Development at paglaki ni baby sa kaniyang ika-17 buwan

Sa ika-17 na buwan ni baby, mabilis natututo nang makiramay at mag-unawa si baby. Alamin kung ano ang dapat gawin upang tuloy-tuloy ang kaniyang paglaki

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang “cute” na edad ni baby, pero higit pa dun—napansin mo ba kung gaano na kabilis ang paglaki niya? Alamin ang mga mahahalagang milestone ng iyong anak ngayong 17 buwan na siya.

Mahigpit at sigurado na ang paghawak niya ng mga bagay ngayon. Mabilis ang development ni baby, pagdating sa pisikal na aspeto, at ang pincer grip niya ay na-master na niya sa ngayon. Ibig sabihin ay kakayanin na niyang sumubok na magbukas-sara ng zippers at humawak ng lapis o crayon. Sa emosiyonal na aspeto, nagsimula na siyang makilala ang mga iba’t ibang emosyon na nararamdaman niya at nededevelop na rin ang empathy niya. Natututunan na niyang maintindihan ang pakiramdam ng ibang tao, kaya’t isa itong exciting na journey para sa buong pamilya!

Bukas, sara, on at off, zip at unzip, lahat ay nakakaya nang gawin ni baby! Dapat talaga ay gawin ito ng paulit-ulit, para lalo pa niyang mapagbuti ang pagkatuto.

Physical Development

Habang mabilis na umuusad ang gross motor development ni baby, kasunod na nito ang fine motor skills niya.

Bigyan na siya ng lapis, crayon at papel, at panoorin siyang mag-drawing ng iba’t ibang larawan. Kaya na rin niya ang paghawak ng malaking zipper, at hilahin ito pataas at pababa, nang may tulong mula kay Mommy o Daddy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Susubukan na din niya ang pagbubukas ng pinto gamit ang doorknob, pati na ang pagbubukas ng mga drawers. May mga natututo ding magtanggal ng diaper nila lalo kapag naiinitan na. Kaya’t bantayan mabuti si baby! “Cute” pa din naman ang kakulitan niya, bagamat nakakapagod minsan. Kung binibigyan niya ng pansin ang pagpunta sa banyo ngayon, maaaring handa na siya para sa potty training.  Bagamat karamihan sa mga bata ay hindi pa lubusang nagkakaron ng kontrol ng bladder nila hanggang mag-2 taong gulang, may mga nakakapagsimula na sa edad na ito nang may gabay. Madalas ay humihingi pa ng tulong kay Mommy o Daddy para mapaalala kung kailan pupunta sa banyo, pero magandang simula na ito.

Hindi pa buo at matatag ang coordination niya. Madadapa, matutumba, at babangga palagi sa silya, lamesa—pero huwag mag-alala dahil normal na bahagi ito ng development niya.

Mahihilig din siya sa pagsayaw kung palaging pinapatugtugan ng mga masasayang musika. Kahit pa hindi siya sakto sa ritmo, pero nakakatuwa pa rin dahil makikita ang galak sa mga mata niya. Ang isa pang exciting na bagay sa edad na ito ay ang pagkakaron ng hand preference ng bata—kung kaliwete ba siya o kanan ang gagamitin sa pagsusulat o iba pang bagay.

Mga gawain para sa physical development:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Lumabas at makipaglaro kay baby. Tumakbo, maglaro ng bola, magbisikleta—samantalahin kapag maganda ang panahon.

Kung nasa loob ng bahay, magpatugtog ng musika, bigyan din si baby ng mga laruang gitara, piano, drums—o gumawa ng sariling musical instruments. Kumuha ng nahugasang plastic water bottle, bigyan si baby ng hilaw na pasta, corn kernels, mga shells o bato na pwede niyang ipasok sa loob ng bote. Kahit konti lang ang laman, takpan ang bote, idikit o lagyan ng tape at mayron ka nang shaker! Matutuwa si baby na alugin ito na parang maraccas. Kumanta, sumayaw, mag-yoga o mag-ehersisyo, at siguradong pareho kayong mag-eenjoy ng bata. Higit sa lahat, nasasanay pa ang coordination, rhythm at galaw ni baby.

Maglatag ng mga lumang diyaryo o papel, at bigyan si baby ng crayons para mag-drawing. Ipakita sa kaniya kung paano gumuhit ng linya, bilog, parisukat, bulaklak at kung anu-ano pang hugis para masanay din ang hand control niya, pati ang pagkilala niya sa mga kulay at bagay.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung hindi pa pumupulot ng mga maliit na bagay gamit ang mga daliri at kamay

Kung hindi pa nakakapaglakad

Kung hindi ginagamit ang parehong kamay o braso, at paa at binti

Cognitive Development

Ang mas mahusay na pincher grip ay nangangahulugan din na handa na siya sa mas komplikadong yugto ng mga laruan para sa toddler development: sorting games! Bigyan siya ng mga shape sorting cubes, makulay na stacking cups, blocks at wooden puzzles na may knobs o hawakan, para makuha niya ang bawat puzzle piece.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kapag nagtuturo ng hugis ng mga bagay, banggitin din ang kulay ng mga ito. May mga toddler na nagkakaron kaagad ng paboritong kulay 9tulad ng dilaw, na popular sa mga bata) pero huwag mag-alala kung hindi pa siya kaagad interesado o nakakaalala ng mga pangalan ng kulay at hugis. Simula pa lang ito, kaya huwag mainip. Pagtiyagaan ang pagtuturo at makukuha niya rin ito.

Mahihilig din siyang magsubo ng mga bagay sa bibig. Normal lang ito dahil nasa sensory stage siya ng development, kung saan ang lahat ng pagkatuto niya ay sa pamamagitan ng kaniyang 5 senses—kasama na ang sense of taste. Siguraduhing nahuhugasan ang mga laruan niyang madalas na sinusubo at punasan palagi para maiwasan ang pamamahay ng mikrobyo dito.

Makikita ang pag-usad ng development at milestones ni baby sa mga kaya na niyang sabihin, kilalanin, at maalala. Mapapansin na niya ang mga maliliit at malalaking detalye, tulad ng sapatos at damit ni Mommy, o kapag binago ang lugar ng mga kasangkapan sa bahay tulad ng sofa at lamesa.

Mga gawain para sa  cognitive development:

Bigyan siya ng mga simpleng instructions tulad ng pagliligpit ng laruan niya o pagkuha ng sariling sapatos kung paalis kayo ng bahay.Makipagkuwentuhan din sa bata, at pag-usapana ang mga napuntahang lugar, nakita o nakilalang tao, para masanay ang pag-alala o memory.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

kapag nagbabasa ng libro, tanungin siya ng mga bagay na nakikita niya sa mga pahina. Ilatag ang mga makukulay na blocks at shapes at tingnan kung naaalala niya ang kulay at hugis. Ipakita sa kaniya kung paano pagsama-samahin ang magkakapareho—ng kulay, ng hugis, at iba pa.

Mas interesado na siya sa mga iba’t ibang bagay ngayon, kaya’t hidi kailangang gumastos sa pagbili ng mamahaling laruan. Magugulat ka na mas interesado pa siya sa kahon ng laruan kaysa sa mismong laruan. Bigyan siya ng mga kahong walang laman, mga laruang plato at kubyertos, plastic bottles na walang laman, at iba pang mga bagay na ligtas pero para sa kaniya, interesting ang mga ito.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor

Kung hindi nakakabuo ng tower sa pamamagitan ng pagpapatong ng hanggang 3, o mas marami pang bloks

Kung hindi nakakasunod sa simpleng instructions

Social at Emotional Development

Ang iyong toddler ay patuloy na natututo na ng maraming bagay tungkol sa mundong ginagalawan niya, emotionally at physically. Marami na ang emosyon na nararamdaman niya, mula tuwa at lungkot, hanggang galit at frustration.

Pangalanan ang mga emosyon niya kapag nakikita ito: “Malungkot ka?” “Alam kong naiinis ka na” “Nakakatawa di ba? Ang sayang laruin nito.” Gawing simple ang pagpapangalan, at ipakita na naiintindihan mo ang pakiramdam niya at tutulungan mo siya sa  kung ano man ang kailangan niya.

Nagsisimula na rin siyang maintindihan na minsan ay pareho kayo ng nararamdaman, na basehan ng pagkilala niya sa konsepto ng empathy.

Asahan na minsan ay hirap pa si baby na harapin o kilalanin ang nararamdaman niya, lalo na kung bago ito. May mga naghahanap o nangangailangan pa ng comfort toys, tulad ng stuffed toy, kumot, pacifier, at iba pang bagay na gusto niyang hawakan o yakapin kapag nalulungkot. Habang lumalaki, unti-unti ding matututunan ang pagwawalay sa mga comfort toys na ito.

Ang mga boundaries, routines at consistency ang kailangan ni baby para makaramdam ng seguridad. Mas tutugon din siya kung sasabihin sa kaniya ang gagawin, kaysa sa hindi dapat gawin. give him a sense of security. Maging realistic sa mga inaasahan mula sa bata. Tandaan na marami ang nasasa isip niya at doble pa ang trabaho ng utak niya. Hindi lahat ng rules ay maaalala niya agad.

Ikaw pa rin ang pinaka-importanteng tao sa buhay niya, at ang atensiyon at approval ng magulang. Lahat ng praise mula kay Mommy at Daddy ay ikatutuwa niya, at magiging inspirasyon niya na higitan pa ang nagagawa niya. Yakapin at halikan siya, at palaging kausapin ng may positibong pananalita para mapanatili ang tuwa sa mga mata niya.

Mga gawain para sa socio-emotional development:

Ito na ang panahon para turuan ang bata tungkol sa konsepto ng “sharing”.

Sa pagpapaliwanag ng limitasyon at boundaries, gumamit ng malilinaw na salita at maikling paliwanag, para mas maintindihan niya.

Kapag binabasahan siya ng libro, ituro ang mga bagay sa litrato at pansinin ang mga emosyon ng mga tauhan, at pag-usapan ito. May kani-kaniyang bilis ang development ng mga bata, kaya’t huwag madaliin. May mga batang uupo lang sa isang tabi at hindi kikibo, may mga nagwawala at umiiyak ng malakas, bilang paraan ng nagpo-proseso ng emosyon.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor

Kung ang mga emosyon ng bata ay paiba-iba, at hirap sa transisyon mula isang gawain papunta sa susunod

Kung hindi nagpapakita ng emosyon ang bata, lalo na sa mga taong malapit sa kaniya

Speech at Language Development

Ang speech niya ngayon ay tungkol sa pagbigkas ng tunog, at ang iyong toddler ay nagsusubok ng maraming paraan para gumawa ng tunog. Isang minuto ay bumubulong, susunod na minuto ay nagsisisigaw na ito.

Bahagi ng toddler speech development ay ang pagsasanay ng kaniyang bibig, dila at vocal cords, at paggalaw nito sa iba’t ibang direksiyon para makabuo ng bagong tunog at salita.

During his 17 month old development and milestones, you can begin introducing descriptive words because he can understand better now. Before, communication was simple, noun and verb. Now you can add in adjectives, like: “Look, there’s a white flower” and “do you see the big doggie?” Very soon you will hear him describing things back to you!

May mga instructions na komplikado pa rin para sa bata, kahit pa one-step instructions ito. May pitong salita—o higit pa—na ang natutunan at palaging ginagamit ng bata, at nabibigkas niya ng tama. Tulungan siyang matuto pa ng mas maraming salita at gamitin ito sa pangungusap o kataga. Magbasa pa ng iba’t ibang libro kasama siya, kumanta at makipag-usap palagi para masanay pa ang pakikipag-usap niya.

Mga gawain para sa language and speech development:

Mag-imbento ng mga laro tulad ng whispering contest, o pagkanta ng mga nursery rhymes o songs gamit ang iba’t ibang boses (malakas, mahina, pabulong, pasigaw, galit, malungkot, masaya). Magkunwaring kayo ay lion o dinosaur, at magkasamang mag-roar. Magkaron din ng paligsahan sa pagkanta, o kung sino ang mas malakas kumanta.

Kapag nakikipag-usap sa iyong toddler, samahan ng galaw ang sinasabi. Pati ang mga kanta ay mas maaalala niya kung may kasamang galaw na nagpapakita ng kahulugan nito.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor

Kung wala pa siyang nasasabing salita, o hindi pa nakikipag-usap sa kahit kanino

Hindi siya tumutugon sa tawag ng pangalan niya.

Kalusugan at Nutrisyon

Paiba-iba din ang eating habits niya sa edad na ito. May mga gusto siyang pagkain ngayon, at bukas ay ayaw na niya ito. Minsan ay palaging gutom, minsan ay ayaw kumain ng kahit ano.

Ang timbang niya ay nasa 12.0 kg hanggang 15.2 kg at may karaniwang taas na 82 cm hanggang 86.0 cm.

Huwag mag-alala. Patuloy na bigyan siya ng mga pagkaing mayaman sa nutrisyon. Bigyan din siya ng iba’t ibang klase ng pagkain, at gawing relaxed at komportable ang kaniyang paligid kapag kumakain. Kung ayaw niyang kumain, hayaan siya dahil hindi mo rin ito mapipilit. Kakain din siya kapag nagutom. Kapag hinayaan siya na tumugon sa sariling gutom niya, makakatulong ito na magkaron siya ng positibong pagkilala sa pagkain.

Kailangan ng isang toddler ng 1,000 hanggang 1,400 calories sa isang araw, depende kung gaano siya ka-aktibo. Kailangan niya ng 3 servings ng kalahating tasa ng lutong pasta, 1 cup ng prutas, 1 cup ng lutong mashed o tinadtad na gulay, 2 servings ng isda o karne na kasukat ng 1/3 ng iyong palad. Kailangan din niya ng 2 cups ng dairy, tulad ng yoghurt o gatas.

Siguraduhing mabakunahan si baby ng DTaP at iba pang bakuna na kailangan ng bata sa edad na ito. Magbasa tungkol sa paggamot ng sipon at ubo, at ear infections, dahil ang mga ito ang mga karaniwang health concerns sa edad na ito.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor

Kung hindi maayos ang pagkain ng bata, at hindi balanse ang diet niya

Kung ang bata ay aktibo at hindi bumibigat ang timbang, o masyado na siyang mabigat

*Tandaan na ang development milestones ay iba-iba para sa bawat bata. Kung nag-aalala sa lakusugan at development ng bata, huwag mag-atubiling kumunsulta sa pediatrician.

Source: Kids Health

Isinalin mula sa wikang Ingles ni ANNA SANTOS VILLAR

sg.theasianparent.com/toddler-development-17-months/