. Impeksiyon sa inunan muntik ng maging dahilan ng pagkamatay ng isang bagong silang na ina.
Inang nakaranas ng impeksiyon sa inunan
Para sa isang single mother, hindi lubos maisip ni Katie Shirley, 21-anyos ang mangyayari sa dalawang anak niya kung sakaling hindi niya nalagpasan ang isang medical condition na kaniyang naranasan noong nakaraang taon. Dahil ito daw ay muntik ng maging dahilan upang maagang maulila ang mga anak niyang, si Olivia, 1 at Esmae, 2.
Si Katie ay nakaranas umano ng impeksiyon sa inunan na naging dahilan para siya ay magkaroon ng brain aneurysm at ma-stroke.
Kwento ni Katie, 36 weeks pregnant siya ng makaranas ng heavy bleeding. Ito ay sa kabila ng pagiging normal ng pregnancy niya at pagkakaroon ng anemia.
Dahil dito ay pinayuhan siya ng mga doktor na sumailalim sa emergency C-section delivery. Paliwanag nila nasa panganib na ang buhay ng sanggol na dinadala niya.
Kaya naman noong December 7, ipinanganak niya si Baby Olivia ng dalawa’t-kalahating linggo ng mas maaga sa due date nito.
Ayon sa mga doktor na nagpaanak sa kaniya ay may impeksyon siya sa inunan at ito ay nabubulok na. Mabuti nalang daw at agad na naipanganak si Baby Olivia. Dahil kung hindi ay maari daw ikamatay nito kung magtatagal pa sa loob ng sinapupunan niya.
Para masiguradong ligtas ang kaniyang baby mula sa impeksyon ay dumaan ito sa pagsusuri. Nang maging positibo rin sa impeksyon ay niresetahan ito ng antibiotics Ito ay upang malabanan ang impeksyon na pumasok narin sa kaniyang katawan.
Epekto ng impeksiyon sa inunan
Lagpas isang buwan matapos makapanganak ay doon na nagsimulang maranasan ni Katie ang epekto ng impeksyon sa inunan. Siya ay nagkaroon ng brain aneurism na muntik niya ng ikamatay.
“This was just the start of my ordeal as on January 27, I collapsed on the bathroom floor while on the phone to my mum as I suffered my first seizure. But it wasn’t until second seizure in hospital that a second CT scan found that the aneurysm in her brain had ruptured.”
Ito ang pagkukwento ni Katie sa nangyari sa kaniya.
“I remember feeling as though I was going to have a panic attack, my heart was racing and I felt all of my sense heightening. It was terrifying but before I knew it the room had gone black and I was unconscious”.
Ito ang dagdag pa niyang pagkukwento.
Brain aneurysm
Ayon sa mga doktor na tumingin kay Katie, ang bacteria na nagdulot ng impeksiyon sa inunan niya ay pumasok umano sa kaniyang bloodstream at nagdulot ng damage sa kaniyang utak. Ito ang naging dahilan ng pagkakaroon niya ng brain aneurysm.
Ang tawag sa health condition na kaniyang naranasan ay postpartum subarachnoid haemorrhage. Isang uri ng stroke na dulot ng pumutok na aneurysm o ugat sa utak.
Kaya naman para mabawasan ang pressure na nagdulot ng pagputok ng sugat sa kaniyang utak ay dumaan sa emergency surgery si Katie na naging matagumpay naman.
Sa ngayon ay maayos na ang kalagayan ni Katie na may paalala sa ibang mga magulang dahil sa kaniyang naranasan.
“It’s hard to imagine both Olivia and my eldest daughter, Esmae, two, without their mum.”
“I’m a single parent and if any positives are to come from this experience it’s that other new parents are more aware of postpartum subarachnoid hemorrhages.”
“I didn’t even know that a brain aneurysm could be caused by infections until it happened to me. I just want others to always push for tests if they feel something isn’t right.”
Dagdag pa niya dahil sa naging epekto ng impeksiyon sa inunan ay kailangan niyang sumailalim sa brain scans every 6 months para ma-monitor ang muling pag-develop ng brain aneurysm. Dahil sa ngayon, sa tulong ng surgery ito ay ina-stabilized lang gamit ang aneurysm coil.
Impeksiyon sa inunan o chorioamnionitis
Ayon sa Healthline ang impeksiyon sa inunan ay tinatawag na chorioamnionitis sa medical term. Ito ay ang bacterial infection na nararanasan ng isang buntis bago o habang naglelabor. Ito ay maaring mauwi sa preterm birth o serious infection sa mommy at kaniyang baby. Kilala rin ito sa tawag na amnionitis o intra-amniotic infection.
Ang impeksyon sa inunan o chorioamnionitis ay dulot ng mga bacteria na mula sa vagina na umakyat papasok sa uterus o sinapupunan ng isang babae. Ito ay maaring E. coli, group B streptococci, at anaerobic bacteria.
Sintomas ng chorioamnionitis
Ang mga mararanasan namang sintomas ng isang buntis na may chorioamnionitis ay ang mga sumusunod:
- Fever o lagnat
- Rapid heartbeat
- Uterine tenderness o paninigas ng tiyan
- Kakaibang kulay o mabahong amniotic fluid
Para naman ito ay malunasan ang isang buntis ay reresetahan ng antibiotics na ibinibigay sa pamamagitan ng IV o intravenous injection. Ang pagbibigay ng antibiotics sa isang buntis na may impeksyon sa inunan at naglelabor ay magpapatuloy hanggang sa maipanganak niya na ang kaniyang sanggol.
Kung sakali namang nagrerespond ang infection sa antibiotics na ibinibigay sa buntis at umaayos ang kaniyang kalagayan ay maari na siyang pauwiin. Lalo na kung siya ay hindi pa manganganak at wala na ang kaniyang lagnat.
Source: DailyMail, Healthline
Basahin: Leukorrhea: Discharge na lumalabas kapag buntis