Toddler Development: Ika-16 Buwan ni Baby

Sa ika-16 buwan ni baby ay magsisimula nang lumawak ang kaniyang imahinasyon! Alamin ang lahat ng magagawa ng iyong anak sa edad na ito

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Alamin ang mga nakakabilib na kaya nang gawin ni baby sa edad na ito!

Ang inyong munting anghel ay handa na para sa mundo! Isang mundong siya ang bubuo, ayon sa kaniyang imahinasyon. Yayabong na ang pagkamalikhain niya, ang pagkatuto ng problem solving, ang pagiging masiyahin at mapaglaro, sa exciting na yugto na ito ng toddler development.

Napansin mo ba na malakas ang pag-“vroom vroom” ni bunso kapag “pinapaandar” ang mga laruang kotse niya? Ito na ang simula ng pagyabong ng imahinasyon niya! Ito ang isa sa pinanakakapanabik sa edad na ito.

Ang mundo niya ay hindi limitado lamang ng nakikita niya sa kaniyang harap. Ito ang simula ng mga laro, kuwento, at isang masayang mundo ng creativity at fantasy.

Physical Development

Kailangan mo na ng mata sa likod, dahil mabilis ang mga paa at kamay ni baby ngayon—maliksi at mahirap pa ngang habulin minsan. Kapag tahimik siya, mas nakakakaba pa, dahil paniguradong may ginagawang milagro.

Ang iyong 16-buwang-anghel ay nagsasanay sumampa, umakyat, tumakbo, maglakad, dumakma ng laruan at magtapon din. Nakakapagod magligpit at magpulot, pero kailangang hikayatin ito dahil bahagi ito ng kaniyang development.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung kaya-kaya na niya ang paglalakad, susubok na siya ng mas marami at mas mahirap pang mga pisikal na gawain. Magiliw niyang bibitbitin ang isang stuffed toy  at maglalakad papunta sa iyo para iabot ito (hudyat na nakikipaglaro siya, o gusto ka lang niyang pangitiin). Panoorin siyang maglakad ng patalikod o patagilid din.

Bahagi ng 16-buwang milestone ni baby, kaya na niyang kumain mag-isa, nang may kaunti ngunit hindi na kasindami ng kalat tulad ng dati. Sanayin pa siya at di magtatagal ay magiging eksperto na rin siya.

Mga gawain para sa physical development:

Kung maganda ang panahon, maglakad sa labas dahil ito ang paborito niyang gawin ngayon. Lahat ng bagay sa labas ay susuriin niya—mga halaman, bulaklak, pati mga damo ay source of wonder niya. Masaya niyang pagmamasdan ang mga bus, kotse at tao na dumadaan. Dalhin din siya sa beach para maglaro ng tubig at buhangin, at maghanap ng mga isda, pagong, at shells, o di kaya ay magpunta sa park para umakyat, lumundag, magtatakbo, at maglaro sa playground.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung masyado pa siyang maliit para umakyat sa monkey bars o sa slide, maupo kasama siya at samahan siyang magmasid at manuod ng mga mas malalaking bata. Sa pagmamasid na ito siya matututo ng mga bagay na susubukan niyang gawin pagtagal.

Para mahikayat ang fine motor skills niya, subukan ang imaginary food play. Bigyan siya ng manyika, tea set, o mga laruang pinggan at lutuan, at mga laruang prutas at gulay. Ipakita sa kaniya ang paggamit ng mga laruang siyanse, kutsara at tinidor, laruang kutsilyo, para masanay ang pincer grip niya, pati ang hand-to-mouth coordination, pati concentration.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor:

Kung ang bata ay naglalakad pa rin ng patingkayad, at hindi lapat ang buong talampakan sa sahig.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung palaging nadadapa o nahuhulog

Kung hindi pa nagsisimulang humawak ng kubyertos o crayons at lapis para mag-scribble

Cognitive Development

Mula 16 hanggang 18 buwan, makakakita na ng pagbabago sa cognitive toddler development: hindi na siya simpleng gagaya lang nga galaw o salita, magsisimula na siya ng symbolic play. Kaya nga mahilig na siya ng mga laruang pagkain, pangluto, mga sasakyan, laruang telepono, para maglaro ng “pretend” o pagkukunwari. Kung ano ang nakikita niyang galaw o gawain ni Mommy at Daddy, gagayahin niya ito, at dadagdagan pa ng sarili niyang imaginative play.

Isa itong nakatutuwa, bukod pa sa ito ay isang major development. Malawak ang imahinasyon niya, at natutuwa siyang magkunwari.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngayong buwan ding ito ay gustung-gusto niyang gamitin ang limang senses niya sa pagdiskubre. Maaaring di pa niya lubusang nahahasa ito, halimbawa ay ang pang-amoy niya sa mga pagkain (di niya naaamoy ang manok na nakasahog sa pagkain niya) pero sa tamang pagsasanay, mapapaghusay niya rin ito.

