Narito ang 7 dahilan kung bakit walang gana makipagtalik ang iyong partner o asawa. At ang iyong maaring gawin upang hindi ito makaapekto sa inyong relasyon.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga dahilan kung bakit walang gana makipagtalik ang iyong partner.
- Maaaring gawin upang maibalik ang init ng iyong pagsasama.
Mga dahilan kung bakit walang gana makipagtalik ang iyong partner
Ang pakikipagtalik ay isa sa pangunahing paraan upang maiparamdam sa iyong partner o asawa ang iyong pagmamahal. Kaya naman sa oras na ito ay mawala sa isang relasyon ay tila may malaking puwang na sa pagsasama na naglalayo ng loob ng magka-partner o mag-asawa.
Ang kawalan ng gana sa pakikipagtalik ay hindi lang basta dahil ayaw na ng isa sa magkarelasyon, Ito ay dulot ng iba’t ibang dahilan. Ang ilan nga sa madalas na dahilan nito ay ang sumusunod.
1. Stress
House photo created by wavebreakmedia_micro – www.freepik.com
Ang stress ang nangunguna sa mga dahilan kung bakit nawawalan ng gana sa pakikipagtalik ang isang tao. Nangyayari ito dahil sa physiological effect ng stress na nagiging dahilan upang tayo ay maging busy, maguluhan o ma-distract sa pagkikipag-sex. Naapektuhan rin nito ang ating mood na maaaring mauwi sa anxiety o depresyon.
Sa mga lalaki, ang pagiging stress ng matagal na panahon ay nakakaapekto sa kanilang testosterone production. Ito ay nagreresulta sa kabawasan ng sex drive o libido na madalas na nagdudulot rin ng erectile dysfunction o impotence.
Para manumbalik ang gana sa pakikipagtalik ay dapat magsagawa ng mga stress management techniques. Tulad ng pag-i-exercise, deep breathing practices o pagdyo-journal. Makakatulong din ang mga art activities o pagha-hiking.
Ayon sa mga eksperto, ang pagsasagawa ng regular aerobic exercise at strength training ay nakakapagdagdag ng lakas ng iyong stamina. Ini-improve rin nito ang iyong body image. Sine-set ang iyong mood pati ang iyong libido.
2. Unresolved conflict
Ang problema sa pagsasama na hindi napag-usapan o naayos ay maaaring makapag-alis din ng gana sa pagtatalik. Sapagkat sa nalalayo nito ang loob ng magka-partner. Ganoon din ang tiwala at openness nila sa isa’t isa.
Kaya naman hangga’t maaari ay ugaliin na laging makipag-usap sa isa’t isa. Huwag patatagalin pa ang mga hindi pagkakaintindihan. Ugaliing maging open sa inyong nararamdaman. Makakatulong din ang pagbabasa ng mga libro o pag-attend ng mga seminar na makakatulong upang mas patibayin pa ang inyong relasyon.
Ang mga mag-partner na mayroong open communication sa isa’t isa ay mas napapanatili ang kanilang stronger emotional connection. Bilang resulta ay mas nagiging close at intimate sila. Pagdating sa usaping sex ay hindi dapat mahiyang talakayin ito sa iyong partner. Sabihin ang mga ayaw mo at gusto para malaman niya.
Woman photo created by jcomp – www.freepik.com
3. Erectile dysfunction (ED)
Ang erectile dysfunction ay tumutukoy sa inability ng isang lalaki na mag-maintain ng erection. Ito ay umaapekto sa 10% ng mga lalaki. Ang mga dahilan kung bakit nararanasan ito ay maaaring dahil sa mga seryosong kondisyon. Tulad ng atherosclerosis, heart disease, high blood pressure o mataas ng blood sugar dahil sa diabetes.
Ang kondisyon na ito ay maaaring labis na makaapekto sa isang relasyon. Kaya naman sa oras na nakakaranas nito ang isang lalaki ay mabuting magpatingin na agad sa doktor. Ito ay upang masimulan na ang treatment at malunasan pa ang kondisyon.
Ang mga babae ay maaari ring makaranas ng sexual dysfunction. Ilan sa sintomas nito ay ang vaginal dryness at dyspareunia o sakit habang nakikipagtalik. Ang mga ito ay dapat ma-address agad ng isang doktor.
4. Mismatched sex drives
Tayo ay may iba’t ibang temperaments pagdating sa pagtatalik. May ibang gustong gawin ito ng araw-araw. Habang may ilang naman ayos lang na gawin ito isang beses sa isang linggo o sa isang buwan at sila ay satisfied na.
Hindi man ito deretsang kawalan ng gana sa pakikipagtalik, mabuting ito ay mapag-usapan ng magkarelasyon. Ito ay upang ma-set ang expectations nila sa isa’t isa. Para rin maiwasan ang pagkakaroon ng sama ng loob o hindi pagkakaunawaan na maaring makasama sa pagsasama.
BASAHIN:
Vaginismus: The common condition leading to painful sex
7 Mga posisyon at paraan ng pakikipagtalik ng matangkad na lalaki at maliit na babae
5 Ways to Spice Up Sexy Time—the Responsible Way
5. Depression at iba pang medical condition
Ang depression at iba pang medical conditions tulad ng obesity, pregnancy, menopause at heart disease ay maari ring makaapekto sa gana ng isang tao sa pakikipagtalik..
Ayon pa rin sa mga health expert, ang paninigarilyo, pag-inom ng alak at paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay nakakaapekto rin sa sex drive ng isang tao. Kaya para ma-boost ang sex drive ay alisin ang mga ito. Subukan ang healthy living. Kumain ng masusustansyang pagkain. Matulog ng sapat sa oras at paligiran ang iyong sarili ng mga taong magiging magandang impluwensya sayo at sa relasyon ninyo ng iyong asawa.
6. Boredom
Mahalagang panatilihin ang init sa isang relasyon kahit ito ay matagal o ilang taon na. Sapagkat kung hindi, ito ay maaaring magdulot ng boredom sa magka-partner na maaaring makaapekto rin sa kanilang performance o gana sa kama. Kaya naman dapat ay hindi tumigil ang magkakarelasyon na mag-experiment o sumubok ng mga bagong activities para mas maging exciting ang kanilang pagsasama.
Gawin ito sa pamamagitan ng pagsubok ng ibang sex positions. O kaya naman gawin ang pakikipagtalik sa umaga, tanghali kaysa sa gabi. Pwede rin namang gawin ninyo ito sa ibang bahagi ng bahay hindi lang sa kama o kwarto.
Maging honest rin sa iyong partner at sabihin sa kaniya na mas magbigay ng oras sa pagsasagawa ng foreplay. Kung open ka at iyong partner ay sumubok ng mga sex toys at iba pang paraan na sa tingin mo ay gaganahan kang makipag-talik. Muli ang sikreto rito ay pagiging open o pakikipag-communicate sa asawa mo.
Love photo created by freepik – www.freepik.com
7. Labis na panonood ng porn
Ayon sa American Psychology Association, ang panonood ng porn ay nakakaapekto rin kung bakit walang gana makipagtalik ang isang tao. Ito ay dahil nauubos ang oras niya sa panonood na lang ng porn at magpantansya kaysa gawin ito sa aktwal o kasama ang ka-partner niya.
Kaya naman payo ng mga eksperto, mainam na bawasan ang panonood ng porn. Maglaan din ng dagdag na oras upang maka-bonding ang iyong partner o asawa. Ito ay upang mas patibayin pa ang physical at emotional connection ninyo sa isa’t isa.
Source:
Psychology Today, Very Well Mind
Photo:
Woman photo created by jcomp – www.freepik.com
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!