Buntis, 6 buwan na hindi makakain at maka-inom dahil sa matinding morning sickness

Tuklasin kung gaano kalubhang sakit ang hyperemesis gravidarum at paano ito nakakaapekto sa pagbubuntis ng isang ina at paano rin ito magagamot.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para kay Hannah Dalton, 30 na taong gulang mula sa Thundersley, Essex, mahirap ang pagbubuntis. Walong buwan siyang hindi maka-inom ng tubig upang hindi magsuka.

Siya ay nakaratay nang 6 na buwan, kinailangan ng wheelchair at muntik nang sumuko ang katawan. Lahat ng ito dahil mayroon siyang hyperemesis gravidarum (HG) o ang matinding kaso ng morning sickness.

Sa kaso naman ni Felicity Collins, wala siyang puwedeng kainin o inumin dahil lahat ng kaniyang i-take ay isinusuka niya. Sa kaniyang pagdadalangtao sa kaniyang twins, imbis na bumigat ang timbang, pumayat pa ito ng almost 14 lbs.

“This illness makes you a shadow of who you were… it’s nine months of living hell.”

Hyperemesis gravidarum

Ang kaso ni Hannah at Felicity ay dalawa lamang sa libo-libong mga buntis na dumaranas ng hyperemesis gravidarum sa UK at sa buong mundo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi parin malinaw ang tunay na sanhi ng hyperemesis gravidarum. May mga nag-iisip na ito ay namamana. Nasasabi rin na ang mga nakaranas nito sa isang pagbubuntis ay muling makakaranas sa mga susunod na pagbubuntis.

Ang mga scientist sa King’s College London at mga hospital na Guy’s at St. Thomas’ ay nagsasama-sama para sa isang pagsasaliksik. Sila ngayon ay magsisimula ng 4 na taong pagsisiyasat para sa mga bagong kaalaman sa hyperemesis gravidarum.

Kukuha sila ng blood samples at susuriin ang medical history ng 1,000 kababaihan na madadala sa ospital na may sintomas ng hyperemesis gravidarum. Ang mga lalahok ay manggagaling sa recruitment ng charity na Pregnancy Sickness Report.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pag-aaral ay maghahanap ng genetic na ugnayan at pagbabago sa hormones sa partikular na protina na ilalabas ng placenta. Itong GDF15 ay nakaka-apekto sa parte ng utak na nagko-kontrol sa pagkahilo at pagsusuka. Layunin ng pagaaral na maiayos ang pagpapagaling sa mga may hyperemesus gravidarum sa pag-alam ng sanhi at mga panganib na dulot nito.

Kapag hindi ginamot ang hyperemesis gravidarum

Ayon sa mg ebidensya, ang pagkahilo at pagsusuka ng mayroong hyperemesis gravidarum ay hindi nakaka-apekto sa dinadalang sanggol. Gano’n pa man, ang kaakibat na malnutrisyon, dehydration, at epekto sa pag-iisip ay maaaring maging sanhi ng pamhabay buhay na problema sa nanay at anak.

Ayon kay Caitlin Dean ng Pregnancy Sickness Report, marami ang mga duktor na nagbibigay ng pangangalaga sa mga nakakaranas ng hyperemesis gravidarum.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngunit, marami rin ang hindi kinikilala ang sakit kaya’t hindi makapagbigay ng tamang lunas para dito. Ito ang nagiging dahilan ng maraming paghihirap, pagkaka-ospital, at pagpapatigil sa pagbubuntis.

 

Source: BBC News
Basahin: Hyperemesis Gravidarum: Mga sintomas at paggamot dito

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement