Ilang bagay na dapat alamin ng mga magulang pagdating sa tuberculosis o TB

Alamin kung ano nga ba ang sakit na tubercolosis o ang tinatawag nilang TB, paano malalaman kung meron ka na nito at paano nakakahawa ang TB.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang tuberculosis, o mas kilala sa tawag na TB, ay impeksiyon sa baga na dala ng bacteria na Mycobacterium tuberculosis. Sa iba, maaaring ibang bahagi ng katawan ang tamaan ng TB. Bago lumawak ang kaalaman sa TB, isa ito sa may pinakamaraming napatay na sakit. Isa sa importanteng tanong ay kung paano nakakahawa ang TB.

Paano nakakahawa ang TB

Ang Mycobacterium tuberculosis ay airborne na bacteria. Maaaring mahawa ang tao kung ang isang nalalinan ng TB ay umubo, humatsing, nagsalita o kahit kumanta. Ang makaka-langhap ng bacteria na nasa hangin ay maaaring mahawa.

May iba na nahahawa ng TB ngunit hindi nagkakaroon ng sintomas dahil ang katawan nila ay nilalabanan ang paglago ng bacteria. Ang mga may ganitong impeksiyon ay tinatawag na latent (o dormant) na TB. Hindi nakakahawa ang ganitong tipong TB. Ngunit, kung ang katawan ng mga may latent TB ay hindi na kayang labanan ang bacteria, maaari na itong makahawa.

Ang bacteria ng TB ay kayang mabuhay sa mga katawan patay. Dapat maging maingat sa paligid ng mga namatay dahil sa TB.

Ang mga taong may prublema sa kalusugan tulad ng diabetes, HIV infection, o pag-abuso sa drugs o alak ay mas mataas ang tsansa na mahawa.

Ang TB ay hindi nakakawa sa pamamagitan ng pisikal na pagdikit tulad ng pagkamay, pagyakap o paghalik. Hindi rin ito nakakahawa sa pagbabahagi ng mga bagay tulad ng pagkain, inumin, kama o damit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga sintomas ng TB

Kung naghihinala na baka nahawa ng TB, suriin ang sarili kung nararanasan ang mga sumusunod na sintomas:

  • Malalang pag-ubo na tumagal nang mahigit 3 linggo
  • Night sweats
  • Pag-ubo ng dugo
  • Sakit sa dibdib
  • Matinding pagod
  • Pagbawas ng timbang nang walang ganang kumain
  • Lagnat at panginginig

Kailan magpapa-konsulta sa duktor

Tulad ng ibang sakit, mas-mainam na mabigyang lunas ang TB sa lalong madaling panahon. Kung naghihinala na may TB, magpakonsulta agad sa duktor kung:

  • Humarap sa isang may TB
  • Nagpositibo sa TB skin test
  • Nakararanas ng pag-ubo na may kasamang dugo
  • Nararamdaman ang iba’t ibang sintomas ng TB
  • Lumalala ang nararamdaman sa paggamot sa TB
  • Naninilaw ang mga mata at balat habang ginagamot ang TB
  • Nagiiba ang paningin

Paggamot sa TB

Ang paggamot sa TB, aktibo o latent na impeksiyon man, ay kinakailangan ng pag-inom ng iba’t ibang gamot. Kadalasan, may mga gamot na kailangan inumin ng sabay. Ang paggamot nito ay kadalasang tumatagal ng anim hanggang siyam na buwan. Maaaring mag-iba ang kakailanganin na gamot depende sa lakas ng bacteria o lakas ng katawan sa paglaban sa bacteria.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Gaano katagal ang panahon na nakakahawa ang TB

Kadalasan, hindi na nakakahawa ang TB sa ika-lawang linggo ng paggamot nito. Ngunit para makasigurado, ang payo ng ibang eksperto ay magpalipas muna ng ilang buwan bago maibalik ang dating pakikihalu-bilo sa iba. May mga pagkakataon na hindi na nakakaranas ng sintomas ang taong umiinom ng gamot laban sa TB ngunit kadalasan ay nakaka-hawa parin ito.

Ang pagkakaroon ng hinala na nahawa sa TB ay sapat na upang magpa-konsulta sa duktor. Kung nakakaramdam ng mga sintomas nito, importante na magpatingin agad upang masigurado ang mabuting kalusugan at na hindi makahawa sa iba.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: Medicine Net

Basahin: Tuberculosis: Do you know enough about this fatal disease?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement