Mga prutas at gulay na maaaring makatulong makaiwas sa COVID-19

Para maging healthy at protektado laban sa COVID-19 ay ihanda ang mga pagkain at inumin na itinatampok sa artikulong ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Immunity booster COVID 19: Narito ang mga prutas at gulay na dapat kainin upang mapalakas ang katawan laban sa sakit.

Image from Freepik

Immunity booster COVID 19

Ayon sa mga pag-aaral, ang malusog na tiyan o gut ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pagtulong sa ating katawan na labanan ang mga impeksyon o sakit. Natutulungan rin nito ang katawan na umiwas sa mga over-reactions na maaring maka-damage sa ating lungs at vital organs. Ang immune responses na ito kung mapabayaan ay maari namang mauwi sa respiratory failure at kamatayan. Kaya naman mahalagang panatilihing healthy ang ating tiyan. At ito ay sa pamamagitan ng pagkain ng prutas at gulay na high in fiber at full of nutrients.

Pagkain ng prutas at gulay

Samantala ayon naman kay Dr. Christine Gonzales, isang doktor sa naturopathic medicine, ang pagkain ng prutas at gulay ay isa sa mga paraan upang makaiwas sa kumakalat na sakit na COVID-19 sa kasalukuyan. Dahil ang mga ito ay tinutulungan ang katawan sa pamamagitan ng pag-rerebuild ng tissues, pagsusupply ng energy at pag-prepreserve ng proper medium sa pinagdadaanang biochemical process ng katawan. Ito ay napakahalaga sapagkat sa oras na hindi maayos na ma-perform ng katawan ang mga functions na ito ay nakokompromiso ang ating immune system. Ang resulta ay mas madali tayong madadapuan ng sakit.

Ganito rin ang sinabi ni Dr. Ronaldo Balburias, na nag-fofocus naman sa Functional Medicine. Ayon sa kaniya maliban sa pag-iwas na ma-expose sa sakit, ang second layer ng defense ng katawan laban sa COVID-19 ay ang pagkain ng prutas at gulay na iba-iba ang kulay. Ito ay para makasigurado na makukuha ng katawan ang iba’t-ibang vitamins na kailangan nito. Tulad ng Vitamin A, B12, B9, Vitamin C, D, zinc at iba pang minerals.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Health benefits ng pagkain ng prutas at gulay

Ang mga prutas at gulay nga raw na rich in Vitamin A ay ang kamote, kalabasa, broccoli, carrots, kale, letsugas at petchay. Anti-inflammatory food naman o nakakatulong sa pamamaga ng katawan ang mga kulay pulang prutas at gulay. Ang mga orange fruits at vegetables naman ay mga antibacterial foods o nakakatulong sa pagpatay ng bacteria sa katawan. Tumutulong naman sa pag-kontrol ng mataas na blood pressure ang mga kulay berde na prutas at gulay. Habang ang mga kulay purple na prutas at gulay naman ay pinapalakas ang immune system at nakakatulong sa pag-ooptimize ng ating brain health.

Dagdag naman ni Dr. Gonzales, mas mainam nga raw na magtanim ng sarili nating prutas at gulay. Ito ay upang masigurado na ito ay organic at free sa growth hormones at artificial dyes. Pati na sa chemical pesticides at fertilizers na makakapagpahina ng immune system ng katawan.

Immunity booster COVID 19 food and drinks

Para nga mas masiguro na makukuha natin ang proteksyon na kailangan natin sa ngayon mula sa prutas at gulay ay nagbahagi ng tips si Dr. Gonzales at alternative medicine expert Dr. Jimmy Galvez Tan sa kung paano maihahanda ang immunity booster COVID 19 food and drinks.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

COVID-19 prevention and control tea

Una ay sa pamamagitan ng COVID-19 prevention and control tea. Mainam itong lunas sa ubo, sipon, lagnat, sore throat at iba pang flu-like symptoms. At ito ay magagawa sa sumusunod na paraan.

  • Maghanda ng 25 maliliit na piraso o 13 piraso ng malalaking fresh organic turmeric root. Pati ng 3 inches ng ginger root o luya, 1 buong native na bawang na hiniwa at dinikdik. Mag-piga o mag-juice ng 25 pcs na kalamansi o 2 buong organic lemons.
  • Hugasan at huwag ng balatan ang luya at turmeric. Hiwain ito sa maninipis na slice o i-grate.
  • Saka magpakulo ng 3 tasa ng distilled na tubig. Ilagay ang turmeric, luya at bawang. Patayin ang apoy saka idagdag ang juice ng lemon o kalamansi.
  • Takpan at hayaan na munang lumamig sa loob ng 15 minuto.
  • Uminom ng isang tasa at gawin ito tatlong beses sa isang araw.

Ampalaya pineapple juice

Ang ampalaya pineapple juice ay mainam naman para sa pagpapababa ng blood sugar. Dahil ang high blood sugar ay isa sa aggravating factor o nagpapalala sa sakit na COVID-19.

Ito ay maihahanda sa sumusunod na paraan:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Maghanda ng isang buong fresh na pinya at hiwain sa maliliit na piraso.
  • Maghiwa at tanggalin ang buto ng 8 pirasong ampalaya na isang talampakan ang haba.
  • Ilagay sa juice o blender ang hiniwang ampalaya at pinya.
  • Saka isalin sa pitsel at palamigin sa refrigerator baka i-serve.

Pinoy fruit salad

Rich in vitamins, minerals at high fiber rin ang Pinoy fruit salad na nagtataglay ng mga immune boosting antioxidants. Ihanda ito sa sumusunod na paraan:

  • Maghiwa ng isang tasa ng maliliit na piraso ng sangging na lakatan. Saka ito lagyan ng 2 kutsarita ng kalamansi juice.
  • Maghiwa rin ng isang tasa ng cube-sized na pinya, papaya, bayabas, pakwan at melon.
  • Maghanda ng mga bignay berries at basil leaves.
  • Magdurog ng cashew at pili nuts.
  • Maghanda rin ng 2-3 tasa ng pasteurized, cooled at whipped coconut cream na nilagyan ng coconut sugar para magkalasa.
  • Sa isang bowl ay paghaluin ang mga prutas at nuts. Ilagay ang whipped coconut cream saka i-garnish ang basil leaves. Palamigin sa ref bago i-serve.

Image from SERYE CAFÉ FILIPINO

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Iba pang immune boosting na inumin at pagkain

Maliban sa nabanggit ay narito pa ang tips sa paghahanda ng prutas at gulay na magpapalakas ng iyong immune system laban sa COVID-19.

  • Gawing snacks ang nilagang saging o kamote.
  • Para sa healthy carbohydrates, kumain ng black o brown rice, adlai, quinoa at iba pang root crops.
  • Mag-hydrate gamit ang sabaw ng buko. O purified water na nilagyan ng lemon, calamansi, cucumber, tarragon o peppermint leaves.
  • Limitahan ang mga matatamis na pagkain at kumain lang ng hinog na mangga, orange o langka,
  • Mag-steam ng talbos ng kamote, malunggay, alugbati, spinach at iba pang berdeng gulay.
  • Iwasan ang pagkain ng karne. Kung hindi maiwasan ay siguraduhin na ito ay high-quality.
  • Uminom ng mga power teas tulad ng matcha, sencha, chamomile at ginger.
  • Gumamit ng virgit coconut oil bilang pangmumog sa umaga. Ito ay nakakapatay ng bacteria sa bibig at nagpapalusog ng ating mga ngipin. Maari ring ihalo ang 1 kutsarang virgin coconut oil sa iyong organic berry smoothie.
  • Iwasan o limitahan ang pagkain ng mga processed foods at junk foods. Pati na ang pag-inom ng alcohol, matatamis na pagkain at inumin na may artificial sweeterners at iba pang additives.
  • Para ma-preserve ng matagal ang mga prutas at gulay ay maari itong ilagay sa freezer. O kaya naman ay gumamit ng mga canned fruits, beans at pulses na perfect ngayon sa oras ng lockdown.

 

SOURCES: Inquirer, Greenpeace, The Conversation

BASAHIN: Importanteng maalagaan ang iyong mental health sa panahon ng COVID-19

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement