Development at paglaki ng iyong toddler sa kaniyang ika-21 buwan

Kamusta na ang paglaki ng iyong anak sa kaniyang ika-21 na buwan? Alamin ang iba't-ibang mga milestones ng iyong anak sa panahong ito

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Oras na para pag-isipan ulit ang dating routine ninyo sa bahay—dahil panibagong adventure, at panibagong plano na naman ang iniisip ni baby ngayong edad na ito!

Marami na ang nagsabi na hindi tatanggapin ng isang toddler ang mahabang listahan ng do’s at dont’s ng mga magulang, dahil may sarili siyang plano. Hindi niya tanggap ang pagsaway palagi sa kaniya. Sa edad na ito, para din siyang salamin na napakagaling gumaya ng ginagawa ng mga nakatatanda. Ang atensiyon niya sa ika-21 buwan niya ay makatuon sa mga magulang o sa mga palagi niyang kasama. Kaya naman doble ang ingat sa mga sinasabi at ginagawa na nakikita niya.

Ika 21-na buwan ng iyong anak: Kamusta ang kaniyang development?

Physical Development

Napapansin mo bang kaya na niyang mag-alaga sa sarili niiya? Kaya na niyang maghugas ng kamay at paa ng walang tulong ng matanda. Kaya na rin niyang magsuot ng tsinelas at sapatos nang mag-isa (kahit minsan ay nagkakamali sa kung alin ang sa kanan at kaliwa). Magaling na rin siyang kumain mag-isa!

Kahit parang palagi siyang malikot at di mapakali, alam niyo bang ang 20% ng oras na gising siya ay nakatitig lang siya sa mga bagay sa paligid niya at nagmamasid?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tips

Ito ang edad na puto takbo, lakad, akyat-baba, sampa at sayaw ang gusto niyang gawin. Minsan ay makikita din siyang masayang tumatalon!

Ito ang dahilan kung bakit kailangan mo ng mga soft mats at kutson sa sahig, para makaiwas sa bukol at untog.

Kaya na rin niyang gumawa ng “tower” gamit ang blocks. Magaling na siyang magpatong-patong ng mga blocks at tapos ay bubuwagin ito!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kapag binigyan ng bola, excited siyang sisipa o ibabato ito, at pag-aaralan kung anon ang pwede niyang gawin dito.

Gabayan siya sa pag-akyat-baba sa hagdan, pati sa mga playground equipment. Independent na siya, pero mas makabubuti na hawakan at tulungan siya para mas maging confident.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor?

Kung nagpakita na ng bagong kakayahan ang iyong toddler nuong mga nakaraang buwan, at biglang hindi na niya ito ginagawa ngayon o kaya ay parang hindi na kaya, may dapat ngang ipag-alala. Ikunsulta ito sa doktor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Cognitive Development

Ang paglalaro ay ang pinakaimportanteng paraan ng pagkatuto ng isang toddler. Maikli lang ang attention span niya pero mahilig siyang maglaro. Kaya na niyang maglaro ng puzzles na may 3 hanggang 4 na piraso, o mga pegboard puzzles kung saan itutugma niya ang hugis.

Maikli man ang attention span niya, nagsisimula na siyang magkaroon ng “sense of time”. Sa umpisa ng araw ninyo, kausapin siya at ipaliwanag ang mga gagawin niyo sa buong maghapon, at sa bawat gawain, ay ulitin o banggitin ulit: “Kakain muna tayo ha. Pagkakain, magliligpit tayo tapos maglalaro tayo sa labas…”

Ang pagpapaliwanag sa kaniya tulad nito ay makakapagbigay sa kaniya ng ideya kung paano nga ba ang buhay sa mundong ginagalawan niya. Makakapagbigay sa kaniya ito ng pakiramdam na ligtas siya at walang dapat ikatakot. Tandaan na kapag may sinabing schedule sa kaniya, dapat ay gawin ito at huwag papalit-palit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tips

Mapapansin na ang iyong toddler ay sinasabi na kung gusto niya ng mga “pambabae” o “panlalaking” gamit o laruan.

May idea na siya ng pagkakaiba ng kasarian sa edad na ito. May mababanggit siya na ang laruang ito ay “pambabae”, at iyan ay “panlalaki” kadalasan ay dahil sa turo ay naririnig sa mga magulang o nakatatanda. Huwag limitahan ang gusto niyang laruan—kung gusto ng anak na lalaki na maglaro ng manyika, walang masama dito. Kung gusto ng anak na babae na maglaro ng laruang kotse o trak, hayaan siya. Kailangang turuan ang mga bata na walang masama na sabihin ang gusto nila, at anumang kulay o laruan ay pwede at hindi makakasama sa pagkatao nila. Ang “gender sensitivity” ay itinuturo na ngayon sa mga paaralan, at kailangan nang ituro sa mga bata sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kalayaan na pumili, nang walang nagsasabi na pambabae o panlalaki lamang ito.

Mag-ingat sa pagbibigay ng mga laruan may mga maliliit na bahagi dahil mahilig nga siyang magsubo at magsuksok ng mga bagay sa bibig, ilong at tainga. Itago ang mga barya, beads, buto at mga kapareho nitong maliliit na bagay.

Ang iyong munting anghel din ay magpapakitang gilas na sa pampublikong lugar sa edad na ito—at hindi na siya mitulang anghel. Ipapakita niya ang sumpong niya at ipaparinig niya ang lakas ng hiyaw at sigaw niya, kahit nasa mall pa kayo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Huwag magtagal sa mga pampublikong lugar dahil kapag nainip siya, dito na siya magwawala at iiyak. Hindi niya pa kayang maupo ng matagal sa MRT, bus, o jeepney, o kotse, dahil na nga sa dami ng energy niya at ikli ng attention span.

 

Kailan dapat kumunsulta sa doktor?

Kung may naisubo siya, kailangang dalhin agad sa doktor para maalis ito. Kapag napapansin na hindi palakibo, hindi tumitingin kapag maingay o may tumatawag, o kaya ay palagi lang nakahiga o nakaupo at hindi naglilikot, maaaring may karamdaman ito, kaya’t dapat na dalhin na sa doktor para maobserbahan pa.

Social at Emotional Development

Dahil mayron na siyang sense of time, importanteng magkaron na ng routine ang iyong toddler. Makakatulong sa bata ang magkaron ng pagkakataon na makapaghanda para sa transisyon o pag-iiba ng gawain. Hindi kasi siya handa sa mga sorpresa o paiba-iba ng gawain. Mas makakatulong sa development niya ang pagkakaron ng karaniwang oras ng pagtulog, pagkain, routine para sa paliligo at pagtulog, at iba pa. Kung may bedtime routine siya halimbawa, tulad ng paliligo, pagkatapos ay pagsisipilyo, pagbabasa ng libro, mas magiging relaxed siya at madaling makakatulog.

Ang stage na ito ng toddler development ay tungkol sa pagtatakda ng “expectations”, para sa bata at para kay Mommy at Daddy. Maraming paraan para gawin ito: kausapin siya, maglagay ng mga paalala tulad ng visual schedule.

Tips

Gumawa ng isang chart para sa isang buong linggo at ilagay ito sa fridge. Hayaan siyang maglagay ng marka, tulad ng magnet o sticker, kapag natapos na ito. Matututo siya ng mga araw at linggo sa pamamagitan nito.

Bigyan siya ng warning na matatapos na ang oras ng isang gawain, halimbawa kapag naglalaro sa labas o kung may play date. Sa ganitong paraan, makakapaghanda ang bata sa transition, at hindi gaanong kahirap ang pag-iwan ng isang gawain. Karaniwang sapat na ang ilang minuto. Kung humingi man ng ilan pang minuto, pagbigyan siya, pero magtakda ng hangganan o maximum na oras.

Ganito rin para sa behaviour. Ipaalam sa kaniya kung ano ang inaasahang ugali o behaviour. Sa edad na ito ay susubukin ng bata ang boundaries at limitasyon, at titingnan kung paano ito tatanggapin ng mga magulang niya. Ipaliwanag kung alin ang hindi dapat at kung ano ang katanggap-tanggap. Turuan din siyang maging mahinahon at iwasan ang maging agresibo at palaaway. Huwag ding pilitin ang anak na makipaglaro sa ibang bata kung ayaw niya. Kaya na niyang pumili ng makakalaro.

Ang good news? Handang handa siya sa mga halik at yakap mo! Si Mommy at Daddy pa rin ang paborito niyang mga tao, kaya naman kapag nakikita kayo, ay labis ang tuwa nito kaya’t ang bilis ng takbo pagpasok niyo pa lang ng pinto.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor?

Kung labis ang pagiging agresibo at palaging umiiyak, galit, at nananakit ng kalaro o pati mga nakatatanda, maaaring ikunsulta ito sa doktor. Kung hindi naglilikot, hindi palakibo, at hindi nakkikisalamuha sa iba, banggitin ito sa doktor sa susunod na well-baby check-up.

Speech at Language

Mabilis ang word acquisition o pagkatuto ng salita at pakikipag-usap ng bata sa edad na ito. Kapag nagsimula nang magsalita at makipag-usap, magugulat kayo sa tatas niya. Kung nung nakaraang buwan ay 15 salitang alam niya, ngayon ay lumalagpas na ng 20. Huwag mag-alala kung hindi pa ito naaabot ni baby. Ang speech at language milestonse ay karaniwang iba-iba sa bawat bata.

Tips

Ipagpatuloy ang pagkanta at pagsayaw kasama si baby. May ibang mga toddlers na libro naman ang hilig, at kaya nang “magbasa” ng libro—kukuha ng libro, bubuksan ito at titingnan ang mga larawan, at minsan ay gagayahin pa ang paraan ng pagkukwento ni Mommy o Daddy. Bigyan siya ng mga board books at mga soft books para hindi madaling masira.

Maglaro din ng memory games kasama si baby. Turuan ng mga salita o pangalan ng mga bagay, hayop, pagkain, at banggitin ito palagi sa araw araw. Natural lang ang pagkaka-utal minsan, kaya’t huwag mag-focus dito. Huwag siyang pagtawanan at huwag tuksuhin ang bata. Malalagpasan niya din ito.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor?

Kung sa tingin ay may delay o may napapansing problema sa pagsasalita ng bata, ikunsulta ito sa doktor.

Kalusugan at Nutrisyon

Ilabas ang mga tasa at baso dahil kaya nang uminom ni baby ng walang straw. Nahahawakan na niya ng dalawang kamay ang baso kapag umiinom at hindi na ito matatapon. Tulungan pa rin siya, at kapag hindi pa gaanong sanay dito, bigyan ng sippy cup o tasang may takip.

Bigyan na rin siya ng straw at makikitang natural niya itong matututunang gamitin.

Tips

Magplano nang mabuti bago lumabas kasama ang iyong toddler. Tandaan na magugutumin ang bata, at may mga paborito na siya ngayon—at mayron na rin siyang mga ayaw na kainin. Palaging magdala ng meryenda kapag lalabas ng bahay, kahit na malapit lang ang pupuntahan.

Huwag kakalimutan ang bote ng tubig, sweater o panlamig, bimpo, at spare clothes o pampalit na damit, para sa mga emergency.

Your 21 month old’s body is still small and needs to be kept warm in a strong cold weather or around AC. Always carry a small blanket or jacket for the same.

They will now develop preferences towards certain food items and sometimes ignore it completely. Make sure you serve them innovative food items and eat it along with them to build in the trust.

Ang average na timbang ng isang 21 buwang gulang na bata ay 10.1kg hanggang 12.7 kg, at may karaniwang taas na 81.4 cm hanggang 87.0 cm.

Pakainin siya ng tinapay, pagkaing mayaman sa protina, isang itlog kada araw, full fat milk (200ml), isang mangkok  ng gulay dalawang beses isang araw, at isang buong prutas. Ipakilala na ang nuts sa kaniya, kahit sa powdered form. Isang almond o walnut kada araw ay makakatulong sa kabuuang paglaki at development ng iyong toddler.

Source: Livestrong

Isinalin mula sa wikang Ingles ni ANNA SANTOS VILLAR

https://sg.theasianparent.com/toddler-development-21-months