Compatible o ideal partner? Ano ang mas magandang makasama habambuhay?

Ano nga ba ang mas magandang makasama habambuhay? Ang iyong ideal partner o ang pinaka compatible sa iyong gusto?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ideal partner? Physical traits agad ang sinasabi natin noong bata pa tayo sa tuwing tinatanong ito. Pero ano nga ba ang mas magandang makasama habambuhay? Ang iyong ideal man o woman o ang pinaka-compatible sa iyo?

Compatible o ideal partner? Ano ang mas magandang makasama habambuhay?

Sino nga ba ang dapat makasama mo habambuhay? | Larawan mula sa Pexels

Ayon sa pag-aaral, mas marami ang long lasting relationship kung ang isang couple ay mas maraming similar traits kaysa sa differences. 

Isa sa mga traits na hinahanap ng mga tao sa ideal person nila ay ang magandang appearance at kayamanan. Kumbaga mga materyal na bagay na mayroon ang isang tao. 

Ngunit kung ibabase sa compatibility iba naman ito. Karamihan ay ang attributes o ang traits na hinahanap nila ay ang lifestyle, mga opinyon, at paniniwala.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isa sa mga importanteng bagay sa pagkakaroon ng compatibility ay ang pagkakaroon ng similar na opinyon. Maaari ring tawagin itong viewpoint sa mga mahahalagang bagay. 

Ang mga bagay na importante sa compatibility ng isang couple ang kanilang opinyon. Gaya na lamang ng aborsyon, death penalty, at gender roles.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Saan ka nga ba mas sasaya na karelasyon? | Larawan mula sa Pexels

Ang karamihan ng mga kalalakihan ay mas prefer ang mga partner kung saan sila ay may similar activities at emotions. Habang ang mga kababaihan naman ay mas hinahanap ang trait sa kanilang partner. Maaaring ito ay sa similar lifestyle, opinions, morals, appearance at level of conformity. 

Ang pagkakaroon ng ideal person para maging partner ay nakakatulong sa paghahanap nito. Sa kabilang banda, mas nakakatulong ang pagiging compatible sa pagkakaroon ng long lasting relationship.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Siguraduhing tama ang pipiliin mong partner sa iyong buhay. | Larawan mula sa Pexels

Kung ang iyong partner ay compatible sa iyo, mas madali ang inyong understanding sa isa’t isa. Puwede ring mas maintindihan ang iyong ugali. 

Kung ikaw ay naghahanap ng partner, mas mabuti na ipagpatuloy mo lamang ang mga nakagawian o hobbies mo. Dahil mas malaki ang chance na ikaw ay makatagpo ng iyong ideal partner na compatible sa iyo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Ange Villanueva