TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Wet dreams? 9 na panaginip tungkol sa pagtatalik at mga ibig sabihin nito

6 min read
Wet dreams? 9 na panaginip tungkol sa pagtatalik at mga ibig sabihin nito

Ano ba ang ibig sabihin ng pakikipagtalik sa panaginip lalo na kung ibang tao ang kasama rito?

Naranasan mo na bang managinip na nakikipagtalik ka sa ibang tao? Ramdam mo bang ikaw ay nagtataksil dahil sa partikular na panaginip na ito?  Well, hindi ka nag-iisa.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Kahulugan ng sex dreams
  • 9 na sex dream at ibig sabihin ng pakikipagtalik sa panaginip

Masasabing hindi pangkaraniwan ang managinip kasama ang ibang tao. Nangyayari ito kapag ang subconscious mo ay pinapaalala sa ‘yo ang taong ito.

Subalit marami ang naguguluhan sa uri ng panaginip na ito lalo na kung sila ay nasa masaya at matatag na relasyon. Marami ang nagtataka kung ano ang ibig sabihin ng panaginip na ito.

ibig sabihin ng pakikipagtalik sa panaginip

Ibig sabihin ng pakikipagtalik sa panaginip | Photo by Womanizer WOW Tech on Unsplash

9 na common sex dream at ibig sabihin ng pakikipagtalik sa panaginip

Wala ka nang dapat pang ikabahala! Narito na ang sagot sa iyong mga katanungan.

1. Sex dream kasama ang ex

Hindi ibig sabihin na napanaginipan mong nakikipagtalik ka sa ex mo ay in love ka pa rin sa kaniya. Ang partikular na panaginip na ito ay maaaring pinapaalala lamang sa’yo ang masasayang nakaraan kasama ang iyong ex.

Maaari rin namang nahihirapan kang maka move on ng todo sa nakaraang relasyon. Gayunpaman, ang panaginip na ito ay may ibig sabihin din.

Paliwanag ni Dr Tina B. Tessina, isang Licensed Marriage and Family Therapist, ang pagkakaroon ng panaginip na nakikipagtalik ka sa iyong ex ay isang warning sign! Maaaring nag-uugnay ang iyong utak sa nakaraang at kasalukuyang relasyon.

Kadalasan, ang iyong first love ay umuugnay sa passion at excitement. Kung nakakaramdam ka ng kakulangan sa bagay na iyong hinahanap sa current partner mo, maaaring lumabas si ex sa iyong panaginip! 

BASAHIN:

Mga dapat pag-usapan ng mag-asawa tungkol sa pagtatalik

Anong ibig sabihin kapag napanaginipan mo na ikaw ay buntis?

7 dahilan kung bakit nawawalan ng gana makipagtalik ang iyong partner

2. Sex dream sa parehong kasarian

Mahal mo si hubby pero nagkaroon kana ba ng panaginip na nakikipagtalik ka sa babae? Ibig sabihin ba nito ay sexually confused ka? Normal ba ito?

Ayon sa isang sex educator na si Dr. Debra Herbenick, straight ka pa rin kahit na nagkakaroon ka ng panaginip na ganito. Maaaring nais mo lang tularan ang taong kasama mo sa iyong panaginip.

Halimbawa, napanaginipan mong nakikipagtalik ka sa iyong colleague. Hindi ibig sabihin nito ay may feelings kana sa kaniya. Sa halip, nagpapakita ito ng iyong paghanga sa kaniya.

Ang kailangan mong gawin ay isipin kung ano ba ang gusto mo sa kaniya. Maaaring siya ay matalino, mabait o kaya naman isang top employer. Ang panaginip kasama siya ay isang indikasyon na gusto mo ring magkaroon ng katulad na katangian.

3. Sex sa stranger

May pagkakataon na magigising ka na lang sa gitna ng gabi at mapapaisip kung sino ang iyong kasama sa panaginip. Uulitin ko, hindi ka nag-iisa. Normal lang ang managinip nang nakikipagtalik sa isang estranghero.

Para sa iba, isa itong senyales na hinihintay kana ng iyong soulmate. Subalit kung ikaw ay nasa isang relasyon na, maaaring gusto mo pang mag-explore.

Minsan, ang estranghero sa iyong panaginip ay isang senyales kung ano ang gusto mo sa opposite sex.

ibig sabihin ng pakikipagtalik sa panaginip

Ibig sabihin ng pakikipagtalik sa panaginip | People photo created by yanalya – www.freepik.com

4. Sex kasama si boss

Oo, sobrang hindi komportable ang ganitong klaseng panaginip. Subalit maaaring ang ibig sabihin nito ay hinahangaan mo ang katangian ng iyong boss.

Gusto mong mapalapit pa sa iyong boss pero hindi sa sekswal na paraan! Maaaring labis mong mahal ang iyong trabaho at hinahangaan mo ang iyong boss sa usaping ito.

5. Sex kasama ang isang artista

Ang kuwarto mo ay puno ng poster ng iyong paboritong artista. Buong araw mo siyang iniisip at hindi malabong mapanaginipan mo siya sa gabi.

Minsan, ang ganitong uri ng panaginip ay isang senyales na nais mong maging matagumpay din katulad ng artistang ito. Kung gusto mong matigil ang ganitong klaseng panaginip, iwasan ang pag-iisip sa kaniya. Sa halip ay mas gumawa ng paraan kung paano mapalapit pa ng todo sa taong mahal mo.

6. Sex kasama ang ang taong kinasusuklaman

Ang weird na panaginip na ito, ano? Bakit nga ba nagkakaroon ng panaginip kasama ang taong kinasusuklaman? Naku, baka magulat ka sa kahulugan ng panaginip na ito!

Hindi ibig sabihin nito na nais mong matulog kasama sila. Ito ay dahil pinapaala lang ng iyong utak ang mga katangian na ayaw mo sa partikular na taong ito. Nais mo ring lumayo sa kanila.

Maaari ring ang dahilan nito ay ang subconscious mo na nagpapa-alalang galit ka sa taong ito. Ang sekswal na emosyon ay hindi lang lagi konektado sa masasayang alaala dahil kasama rin dito ang galit.

7. Sex kasama ang matalik na kaibigan

Huwag mabalisa kung sakaling mapanaginipan mong nakikipagtalik ka sa iyong bestfriend. Kayong dalawa ay malapit na talaga sa isa’t isa. Subalit ang panaginip na ito ay maaaring nagpapahiwatig na ikaw ay mayroong sexual feelings para sa kaniya.

Partner Stories
Kilalanin ang Mga Nakakabilib na Batang May Tibay Ngayong Panahon
Kilalanin ang Mga Nakakabilib na Batang May Tibay Ngayong Panahon
Love Mom with Every Touch: Johnson’s Baby Celebrates Incredible Love Shared Between Mom and Baby
Love Mom with Every Touch: Johnson’s Baby Celebrates Incredible Love Shared Between Mom and Baby
Sekaya banks on science to optimize the earth’s natural ingredients
Sekaya banks on science to optimize the earth’s natural ingredients
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School

Kung ikaw ay nalilito, isipin ang panaginip na ito ng mabuti kapag ikaw ay gising. Tanungin ang sarili kung ito ba talaga ang iyong gusto? Kung oo, kausapin sila at kung hindi naman, kalimutan ito para maiwasan ang pagkasira ng pagkakaibigan.

ibig sabihin ng pakikipagtalik sa panaginip

Ibig sabihin ng pakikipagtalik sa panaginip | People photo created by jcomp – www.freepik.com

8. Sex kasama ang kapamilya

Eww! Ngunit kung ito man ay mangyari, ‘wag agad mabalisa. Ang iyong subconscious ay hindi palaging alam ang moral at imoral.

Ang panaginip na nakikipagtalik kasama ang isang miyembro ng pamilya ay maaaring ibig sabihin ay nirerespeto mo sila o kaya naman simpleng mahal mo lang talaga sila.

9. Sex kasama ang kapitbahay

Hindi ibig sabihin ng panaginip an ito ay nais mong makipagtalik na agad sa iyong kapitbahay. Maaaring naa-appreciate mo lamang ang kanilang mabuting ugali o itsura. Maaari rin namang hindi napupunan ng maayos ni partner ang iyong kailangan.

Kung ikaw naman ay single, maaaring ang panaginip na ito ay nagtuturong gusto mo sa isang partner ang ugaling mayroon ang iyong kapitbahay.

Kung ang sex dream na ito ay pilit na bumabagabag sa iyo, tanungin lang ang sarili. Ano ang unang tingin mo sa taong napanagipan? Ano ang pinakagusto mo ng ugali nila? Nais mo ba talagang may mangyari? Maaaring makakatulong sa iyo kung masasagot mo ang mga tanong na ito.

Tandaan, ang sex dream ay hindi nagsasabing gusto mong makipagtalik sa isang tao. Samakatuwid, hindi mo ito kailangang isipin lagi. Minsan, ang iyong subconscious lang ang may dahilan nito. Hindi mo kailangang isipin pa ito ng todo at i-overthink ang sarili. Managinip ka man ngayong gabi, kalimutan na lang agad!

 

Orihinal na inilathala ng theAsianparent Singapore

Isinalin sa wikang Filipino ni Mach Marciano

Sources:

Bodyandsoul, Bolde

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

theAsianParent

Maging Contributor

Inedit ni:

Marhiel Garrote

  • Home
  • /
  • Relasyon
  • /
  • Wet dreams? 9 na panaginip tungkol sa pagtatalik at mga ibig sabihin nito
Share:
  • Paano Na? Action Plan Kapag Namatay ang Asawa Mo—Inspired by Rufa Mae Quinto’s Story

    Paano Na? Action Plan Kapag Namatay ang Asawa Mo—Inspired by Rufa Mae Quinto’s Story

  • Usapang Mag-Asawa: This Is Why Paikot-Ikot Yung Argument Niyo

    Usapang Mag-Asawa: This Is Why Paikot-Ikot Yung Argument Niyo

  • Away-Mag-Asawa? How to Resolve Conflict Mindfully, Even When Kids Are Around

    Away-Mag-Asawa? How to Resolve Conflict Mindfully, Even When Kids Are Around

  • Paano Na? Action Plan Kapag Namatay ang Asawa Mo—Inspired by Rufa Mae Quinto’s Story

    Paano Na? Action Plan Kapag Namatay ang Asawa Mo—Inspired by Rufa Mae Quinto’s Story

  • Usapang Mag-Asawa: This Is Why Paikot-Ikot Yung Argument Niyo

    Usapang Mag-Asawa: This Is Why Paikot-Ikot Yung Argument Niyo

  • Away-Mag-Asawa? How to Resolve Conflict Mindfully, Even When Kids Are Around

    Away-Mag-Asawa? How to Resolve Conflict Mindfully, Even When Kids Are Around

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko