Development at paglaki ng iyong toddler sa kaniyang ika-20 buwan

Kamustahin natin ang growth at development ng iyong toddler sa kaniyang ika-20 na buwan. Alamin ang mga milestones sa panahong ito!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Napapalapit na ang ika-2 birthday ni baby—ilabas na ang paintbrush at pintura para sa umuusbong na imahinasyon at creativity ng iyong toddler! Ito at marami pa ang mga bagong skills ng iyong toddler sa edad na ito.

At sa panahong ito ng kaniyang paglaki, si Mommy at Daddy ang gabay niya sa bawat hakbang.

Apat na buwan na lang, 2 taong gulang na ang munting anghel ninyo. Ang bilis ng kaniyang paglaki, hindi ba? Patuloy siyang nagiging independent at nagsusubok ng kayang gawin, sa bawat minuto.

Lahat ng bata ay natututo sa sarili niyang panahon at oras. May mga madaldal at matatas nang makipag-usap sa edad na ito, at mayron namang natural na mahiyain at gumagamit pa rin ng sign language o senyas ng mga kamay.

Mabilis man o hindi pa kaagad, hindi naman ito indikasyon ng future development at pagkatuto ng bata. Palagi ngang pinapaalala ng mga eksperto na si Einstein ay hindi natutong magsalita hanggang 3 taong gulang na siya.

Physical Development

Hindi takot sa hagdan ang iyong toddler—at hindi na rin ito delikado dahil kaya na niya ang sarili niya, at maalam na rin siyang humawak para gabayan ang sarili. Manhik manaog na siya sa hagdan, at sige ang pagtakbo sa kung saan niya maisipang pumunta sa loob ng bahay. May mga kaya nang lumukso, tumalon at tumayo sa isang paa lang para maglaro ng piko, halimbawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tips

Ang pagtayo sa isang paa lang ay isang mahalagang aspetong pisikal ng toddler development. Magsanay na gawin ito kasama si baby, sa saliw ng tugtog o kanta.

Mahilig na rin siyang umakyat at sumampa sa mga kasangkapan sa bahay kaya mag-ingat. Makikita mo na lang nasa ibabaw na siya ng center table o sofa, o kaya ay umaakyat sa book shelf.

Kapag binigyan ng lapis o pangkulay, kaya na niyang gumuhit ng mga hugis at linya. Hindi pa ito diretso o perpekto, pero matututunan din niya ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mahilig siyang magpintura at maglaro ng play dough para maensayo ang koordinasyon at fine motor skills niya. Kapag nagpipintura, lagyan siya ng art bib o suotan ng lumang mga kamiseta para hindi mamantsahan ang maaayos na damit niya. Mas mabuti ring sa labas ng bahay o balcony gawin ito para kahit magkalat siya ng pintura ay walang masisirang gamit sa loob ng bahay, at mas madali ring maglinis.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor?

Ito na ang panahon din na puro dapa, tumba, bukol at galos ang bata dahil nga sa sobrang likot. Natural lamang ito, at walang bata na hindi dumaan sa ganito. Mag-childproof pa rin ng bahay at alisin sa abot kamay niya ang mga gamit na babasagin at  mga makakasakit sa bata.

Maghanda ng First Aid Kit para sa mga aksidente, at ice pack sa freezer para sa mga untog at galos. Kung walang tigil sa pag-iyak ang bata, nagsusuka pagkatapos mauntog, o may matinding pamamaga, kailangang dalhin sa doktor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Cognitive Development

Aktibo ang utak ng isang 20 buwang bata, kaya nga laging sabik na matuto at inuusisa ang paligid niya. Lumalawak ang imahinasyon niya at mayron na siyang takot ngayon. Seryoso ang takot na ito, kaya’t huwag pagtawanan o gamitin para lalong takutin siya. Hindi pa rin niya kasi naiintindihan ang pagkakaiba ng hindi totoo sa totoo. Iparamdam sa kaniya na ligtas siya sa piling mo, at sinisigurado ng pamilya na siya ay hindi mapapabayaan.

Tips

Maikli pa rin ang attention span niya, kaya’t kahit natatakot siya, madali siyang libangin ng kuwento, kanta o laruan. Yakap nga lang at halik ng mga magulang ay sapat na para matigil siya sa pag-iyak.

Paborito din niya ang mga sensory activities tulad ng paglalaro sa buhangin, tubig, damo, dahon, pati nga putik. Ayon sa mga eksperto, ang mga bata ay dapat na pinapabayaang maglaro sa mga ito, kahit pa maduming tingnan. Basta’t nakabantay kayo para hindi niya kanin, makakatulong sa development niya ang messy play at sensory activities. Suotan siya ng damit na pwedeng marumihan at maligo o magpunas pagkatapos ng laro.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bigya siya ng mga baso, bote, tasa, o bowl na pwede niyang gawing pansalok ng tubig, putik o buhangin. Mainam din na may laruan siya kapag naliligo, kaya nga sikat ang rubber ducky at mga rubber fish at laruang bangka.

Ginagaya niya ang mga adults sa palligid niya, kaya mag-ingat sa mga kinikilos at sinasabi sa harap niya.

Lahat ng oras ay oras ng paglalaro para sa kaniya, kahit pa oras ng pagkain. Kaya dapat ay isabay siya sa pagkain para matutunan niya ang tamang ugali at manners kapag nasa harap ng hapag-kainan.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor?

Kung nakikita na labis ang aggression o palaging galit at nananakit ang bata, o sa kabilang banda ay tahimik palagi at hindi kumikibo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Social at Emotional Development

Children learn best when they feel secure and loved. Comfort your child when he needs it, and, for now, go easy on the expectations! All children develop at their own pace, and whether they hit their developmental milestones right on time, earlier or later, research has shown that by school age all children are pretty much on the same level.

Tips

Maghanda sa mga malalaking sumpong  o tantrums ng bata. Madalas ay ipipilit niya ang gusto niya at magwawala kapag hindi ito nakuha o nasunod. Kahit sa gitna ng departments store ay magsisisigaw, maninipa, mangangagat, o magpapatihulog sa sahig kapag may gusto siya na hindi ibinibigay sa kaniya.

Kumalma lang, at huwag ibigay ang gusto niya hangga’t hindi siya tumitigil umiyak o magwala. “Kapag kalmado ka na, at hindi ka na umiiyak, pwede nating pag-usapan an gusto mong kunin o mangyari. Ipakita sa kaniya ang tamang paraan ng paghingi, ang tamang ugali sa pamamagitan ng halimbawa. Kung magsisisigaw ka din, aakalain niyang ito nga ang tamang paraan ng paghingi.

Kung patuloy na nagsisisigaw, dalhin siya sa isang lugar na walang nanonood o tumitingin, dahil madalas ay mas nagpapakita siya ng ganitong ugali kapag may nakatingin. Para kasing “performance” niya ito. Ipaliwanag sa kaniya na kailangan niya munang tumahimik, kumalma, at saka kayo mag-uusap.

Pakiramdaman kung bakit ganito ang tindi ng tantrums niya. Maaaring gutom, inaantok, pagod, o masyado lang aktibo ang utak at katawan. Minsan, kapag tinanong kung gutom siya at binigyan ng inumin o meryenda, kahit biskwit lang, tatahimik na ito at mahihimasmasan.

Magtakda ng mga playdates o oras ng pakikipaglaro sa ibang bata. Gawin itong maikli at may tiyak na gagawin. Maghanda ng mga laruan, at art activities, pati mga larong pisikal para may iba’t ibang gawain. Huwag lang silang iwan na manood ng TV o maglaro ng gadgets. Marunong na siyang makipaglaro ngayon at makipag-share ng laruan, kaya’t nakakatulong ang mga gawaing ito sa development niya.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor?

Nag-aalala na ba kayo na hindi na ma-kontrol ang ugali ni baby? Isa sa bawat apat na toddlers ay sensitibo at hirap pang masanay sa mga pagbabago. Sila ang mas malapit sa pagkakaron ng tantrums. Kung labis ang pagwawala at pagiging agresibo ng bata, at nananakit palagi ng kapwa bata at sarili, kumunsulta sa isang childhood developmental specialist para matulungan ang bata at magkaron ng intervention para sa kaniya.

Speech at Language Development

Karaniwang nasa 15 hanggang 20 salita ang kaya na niyang sabihin at alam na niya ang kahulugan at gamit sa edad na 20 buwan. Tandaan pa rin na iba-iba ang bawat bata, kaya’t magugulat ka sa kaya nang sabihin ni baby, lalo pa kung palaging kinakausap at binabasahan ng libro.

Tips

Marami na ring tanong ngayon si baby. Marunong na siya ng tonong patanong, at pakiusap. Nagdudugtong na rin siya ng 2 salita tulad ng “baby milk” o “throw ball”.

Mapapansin na hindi pa siya gumagamit ng panghalip tulad ng “I’ o “Ako” at mas sanay pa rin siyang banggitin ang pangalan niya o tawagin ang sarili na “Baby”. Ito na rin kasi ang nakasanayan niya mula nung umpisa—ang tumawag ng “mommy”, “daddy” at “baby”. kaya’t ito ang gamit niya palagi.

Sabik pa rin siyang matuto ng mga bagong salita at bagong gawain. Turuan siya ng mga bagong salita gamit ang mga librong may litrato o larawan, at patuloy na turuan siya ng mga bagong kanta.

Iwasan ang pagsasabi ng ‘NO’ sa lahat na lang ng gawin o hingin niya. Imbis na negatibo ang pangungusap, gawin itong positibo. “Ito ang gawin mo” imbis na “Huwag iyan” o “Hindi ganyan!”

Kailan dapat kumunsulta sa doktor?

Kung hindi pa nagsasalita ang bata hanggang ngayon, kumunsulta sa doktor at espesyalista para sa speech delays.

Kalusugan at Nutrisyon

Nasa 90% ng utak ng bata ay nagdedevelop sa unang 5 taon niya. Kaya nga sinisiguro ng lahat na ang formative years na ito ay masaya at makabuluhan.

Importante ang nutrisyon ng bata, at may direktang kinalaman ito sa brain development. Patuloy siyang bigyan ng mga masustansiyang pagkain.

Tips

Para sa isang 20 buwang gulang na bata, madaling magkasakit at gumaling din. Natural lang ito, at nakakatulong din sa pagbuo ng immunity ng bata.

Kung napansin na nagkakamot o matamlay ang bata, tingnan agad ang body temperature.

Ang karaniwang timbang ng isang 20 buwang gulang ay 17.4 kg, at may taas na 86.4cm hanggang 100.4 cm.

Lahat ay pupulutin o dadamputin niya, at isusubo! Siguraduhing walang nakakalat na pagkain sa sahig, at lahat ng ibibigay sa kaniya ay masustansiya at sariwa, at hindi choking hazard. Matutuwa din siya sa mga makukulay na pagkain, kaya’t ito ang ihain sa kaniya.

Pakainin siya ng isang buong prutas (50-100 gm), isang bowl ng gulay, at 250ml hanggang 300 ml ng gatas kada araw. Bigyan siya ng protina na nasa itlog at karne.

Isinalin mula sa wikang Ingles ni ANNA SANTOS VILLAR

sg.theasianparent.com/toddler-development-20-months/