Impeksyon sa tenga ng sanggol maaaring dulot ng maling posisyon sa pagpadede
Narito ang sakit na maaring makuha ng iyong anak kung siya ay pinapadede mo ng nakahiga. Alamin kung ano ang sakit na ito at paano ito maiiwasan
Impeksyon sa tenga ng sanggol, ito ang unang makukuha ng iyong baby kapag siya ay pinapadede mo nang nakahiga.
Talaan ng Nilalaman
Pagpapadede ng nakahiga sa sanggol
Malamang nasubukan o nagawa ninyo ng padedehin ang inyong baby sa bote ng nakahiga. Ngunit dapat pagkabasa ninyo ng artikulong ito ay hindi niyo na ulitin sapagkat ito pala ay maaring magdulot ng masamang epekto sa kalusugan ni baby.
Maliban sa maaari siyang magsuka at ma-choke sa posisyon na ito sa pagpapadede ay maari ring mapunta ang gatas sa tenga ni baby na maaring magdulot ng impeksyon. Ang impeksyon na ito ay tinatawag na otitis media o ear infection.
Impeksyon sa tenga ng sanggol o otitis media
Ang impeksyon sa tenga ng sanggol o otitis media ay madalas na nararanasan ng mga 6 na buwang gulang na sanggol hanggang sa tatlong taong gulang na bata.
Ito ay dulot ng bacteria o germs na maaaring nanggaling sa lalamunan paakyat sa ating middle ear. Sa mga kaso ng mga baby ang gatas na kanilang dinede ay maaaring tumulo papunta sa kanilang tenga kapag nakahiga. Dahil sa ito ay basa ay maaring pamahayan ito ng germs at magdulot ng impeksyon sa tenga dahil sa sipon ng sanggol o ni baby
Ang otitis media ay maaari ring maging komplikasyon ng pagkakaroon ng allergy, sipon, o ng impeksyon sa ilong o lalamunan. Hindi naman ito seryosong kondisyon at hindi nakakahawa ngunit nangangailangan ng medikal na atensyon. Ito ay dahil sa mga sintomas nito na nagdudulot ng discomfort sa isang sanggol.
Paano malalaman kung may impeksyon na sa tenga si baby?
Dahil hindi pa nakakapagsalita ay hindi makakapagsabi ang iyong baby ng pananakit sa tenga na pangunahing sintomas ng sakit. Magkaganoon pa man ay may mga sintomas ang otitis media na iyong mapapansin sa iyong baby. Ito ay ang sumusunod:
- Lagnat
- Pagiging fussy o irritable
- Hirap makatulog
- Hinihila o paulit-ulit na hinahawakan ang kaniyang tenga
- Hindi makarinig ng mahihinang tunog
Kaya naman bigyang pansin ang sipon sa tenga ni baby.
Kung mapapansin ang mga nasabing sintomas ay agad na pumunta sa iyong doktor upang matingnan niya ang loob ng tenga ni baby at para na rin mabigyan ng gamot sa mabahong tenga at impeksyon ni baby. Lalo na kung ito ay sinasabayan ng sumusunod pang mga sintomas o kondisyon:
- Kung si baby ay wala pang anim na buwan at may lagnat.
- Si baby ay lagpas anim na buwan na at nilalagnat ng tatlong araw o 72 oras na.
- Namamaga na ang tenga.
- Hindi nakakarinig ng maayos.
- Sobrang antukin.
- Mayroong skin rash.
- Nakakaranas ng iba pang serious medical problems.
- Hindi nawawala ang sakit ng tenga kahit umiinom na ng acetaminophen o ibuprofen sa loob ng 2 araw.
Ang acetaminophen o ibuprofen ay inirereseta ng doktor para mabawasan ang pananakit sa tenga ng isang sanggol. Isang paalala, hindi dapat ibinibigay ang ibuprofen sa mga sanggol ng 6 buwan pababa ng walang go signal ng iyong doktor. Dahil ayon sa mga pag-aaral ito ay maaring magdulot ng gastrointestinal effects, renal failure at Reye’s Syndrome sa mga sanggol.
Samantala, ang pangunahing paraan naman para malunasan ang impeksyon sa tenga dahil sa sipon ng sanggol o ni baby ay sa pamamagitan ng antibiotics. Ito ay para mapatay ang germs at bacteria na nagdudulot ng impeksyon.
Paano maiiwasan ang impeksyon sa tenga ng sanggol?
Para naman maiwasan ito ay dapat gawin at tandaan ang mga sumusunod:
- Ugaliing mag-hugas ng kamay para makaiwas sa mga mikrobyong maaring magdulot ng sipon kay baby.
- I-breastfeed si baby dahil ang gatas ng ina ay nagtataglay ng mga antibodies at nutrients na mas nagpapalakas ng immune system ni baby laban sa mga sakit. Tandaan lang sa tuwing padedein siya ay dapat mas mataas ang kaniyang ulo sa kaniyang paa.
- Iwasang padedein si baby ng nakahiga. Sa tuwing padedein naman si baby gamit ang bote o bottle feeding ay siguraduhing siya ay naka-upright position. O ang posisyon na tila nakaupong pahiga. Siguraduhin din na hindi masyadong malaki ang butas ng tsupon ng kaniyang dede. Para siya ay hindi malunod at mabilaukan.
- Huwag palaging pagamitin ng pacifier si baby.
Makakatulong rin bilang dagdag na proteksyon kay baby ang pagpapabakuna sa kaniya laban sa pneumonia o pneumococcal vaccine. Pati na ang pagbibigay ng flu shot sa kaniya taon-taon.
Ang otitis media ay madalas na nararanasan ng mga premature na sanggol at mayroong cleft palates. Mataas din ang tiyansang maranasan ito ng mga batang may mga allergies at nai-expose sa usok ng sigarilyo.
Impeksyon sa tenga ng sanggol: Tamang posisyon sa pag-bottle feed kay baby
Bakit kailangan na tama ang posisyon sa pag-bottle feed kay baby? Ayon kay Dr. Gela Sederio Maala, isang Pediatric Junior Consultant sa Perpetual Help Medical Center in Las Pinas, mahalaga na padedehin sa tamang posisyon lalo na kung sa bote sila dumedede.
Sapagkat nais umano nating iwasan ang pagkakaroon ng aspiration katulad na nga lamang ng mga nabanggit kanina. Pahayag ni Dr. Maala,
“May mga techniques na ginagamit para ma achieve natin or maging successful yung pag feed natin kay baby, breastfeeding man o bottle feed especially if merong mga special needs ang baby kasi doon natin talaga binibigay ang feeding sa bottle kapag may special needs ang bata.”
Kapag sa bottle feeding naman umano ayon kay Dr. Maala ito ang mga dapat gawin.
When it comes to bottle feeding naman, kapag may needs ang baby, let’s say may mga cleft, may mga special bottles na ginagamit para sa mga ganitong klaseng patients but for other babies like may mga nutritional problems, naghahabol tayo, ang bottle feeding dapat semi-upright position din.
I really advise even sa mga breastfed babies na hindi agad binababa yung baby so medyo semi up o parang naka inclined si baby or upright ‘yong body ni baby mga 30 degress from the matress for about 30 minutes.
Para atleast beyond 20 minutes alam mong nag-falldown na sa stomach ‘yong food ni baby so less na ‘yong chances na mag re-regurgitate si baby or magkakaroon ng reflux episodes and less choking episodes as well.
So yun yung mga position kapag ka magpi-feed tayo kay baby whether for breastfeeding or sa baby na in need mag bottle feed.”
Narito naman ang mga dapat tandaan at tips sa pag-bottle feed sa iyong baby.
- Siguraduhing kumportable si baby at nakaupo siya ng komportable sa iyon.
- Hawakan ang iyong baby ng semi-upright position para sa bottle feeding. Suportahan ang kanilang ulo para naman makahinga sila ng maayos at makalunok sila ng maayos.
- Huwag na huwag mong iwanan ang iyong baby kapag pinapadede mo siya sa bite.
- Dapat nasa horizontal na position si baby kapag siya ay dumedede.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
- Cellphone puwede nang gamitin para ma-detect kung may ear infection ang bata
- Ang mga kailangan malaman tungkol sa impeksyon sa tenga
- Vic Sotto sa kahilingan ni Tali na magkaroon ng kapatid: "Ang problema parati namin siyang katabi matulog"
- Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."