Ian Veneracion daughter comes out as lesbian. Ayon naman kay Ian, “you can be whoever you want to be and I have full support.”
Ian Veneracion daughter
Ang only daughter ni Ian Veneracion na si Deirdre Veneracion o Dids ay 19 years old. Siya rin ang panganay sa tatlong magkakapatid.
Sa isang recent interview sa kanilang mag-ama, tinanong sila kung kailan ito nag-come out at kung paano ito nangyari. Sa kanilang kwento, 16 years old pa lamang si Dids noon at bigla lang siyang lumapit sa kanyang ama para mag-confess. Ayon kay Ian, teary-eyed pa nga raw si Dids nang lumapit sa kanya.
Noong sinabi raw nito na nagkakagusto siya sa mga babae, pabiro namang sinabi ni Ian na, “me also. I like girls”.
Nabigla naman si Dids sa sagot ng kanyang ama at tinanong ulit kung okay lang na ganoon ang kanyang preference.
Ian Veneracion on how to show full support to your child
Ayon kay Ian, maikli lang ang buhay at hindi ka dapat mabuhay na apologetic. Sinabi niya sa kanyang anak noong nag-come out ito na,
“Just don’t be ever apologetic about it, not even to me. You can be whoever you want to be and I have full support.”
Sabi pa niya, alam na raw nila noon pa dahil pansin niya sa mga kilos nito. Sadyang naghihintay lang sila na magsabi si Dids.
Sunod namang naitanong kung paano nila ito sinabi sa kanyang ina. Aminado ang dalawa na kinailangan muna nilang humanap ng tyempo bago ito sinabi. Pero katulad ni Ian, full support naman ang mommy ni Dids at sinabi na ayos lang kung saan siya masaya.
How to accept your child when he/she comes out
Maaaring maramdaman mo na caught off guard ka sa sitwasyon na ito o katulad ni Ian ay may ideya ka na simula pa umpisa. Pero ang mahalaga ay maparamdam mo sa iyong anak na naiintindihan mo siya at willing ka na ibigay ang iyong full support.
Tandaan na lagi mo dapat pairalin ang pagmamahal mo sa iyong anak. Dapat mong intindihin sakaling iba ang kanyang preference. Hindi rin dapat magbago ang iyong tingin sa kanya dahil pantay-pantay lang naman ang mga tao kahit ano pa ang kanilang gusto. Pareho lang naman na pagmamahal at pagkakagusto ang nararamdaman natin anumang gender preference natin.
Hindi madali kung sakaling wala ka talagang ideya at siguradong kakailanganin mong i-proseso ito. Pero sa oras na magsabi sa iyo ang iyong anak, iwasan mo ring pairalin ang iyong emosyon. Maging kalmado, dahil maaari niyang isipin na hindi mo siya tanggap kapag ang reaksyon mo ay parang naguguluhan.
Mas maigi na umupo kayo nang tahimik at maging open sa isa’t isa. Pag-usapan ito hanggang sa iyong maintindihan o di naman kaya ay kanyang maintindihan kung bakit kailangan niyong pag-usapan ito.
Ang pinaka-importante sa lahat ay maging open kayo sa inyong pamilya. Kung mayroong ganitong mga pagkakataon ay pag-usapan talaga at maging honest lang. Iparamdam niyo na may tiwala kayo sa inyong mga anak at respetuhin din sila sa kanilang kagustuhan.
SOURCE: ABS-CBN News
BASAHIN: Watch: Ian Veneracion teaches his daughter how to sail!