Paano magagamit ng bata ang apelyido ng tatay kapag hindi kasal ang magulang?

Mga illegitimate child puwede ng gamitin ang apelyido ng kanilang ama. Narito ang paraan kung paano.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Illegitimate child surname

Illegitimate child surname, puwede ng gamitin ang apelyido ng kaniyang ama ayon sa batas tungkol sa apelyido.

Ayon sa Family Code ng Pilipinas, ang bata na anak ng isang kasal na lalaki at babae ay otomatikong dadalhin ang apelyido ng kaniyang tatay. Habang, ang mga bata naman na anak ng hindi kasal na mga magulang ay itinuturing na illegitimate child at dadalhin ang surname ng kaniyang ina at mananatili sa pangangalaga nito.

Ngunit, base sa amendment ng Family Code na Republic Act 9255 o mas kilala sa tawag na “Revilla Law” ay maari ng dalhin ng isang bata ang apelyido ng kaniyang ama na may sumusunod na kondisyon. Una ay kinikilala siya bilang anak ng kaniyang anak. Ito ay sa pamamagitan ng pagpirma sa acknowledgment ng kaniya live birth certificate. Pangalawa, sa pamamagitan ng mga notaryadong pampublikong dokumento. Tulad ng affidavit at sinumpaang salaysay ng ama na kinikilala ang kaniyang anak. At pangatlo ay sa pamamagitan ng pribadong instrumento o isang sulat na hindi kailangang notaryado. Ngunit dapat ay sulat kamay ng ama na kinikilala ang kaniyang anak.

Image from Freepik

Ang batas na ito ay para sa mga illegitimate children na ipinanganak bago at pagkatapos ang August 3, 1988. Kaya naman nangangahulugan ito na ang illegitimate child surname ay maaari ng mapabago o magmula sa kaniyang ama. Basta siya ay kinilala o pinapayagang magamit ito kahit siya ay malaki o matanda na.

Batas tungkol sa apelyido: Steps para magamit ng illegitimate child ang surname ng kaniyang ama

Para maisakatuparan ito ay may ilang hakbang na kailangang gawin ayon sa PSA o Philippine Statistics Authority. Ito ay ang sumusunod na paraan at kondisyon: batas tungkol sa apelyido

1. Kung ang birth certificate ng illegitimate child ay hindi pa nakarehistro

Kung ang parehong magulang ay pumapayag o ina-acknowledge na dalhin ng anak ang apelyido ng ama, ang middle name na gagamitin niya ay ang last name ng kaniyang ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga dokumentong kakailanganin ay ang sulat kamay o Private Handwriting Instrument ng ama ng bata na nagsasabing kinikilala niya ang anak at hinihiling na gamitin ang apelyido niya. O ang Affidavit of Acknowledgement kalakip ang AUSF o Affidavit to Use the Surname of the Father. Ito naman ay magmumula sa ama na nagpapatunay na siya ang ama ng bata at pinapayagan niyang dalhin ang apelyido niya.

 

Illegitimate child surname: Paggamit ng apelyido ng ama | Image from Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kailangan lang mai-file ang mga dokumento sa civil registry office ng lugar kung saan ipinanganak ang bata. Kung ipinanganak naman sa ibang bansa ay dapat mai-file ito sa Consul of the Philippine Embassy na nakakasakop sa lugar na pinag-anakan ng bata. Kinakailangan rin ng mamarkahan ng PSA ang birth certificate ng bata na ipinanganak sa ibang bansa.

Samantala ang mga dapat mag-file ng request na ito ay ang anak na nasa legal na edad o ang ama o ina ng batang menor de edad pa.

2. Kung ang birth certificate ng illegitimate child ay nakarehistro na at ginagamit ang apelyido ng ina

Para maipabago ang apelyido ng isang anak na ginagamit ang apelyido ng kaniyang ina ay dapat kumpletuhin muna ang kakailanganing dokumento.

Ito ay ang AUSF o Affidavit to Use the Surname of the Father (AUSF). Magmumula ito sa ama at pipirmahan niya bilang patunay na pumapayag siyang gamitin ng bata ang kaniyang apelyido.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kakailanganin rin ang Affidavit of Admission of Paternity at Affidavit of Acknowledgment. Ito ay pipirmahan din ng ama bilang patunay na siya ang ama ng batang magdadala ng kaniyang apelyido. O kaya naman ay ang Private Handwritten Instrument o sulat kamay ng ama. Bilang patunay na anak niya ang bata at pinapayagan niyang dalhin nito ang apelyido niya.

Illegitimate child surname: Paggamit ng apelyido ng ama | Image from Unsplash

Higit sa lahat mahalaga ring ihanda ang Certified True Copy ng Certificate of Live Birth ng bata at valid IDs ng kaniyang mga magulang. Ang mga dokumentong ito ay dapat ipasa sa Civil Registry Office na kung saan nakarehistro ang kapanganakan ng bata. Kung ipinanganak naman sa ibang bansa ay dapat mai-file ito sa Consul of the Philippine Embassy na nakabase sa bansa kung saan ipinanganak ang bata.

Ngunit kailangan munang mamarkahan ng PSA ang birth certificate ng bata bilang pagkilala sa kapanganakan nito sa ibang bansa. Ang mga dapat mag-file ng request na ito ay ang anak na nasa legal na edad o ang ama, ina o guardian ng anak na menor de edad pa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mula dito ay mapoproseso na ang pagpapalit ng apelyido ng bata sa paggamit ng apelyido ng kaniyang ama.

 

Sources:

Philippine Statistics Authority, ABS-CBN News

Basahin:

How to legitimize an illegitimate child after marriage

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement