Panoorin: Nakakakilabot na video ng batang tila may kinakausap!

lead image

Kamakailan lang ay nag-viral ang video ng isang batang babae na parang may kinakausap na hindi makita. Dapat bang ikabahala ang imaginary friend disorder?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kamakailan lang, nag-viral ang isang posibleng kaso ng pagkakaroon ng imaginary friend disorder. Base sa video na kumalat sa Facebook, magkasama ang mag-ina sa isang school sa Thailand kung saan sila ay na-stranded dahil sa ulan. Bigla na lang may kinausap ang bata na di umano’y kaniyang imaginary friend. 

Ang pinakanakakakilabot pa ay nang biglang may narinig na nagsabi ng “Krub,” na ang ibig sabihin sa Thai ay “yes, sir.” Pero kitang kita na ang mag-ina lang ang tao nung oras na iyon. 

Ni-record at inupload ang video noong Monday, September 17. At ngayon, pinanood na ito ng mahigit 4.3 million beses, at mayroong 16,000 reactions, 90 comments ibinahagi ng 53,000 beses.

Ano ba ang nangyari sa video?

Kinausap namin ang aming mga kaibigan mula sa theAsianparent Thailand para mas maintindihan ang nangyari.

Ang ina ng bata, si Kru Ju Taksaporn Yodthong, ay sinabing na-stranded daw sila sa paaralan dahil sa lakas ng ulan. Inabot na din daw sila ng gabi habang inaantay na humina ang ulan.

Matapos nito, napansin niyang tila may kinakausap ang kaniyang anak sa pintuan ng computer room sa kanilang paaralan. Dahil dito, tinanong ng nanay kung sino ang kausap ng kaniyang anak.

Sabi ng bata, may kinakausap daw siyang isa pang batang babae. Nakatayo raw ito sa may hagdanan, at nakasuot ng kulay pink na sapatos.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matapos nito, makikita sa video na sinubukang hanapin ng ina ang kausap ng kaniyang anak. Pero walang ibang tao sa paligid dahil umuwi na rin ang ibang mga bata.

Sabi pa ng kaniyang anak na gusto daw niyang umuwi kasama nila ang bago niyang kaibigan.

Dala ng takot, sinabi ng ina na wala na raw lugar sa kanilang sasakyan para sa bagong kaibigan ng anak. Dagdag pa niya na sabihin daw ng anak sa bagong kaibigan na huwag na silang sundan at maglaro na lang mag isa.

Sinabi naman ito ng bata sa kaniyang “kaibigan”. Bigla na lang may narinig na sumagot ng “Krub” sa video, na ang ibig sabihin ay “yes, sir.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa takot, dali-daling bumaba ang mag-ina sa hagdan.

Panoorin ang nakakakilabot na video dito:

*Sa original na post, sinabing may kausap raw ang bata na isa pang batang babae na nakasuot ng kulay pink na sapatos.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Halo-halo ang reaksyon sa mga netizen

Sa tingin ng ibang mga netizen, mayroong lang kinakausap na imaginary friend ang bata. Ngunit sabi naman ng iba na baka raw talagang mayroong nagpaparamdam sa bata.

Sinabi rin ng ina na hindi siya sigurado kung ano talaga ang kausap ng kaniyang anak. Dagdag pa niya, masyado siyang natatakot para alamin pa kung saan nanggaling ang tunog na narinig niya sa video. 

Dagdag pa ng ina, hindi na raw bago sa kaniyang anak ang pagkakaroon ng imaginary friend. Minsan nga daw ay nagdadala pa ito ng softdrinks para sa kaniyang mga “kaibigan.” 

Dapat bang ikabahala ang imaginary friend disorder?

Para sa maraming bata, normal lang ang pagkakaroon ng imaginary friend. Kung tutuusin, mabuti nga ito dahil nahahasa ang imahinasyon ng mga bata.

Kadalasan, nawawala rin ang kanilang “imaginary friend” habang sila ay tumatanda.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngunit kung sa tingin mo ay nahihirapan ang anak mong alamin ang pinagkaiba ng totoo at ng kaniyang imahinasyon, mabuting dalhin mo na siya sa isang espesyalista.

Heto ang mga palatandaan na dapat mong alamin: 

– kapag nagkakaroon sila ng obsession o masyadong pagbibigay ng atensyon sa kanilang imaginary friend.

– nahihirapan silang kontrolin ang ginagawa ng kanilang ‘kaibigan’

– gumagawa sila ng masa dahil sabi daw ng kanilang kaibigan

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

– mas gusto nilang kalaro ang imaginary friend nila at hindi ang kanilang mga kalaro o kaibigan

Image source: stock photo

Kadalasan naman, hindi dapat ipag-alala ang pagkakaroon ng bata ng imaginary friend. Ibig sabihin lang nito ay creative ang iyong anak at matibay ang kanilang imahinasyon!

Kaya’t hayaan niyo lang silang makipaglaro sa kanilang mga imaginary friend.

 

References: AsiaOne

Isinalin sa Filipino ni Alwyn Batara

https://sg.theasianparent.com/imaginary-friend-disorder

Basahin: Spooked parents see ‘ghostly baby’ beside toddler on their baby monitor

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara