahalaga rin para sa isang asawa na alamin kung ano ang mga karaniwang tanong sa OBGYN visit.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Husbands role during pregnancy | Image from Freepik

2. I-remind si misis na inumin ang kanyang vitamins

Minsan, nakakalimutan talaga natin kahit ang mga maliliit na bagay katulad ng pag-inom ng daily vitamins. Ngunit dahil sa tulong ng iyong asawa, maaari mo nang mainom sa tamang oras ang mga ito. Kapag bibigyan ng healthy breakfast si misis, ilagay na sa tabi ng plato ang kanyang supplements para hindi makalimutang inumin ito bago ka pumasok sa trabaho.

3. Tulungan na bilangin ang sipa ni baby

Ang pagbibilang ng sipa ni baby ay isang magandang bonding activity para sa mag-asawa. Pumili ng oras sa araw at humanap ng komportableng posisyon si misis at saka ilagay ang kamay sa kanyang belly. Pakiramdaman ang sipa ni baby kasama ang iyong asawa. Maaari mo ring kanatahan o kausapin si baby para naman makilala ka nito kapag siya ay ipinanganak na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para maayos na mabilang ang kicks ni baby, maaari lang na i-download ang theAsianparent app at pwede mo nang gamitin ang kick counter feature.

Husbands role during pregnancy | Image from Freepik

4. Hilutin si misis

Sobrang frustrating kapag nakakaranas ang isang buntis ng pamamaga ng bukong-bukong. Malaki ang maitutulong pagmasahe ng iyong asawa dito para dumaloy ng maayos ang dugo at tubig dito. Maaari ring ihanda ni mister ang Epsom salt bath para kay misis na makakatulong sa pagpapawala ng sakit at pressure sa ankle nito.

5. Pagkukusa sa maliliit na bagay

Malaking tulong na para kay misis ang pag hugas ng plato, paglaba o paglilinis ng bahay ni mister. Bawal rin kasi sa isang buntis ang gumalaw ng todo at mapagod sa mga gawaing bahay sa kaniyang pagbubuntis. Tulungan lang si misis sa mga gawaing bahay para mapanatili ang healthy pregnancy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

6. Magsaliksik tungkol sa pregnancy

Sa paglaki ng baby sa tyan ni misis, importante rin kay mister ang pagkakaroon ng madaming knowledge tungkol sa pagbubuntis ng kanyang asawa. Katulad na lamang kapag dating ng 3rd trimester ni miss, kailangan nito na matulog sa kanyang side. Bilhan ng pregnancy pillow si misis na makakatulong sa kanya sa pag tulog sa gabi. Ang pagtulog sa side ni misis ay makakaktulong sa magandang pagdaloy ng dugo nito papunta sa kanyang placenta at baby.

Husbands role during pregnancy | Image from Freepik

7. Tumulong sa ‘nesting’

Dadating talaga sa nesting phase ang si misis sa kanyang pagbubuntis. Tumulong sa kanya kapag dumating ang phase na ito. Tulungan siya na mag set up ng kwarto ni baby at iba pang gamit nito. Subukang makihalubilo at tulungan si misis bilang asawa nito. Sa pagkakataong ito, hindi mo lang matutulungan si misis sa kanyang pagpapahinga kundi iba rin ang pakiramdam sa kanila kapag nakikita nila ang kanilang asawa na pilit tumutulong para hindi sila mahirapan.

 

Daddy, hindi mo man ma-realize pero sa pamamagitan ng maliit na bagay na ito, makakasiguro ka sa good mental health at healthy pregnancy ng iyong asawa. Mapapanatili mo rin ang strong connection mo sa iyong asawa at sa iyong magiging anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Translated with permission from theAsianparent Singapore

 

BASAHIN:

Safe at tamang paghiga ng buntis upang makaiwas sa stillbirth

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Mach Marciano