Patuloy ang progreso ng cognitive skills niya, pero ang attention span niya ay maikli pa rin ang attention span niya. Makukuha lang ang focus niya ng ilang minuto, at madali din siyang madidistract. Makikita siyang naglalaro ng blocks at gumagawa ng tower, malingat ka lang ay nasa ibabaw na siya ng sofa at akmang tatalon.

Kausapin siya palagi at bigyan ng mga simpleng instructions, tulad ng “Pakikuha ang sapatos mo, at isusuot ko sa yo” “Tulungan mo akong magligpit ng laruan” at iba pa.

Mga gawain para sa cognitive development:

Maglaro ng mga games na magbibigay sa bata ng pagkakataon na makarinig at sumunod sa mga simple at one-step instructions. Mga larong tulad ng “Simon says” o  “Freeze!” game, ay nakakatuwa at nakakatulong sa development ng bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Magkaron ng mini-treasure hunt sa bahay at magtago ng mga paboritong bagay ni baby, para hanapin niya. Mag-ensayo sa pagpapangalan sa mga ito para masanay ang language skills niya.

Kung na-master na niya ang pagturo at pagpapangalan sa mga bahagi ng katawan at mukha, subukan naman ang larong “Mirror me”.

Maglagay din ng isang kahon para sa mga costume at iba pang gamit o props para sa Dramatic o Pretend Play ni baby. Ito ang panahon na magsisimula siyang sumubok magsuot ng kung anu-ano, magbitbit ng laruang bag, o kaya maglaro ng mga gamit ng doktor, firefighter, panluto at marami pang iba.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor:

Kung hindi nakakasunod sa mga simpleng instructions o utos/pakiusap

Hindi makapagsabi ng mga pangalan ng mga bagay sa paligid niya, o bahagi ng katawan

Social at Emotional Development

Bahagi ng development ng 16-buwang-gulang na bata ay nakakakilala na siya ng mga pamilyar na tao. Pero ang konsepto ng sharing ay hindi pa rin niya natututunan ng lubusan. Nakatuon pa rin ang pansin niya sa sarili at sariling pangangailangan lang.

Huwag mag-alala kung ang munting anghel ay hindi pa rin handa sa pagpapahiram ng mga laruan niya—kahit hindi naman niya ito nilalaro. Tandaan ilang buwan lamang ang nakaraan, at hindi pa niya naiintindihan na ikaw at siya ay dalawang magkaibang tao. Lahat ay matututunan niya sa tamang panahon.

Ang mga magulang ang may importanteng papel sa pagtuturo ng iba’t ibang emosyon kay baby, pati na ang konsepto ng empathy. Pangalanan din ang mga emosyon tulad ng “Umiiyak ka, bakit?” “Malungkot ka ba?” “Nakakatuwa ba ang laruang ‘yan?” Sa pagkatuto ng mga ito, matututunan din niyang maintindihan ang mga nararamdaman niya. At kapag nakikita niya ito sa iba, maiintindihan niya din na ang ibang tao ay may parehong pakiramdam din.

Kung may matinding attachment si baby sa isang magulang, huwag itong pabayaan palagi. Siguraduhing makakasama niya at may oras siyang makapiling ang parehong magulang, at ibang kamag-anak at tagapag-alaga din, para hindi rin kayo mahirapan. Magkaron ng “Mommy time” at “Daddy time” na isa-isa niya kayong kasama, bukod pa sa oras niyong magkakasama. Sa simula ay iiyak siya, pero tatahan din ito kapag nakita niya na may exciting kayong gagawin. Paghandaan ito para maging memorable at makabuluhan para sa kaniya.

Mga gawain para sa socio-emotional development:

Kumanta at sumayaw kasama si baby, lalo na kapag umiiyak siya o hindi maganda ang mood. Madali siyang madidistract sa sarili niyang emosyon kapag nakakarinig ng tugtog. Kausapin siya tungkol sa nararamdaman niya, pero turuan siyang mag-move on at ibaling ang pansin sa ibang mas masayang bagay. Epektibo din ito kapag nagsisimula pa lang ang sumpong o pag-iyak.

Kapag naglalaro, ituro sa kaniya kung paano maghintay ng “turn” niya. Ang “ikaw, tapos ako” o “your turn, my turn” ay isang mahalagang kakayahan para sa isang toddler.  Nasasanay ang kakayahan niyang maghintay, na isang hakbang sa maunlad na emotional development. Kasama dito ang pagpapakita sa kaniya kung ano ang empathy, at magugulat sa pagiging generous at caring ni baby.

