7 Mga posisyon at paraan ng pakikipagtalik ng matangkad na lalaki at maliit na babae

7 Mga posisyon at paraan ng pakikipagtalik ng matangkad na lalaki at maliit na babae

Ang malaking pinagkaiba sa tangkad ay mayroon ding malaking epekto sa pakikipagtalik. Maraming mga posisyon ang hindi magagawa na nagiging dahilan ng nakakabagot na sex life. Ngunit huwag mangamba, aming inihahandog ang 7 mga posisyon at paraan ng pagtatalik para sa mga malaki ang pinagkaiba ng tangkad.

7 Paraan ng pagtatalik kung matangkad si mister, at maliit si misis
1. Girl-on-top

Marami nang posisyon ang napapabilang sa paraan na ito. Maaaring mag-cowgirl, reverse cowgirl, the crab, at iba pa. Ang mahalaga ay ang babae ang nasa ibabaw. Maganda ito lalo na sa mga malaki ang pinagkaiba ng tangkad dahil hindi kailangan intindihin ang height.

Pahigain ang lalaki at papatong ang babae. Maaari itong gawin nang nakaharap o nakatalikod ang babae. Mag-eksperimento sa mga angulo ng pagpasok ng kanyang ari para malaman ang pinaka-magbibigay ng saya sa inyong dalawa.

2. Spooning

Isa sa mga classic na posisyon, ang spooning ay isa sa mga pinaka-mabisang paraan ng pagtatalik. Nagbibigay ito ng magandang stimulation sa G-spot at madaling maaabot ang clitoris. Sa kaunting adjustment lamang, madali nang makakapasok ang iyong partner.

Humiga nang nakatalikod sa iyong partner at siya naman ay nakaharap sa iyo. Hayaan siyang pumasok habang tila naka-upo ka sa kanyang mga hita. Maaaring himasin ng iyong partner ang iba pang bahagi ng iyong katawan gamit ang kanyang mga kamay.

3. Lotus flower

Sa posisyon na ito, magagawa paring maghalikan habang nagtatalik kahit pa malaki ang pinagkaiba ng tangkad. Dahil ikaw ay naka-upo sa kanyang mga hita, hindi na nagiging importante ang tangkad. Isa ito sa mga pinaka-intimate na posisyon.

Ipa-upo ang iyong partner sa kama. Maaari siyang umupo sa gilid nito nang nakababa ang paa sa sahig o kaya naman ay sa gitna ng kama na nakapatong din ang kanyang mga paa. Pumatong sa partner at ibalot ang iyong legs sa kanyang katawan.

4. On the edge

Sa posisyon na ito, kakailanganin ng babae ng masasampahan. Maaaring maging mesa, counter sa kusina o maging sa kama. Masmaganda kung ang iyong uupuan ay magiging paraan para magpantay nang taas ang inyong mga ari. Kung sa kama, maaaring lumuhod ang iyong partner. Maaaring humiga o umupo sa gilid ng mapipiling masasampahan.

5. Against the wall

Dahil sa laki ng pinagkaiba sa tangkad, maraming nakatayong posisyon ang hindi magagawa bukod dito. Maari kang buhatin ng iyong partner kung saan magpapantay ang inyong mga ari. Ang tagal sa posisyon na ito ay magbabase sa kung gaano katibay ang stamina ng iyong partner.

Bubuhatin ka ng iyong partner na magkaharap kayo. Maaaring ibalot ang iyong legs sa kanyang katawan o maaari rin naman na isukbit niya ito sa kanyang mga braso. Makakatulong ang pagsandal sa dingding upang hindi kayo matumba dala ng pagod o pagwala ng balanse. Maaari rin itong simulan mula sa ibang posisyon na magkaharap kayo.

6. Wheelbarrow

Kung malaki ang pinagkaiba ng tangkad, mahirap ang posisyon na doggy style. Ngunit, kung kaya ninyo, maaaring subukan ang wheelbarrow. Sa posisyon na ito, parang doggy lang rin ngunit bahagyang bubuhatin ka ng iyong partner para mag-pantay ang taas ng inyong mga ari.

Dumapa sa gilid ng kama nang nakatalikod sa iyong partner. Iaangat ng iyong partner ang iyong mga baiwang para sa penetration. Maaaring i-balot ang iyong legs sa katawan ng partner o maaari niya rin itong hawakan lang. Maaari mo naman ilagay ang iyong bigat sa iyong mga kamay, siko o hayaan nalang na nakababa ang itaas na bahagi sa kama.

7. Wedged thrust

Kung nais mahiga, maaaring gawin ang posisyon na ito. Ang paraan na ito ay tila missionary din ngunit magiiba ang angulo ng penetration. Magdedepende lamang ang dami ng kakailanganin na unan sa pinagkaiba ng inyong tangkad.

Humiga at maglagay ng mga unan sa ilalim ng iyong balakang. Dagdagan ito hanggang sa pantay na nang taas ang inyong mga ari at kayo ay kumportable na. Ibigay ang kontrol sa iyong partner.

Marami pang ibang posisyon at paraan na maaari ninyong subukan ng iyong partner. Minsan, ang kaunting pagpalit ng angulo o posisyon ng mga hita ay malaki ang magiging pagkakaiba. Huwag matakot mag-eksperimento ngunit kailangang tandaan na mahalagang kumportable kayong dalawa.

Source: Women's Health

Basahin: 5 ideas para maging mas exciting ang sex life ninyong mag-asawa

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner