Hyperthyroidism sa mga bata: Sanhi, sintomas, at epekto

Ano nga ba ang hyperthyroidism, at dapat bang mag-alala ang mga magulang kapag mayroong ganitong kondisyon ang kanilang anak?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang hyperthyroidism ay isang kondisyon kung saan nagiging “overactive” ang thyroid gland at gumagawa ito ng sobrang thyroid hormone. Ano nga ba ang mga sintomas ng hyperthyroidism?

Sa isang normal na bata, kailangan ang thyroid hormone para sa metabolism at paglaki. Ngunit kapag sumobra naman ang hormone na ito, posibleng bumagsak bigla ang timbang ng iyong anak, magkaroon siya ng irregular heartbeat, pagiging iritable, nerbyos, at pagkabalisa. Posible rin nitong maapektuhan ang performance niya sa paaralan.

Image from Freepik

Kaya’t mahalagang malaman ng mga magulang ang tungkol sa kondisyong ito. Dahil kung mapabayaan, posible itong lumala at magkaroon pa ng mas matinding side effects sa bata.

Paano nagkakaroon ng hyperthyroidism?

Madalas ang hyperthyroidism ay epekto ng tinatawag na Graves disease, isang uri ng autoimmune disease kung saan sumosobra ang ginagawang thyroid hormone, at nagkakaroon din ng paglaki ng thyroid.

Posible ring epekto ito ng thyroid cancer, dahil nagiging sanhi ng sobra-sobrang production ng thyroid hormone ang mga cancer nodules sa thyroid.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sintomas ng hyperthyroidism na dapat mong alamin:

Image from Freepik

  • Pagkakaroon ng goiter.
  • Mabilis na pagtibok ng puso.
  • Biglaang pagpayat.
  • Pagiging iritable, balisa, at pabago-bago ng isip.
  • Pagtaas ng blood pressure.
  • Mas ginaganahang kumain, pero hindi nadaragdagan ang timbang.
  • Fatigue.
  • Nahihirapang makatulog.
  • Nahihirapang mag-concentrate.
  • Palaging naiinitan.
  • Madalas na pagdumi.

Sa kabilang banda, mayroon ring kondisyong tinatawag na hypothyroidism. Ang mga taong may hypothyroidism ay mayroon namang kakulangan sa thyroid hormone dahil sa underactive na thyroid. Posible itong maging sanhi ng pagdagdag ng timbang, pananakit ng joints at muscles, depression, fatigue, constipation, panlalamig at iba pa.

Ang mga kondisyong ito ay nalalaman sa pamamagitan ng iba’t-ibang mga pagsusuri na ginagawa sa ospital. Kaya’t mahalagang dalhin ang iyong anak sa doktor para masuri kung mayroon nga bang problema ang kaniyang thyroid.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano ito nagagamot?

3 ang pangunahing uri ng gamot para sa hyperthyroidism. Ito ay ang pag-inom ng anti-thyroid medication, radioactive iodine ablation, at ang pagtanggal ng mismong thyroid gland.

Ang anti-thyroid medication ay nakakatulong upang babaan ang levels ng thyroid hormone sa dugo. Kadalasang ito ang unang ibinibigay na gamot sa mga taong na-diagnose ng hyperthyroidism.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Ang radioactive iodine ablation naman ay ang paggamit ng radioactive iodine upang “sirain” ang thyroid gland ng isang tao. Mabuti ang ganitong paraan ng therapy sa mga bata dahil hindi na kailangan operahan. Ngunit hindi ito inirerekomenda sa mga mayroong Graves disease, o kaya may thyroid nodules. Kapag masyado ring malaki ang thyroid ay hindi ito madalas ginagamit.

Ang pangatlo naman ay ang pagtanggal ng thyroid gland. Sa ganitong paraan, permanenteng tinatanggal ang thyroid upang mawal na ang epekto ng hyperthyroidism. Hindi naman ito nakakasama sa katawan dahil posible namang mabuhay ang isang tao kahit walang thyroid.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Huwag kalimutang magpakonsulta sa iyong doktor, at dumulog sa kanilang payo pagdating sa hyperthyroidism ng iyong anak.

 

Sources: EmedicineCHOP

Basahin: 12 tell tales signs you have thyroid problems

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara