Maraming netizens ang napapa-wow sa hyper realistic dolls o reborn dolls na gawa ng Pixie Dixie Dolls. Ano nga ba ang reborn dolls at bakit may mga mommy na gustong “mag-alaga” ng ganitong baby dolls?
Talagang nag-eevolve ang trends sa social media. Isa sa mga trending sa Philippines ay ang reborn dolls. Sa TikTok nga ng Pixie Dixie Dolls, makikitang marami ang namamangha sa pagkakagawa ng kanilang reborn dolls. Puno ng like reactions at comments ang bawat TikTok post.
Ano ang reborn dolls?
Ang hyper realistic reborn dolls ay karaniwang gawa sa vinyl o silicone. Masusing ginagawa ito upang magaya ang itsura ng totoong sanggol. Kung titingnan ang reborn dolls, talagang mapapaisip ka kung totoo ba itong baby o manika lang.
Grabe ang artistry na ibinubuhos ng mga reborn artist sa kanilang craft. Bawat detalye, mula sa facial features, lifelike skin textures, meticulously painted na buhok, at hand-rooted eyelashes. Talagang, mahabang oras ang inilalaan ng mga artist para ma-achieve ang “realistic” look ng isang baby. Nakakamangha!
Matagal nang may mga gumagawa ng mga ganitong manika, pero ang hyper realistic variation nito ay mas naging kilala nito lamang nagdaang mga taon. Dahil na rin sa tulong ng social media tulad ng TikTok, Instagram, at YouTube. Sa mga social media platform na ito nagkakaroon ng pagkakataon ang mga artist na i-showcase ang kanilang creations at collections. At doon nga ay nakukuha nila ang atensyon ng mga tulad nilang enthusiast at maging ng mga curious na netizen.
Sa pamamagitan ng social media, nagkakaroon ng espasyo para sa mga reborn dolls enthusiast na makipag-ugnayan sa isa’t isa, ibahagi ang passion, at ipakita ang kanilang koleksyon. Samantala, sa TikTok, tulad ng Pixie Dixie Dolls, napakacreative ng kanilang paraan kung paano i-showcase ang mga reborn doll. Nariyan ang storytelling, role-playing, at transformation videos. Talagang nakukuha ang atensyon ng audiences sa detalyado at tila totoong-totoong anyo ng sanggol.
Benefits ng hyper realistic reborn dolls
Bakit nga ba mayroong mga mommy na gustong magkaroon ng reborn dolls?
Para sa maraming enthusiast ng reborn dolls, maraming benefits ang mga manika na ito na higit pa sa visual appeal. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
Therapeutic value
Nagbibigay ng comfort at emotional support ang reborn dolls para sa mga individual na nakararanas ng grief, loneliness, o anxiety. Ang pagkakaroon ng reborn doll ay nakapagbibigay ng pakiramdam na mayroon kang kasama at purpose sa buhay. Lalo na para sa mga couple na hindi magkaroon ng anak o kaya naman ay nakaranas na mawalan ng anak.
Artistic expression
Ang paggawa ng hyper realistic dolls ay isang uri ng artistic expression para sa artists at collectors. Naipakikita nila ang kanilang skills at creativity mula sa proseso ng pagpipinta, paghuhulma, at pag-assemble ng lifelike dolls na ito. Samantala, ang mga collector naman ay silang naka-aappreciate ng beauty at realism ng bawat unique na creation ng mga reborn artist.
Bonding at community
Sa pamamagitan ng social media, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga collectors at enthusiast na magkaroon ng community. Isang community kung saan ay naibabahagi nila ang kanilang love at passion sa kanilang reborn dolls. Sa community rin na ito ay nakapagbibigay sila sa isa’t isa ng support at sense of belonging para sa mga individual na nakararamdam na hindi sila nauunawaan ng iba lalo na ng mainstream society.
Educational tools
Marami na rin ang gumagamit sa lifelike dolls bilang educational tools. Lalo na sa healthcare settings, partikular sa mga training programs para sa mga caregiver, nurses, at therapists. Ang mga realistic simulations na ito ay nakatutulong sa mga professional upang ma-develop ang kanilang essential skills sa communication at patient care.
Sa kabila ng mga benefits na ito ng hyper realistic dolls, mayroon pa ring mga tao na hinuhusgahan ang mga collector, artist at enthusiast ng mga ganitong manika. Ilan sa mga ito ay kinukwestyon ang motibo ng pangongolekta o pagkakaroon ng mga manika na mukhang totoong sanggol. Mayroon din na mga hindi komportable sa level ng realism na mayroon ang reborn dolls.
Pero kahit na ganoon, patuloy pa ring dinedepensahan ng mga enthusiast ang kanilang passion. At nagfo-focus na lamang sa artistic value, therapeutic benefits, at emotional connections na nakukuha nila mula sa kanilang mga manika.
Kung naghahanap ka ng hyper realistic doll, maaaring bisitahin ang TikTok o Facebook account ng Pixie Dixie Dolls. Pwedeng magpadala ng mensahe sa kanila upang malaman kung paano bumili ng kanilang manika.