Bigyan pa rin siya ng pagkakataon na maglaro nang sa sarili lang niya at pumili ng larong gusto niya. Mahalaga ito para sa umuunlad na independence at confidence niya.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor:

Kung hindi pa siya nagpapakita ng affection sa mga kamag-anak o magulang niya

Kung hindi nagpapakita ng interes sa pakikipag-usap o pakikipaglaro sa iba

Speech at Language

Oo, ang iyong toddler ay nakikipag-usap na. Hindi man ito ang makabuluhang pakikipag-usap, pero mahalaga ito para sa kaniya dahil nagsisimula na siyang magsabi ng nararamdaman at iniisip niya, at handang makinig sa sasabihin ng kausap. Napansin mo bang ginagaya din niya ang paraan ng pakikipag-komunikasyon mo?

Kasama na rin dito ang paggaya niya sa pagsasabi mo ng “No” o “hindi” sa kaniya. Kaya isa ito sa pangunahing salita na uulit-ulitin niya. Nag-eeksperimento siya ng mga salita at hinihintay niya din ang reaksiyon ng mga magulang o kausap, na bahagi ng development niya.

Marami na siyang matututunan na salita sa edad na ito, kahit hindi pa gaanong malinaw. Hintayin ang pagbuo niya ng kataga at pangungusap, paglaon. Lalo kung binabasahan siya ng libro gabi-gabi, o palagi.

Huwag magulat kung kumakanta na rin siya o nakakaalala ng mga nursery songs na palagi niyang naririnig. Mas mabilis ang pagkatuto at pag-alala niya kung palagi siyang pariringgan nito.

Mga gawain para sa language at speech development:

Kausapin ang bata ng buo—gumamit ng buong pangungusap at kapag narinig siyang magsabi ng isang salita, ilagay ito sa isang kataga o pangungusap din: kapag sinabing “Dog”, tumugon ito sa pagsasabi ng “Yes, taht’s a dog.”

Mag-ingat din sa pagsasabi ng “no” kapag kausap ang iyong toddler. Baka masanay siyang ito lang ang sabihin kapag ito lang ang naririnig niya.

Patuloy siyang basahan ng mga libro at kantahan ng mga nursery rhymes, dahil ito ang magtuturo sa kaniya ng mga pangalan ng mga bagay, mga bagong salita at kahulugan nito.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor:

Kung hindi pa bumibigkas ng mga salita

Kung hindi man lang kumakaway o nagpapakita ng anumang gesture

Kung hindi tumutugon sa tawag ng pangalan niya

Kalusugan at Nutrisyon

Hindi lahat ng bata ay gutom pagkagising, lalo kung maraming nakain sa hapunan nung nakaraang gabi. Minsan ay magugutom ito pagkalipas ng dalawang oras pa pagkagising.

Paiba-iba ang oras ng gutom at kain ng bata sa edad na ito, pati ang gana niya. Isang araw ay nakakakain siya ng tatlong bowl ng porridge, kinabukasan ay halos talong kutsara lang ang gustong kainin. Isang araw ay gusto niya ng isda, sa susunod ay ayaw man lang niya itong hawakan.

Ang timbang ng 16-buwang gulang na bata ay karaniwang mula 9.6 hanggang12.2 kg at may taas na mula 79.5 hanggang 85.0 cm. Malamang ay ayaw pa rin niyang umupo sa high chair niya, at masyadong excited at aktibo para umupo at kumain ng buong meal.

Huwag mag-alala. Basta’t aktibo at pisikal na lumalaki ang bata, kahit pa hindi ito masyadong magana kumain. Importanteng ibigay pa rin ang pagkain sa tamang oras at patuloy na subukan siyang kumain. Ang mga toddlers ay may maliliit na tiyan at bituka, at hindi masyadong kakain. Bigyan siya ng nakakabusog na meryenda tulad ng crackers at prutas, at iwasan ang pagbibigay ng matatamis dahil hindi ito mabuti para sa kalusugan niya.

Patuloy siyang pakainin ng whole grains, protein at prutas at gulay. Bigyan siya ng 3 servings ng kalahating tasa ng kanin, 1 tasa ng prutas (hiniwa-hiwa), 1 tasang mashed potato o tinadtad na gulay, 2 servings ng manok o anumang poultry na kasukat ng 1/3 ng palad niya. Huwag kalimutan ang 2 tasang gatas kada araw.

Huwag kalimutan ang bakuna niya sa buwan na ito tulad ng DTaP. Asahang makakaranas siya ng mild diarrhoea, lalo kung mahilig mahilig siyang magsubo ng kung anu-anong bagay na madampot niya.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor:

Kung nahihirapan pa rin siyang ngumuya at lumunok ng pagkain

Kung hindi pa rin marunong kumain mag-isa at walang tulong.

*Tandaan na ang development milestones ay iba-iba para sa bawat bata. Kung nag-aalala sa lakusugan at development ng bata, huwag mag-atubiling kumunsulta sa pediatrician.

Source: WebMD

Isinalin mula s wikang Ingles ni ANNA SANTOS VILLAR

sg.theasianparent.com/toddler-development-16-months/