Implant contraceptive side effect naranasan ng isang babae dahil sa sobrang pag-eexercise. Implant na inilagay sa kaniyang braso napunta sa kaniyang dibdib. Babae, kinailangang operahan para maiaalis ang implant. Sabay-sabay nating alamin kung ano ang mga side effect ng implant contraceptive.
Mga side effect ng Implant contraceptive
Ayon sa isang case report na nailathala sa BMJ Journals, isang babae umano ang nakaranas ng bibihirang implant contraceptive side effect. Ang babae ay may edad na 31-anyos at hindi pinangalanan.
Base sa case report ay bumisita umano ang naturang babae sa kaniyang doktor matapos makaranas ng abnormal bleeding sa kaniyang vagina. Ang abnormal vaginal bleeding ay nararanasan niya na daw ng may tatlong buwan na.
Ayon sa ginawang check-up ng doktor, nai-record na ang babae ay may malusog na pangangatawan. Hindi pa nakaranas ng kahit anong surgery. Walang family history na maiiugnay sa kaniyang nararanasang abnormal bleeding. May regular na menstrual cycle at gumagamit ng implanon NXT contraceptive sa loob na ng walong taon.
Una daw inilagay ang contraceptive implant sa kaniyang braso noong 2010, na sinundan noong 2013 at inulit noong 2017.
Pagtatanggal ng contraceptive implant sa dibdib ng babae
Inisip ng doktor na ang implant ang maaring dahilan ng abnormal vaginal bleeding na nararanasan ng naturang babae. Kaya naman inirekomenda niya ito sa isang gynecologist para tanggalin nalang ang implant na nasa kaniyang braso. Ngunit, nang tatanggalin na ang implant ay natuklasang wala na ito sa braso niya.
Dahil sa nangyari ay dumaan sa isang ultrasound ang babae at doon nakitang nasa kaniyang kaliwang dibdib na ang contraceptive implant.
Sa tulong ng x-ray at CT scan ay mas nakita pa ng mas malinaw na ang implant ay nakasiksik sa lower lobe ng kaliwang bahagi ng kaniyang lungs. At para matanggal ito ay kinailangang dumaan sa isang surgery ng nasabing babae.
Ang surgery na isinagawa sa kaniya ay tinawag na VATS o video-assisted thoracoscopric surgery. Isa itong minimally invasive procedure na sinimulan sa pamamagitan ng paglalagay ng maliit na butas sa chest wall ng babaeng nakaranas ng implant contraceptive side effect.
Matagumpay na naialis ang contraceptive implant sa dibdib ng babae. Matapos ang apat na araw ay pinauwi ang babae na hindi nakaranas ng kahit anong komplikasyon.
Ayon sa mga doktor ang kaso ng babae ay bibihira. Ngunit, pinaalala nila na kung ang implant ay nailagay ng mas malalim sa dapat na kalagyan nito ay maari itong makapasok sa venous system na tutuloy sa pulmonary arterial system. Tulad nalang ng nangyari sa naturang babae na ang nakitang dahilan ay vigorous exercise.
Ano ang birth control implant?
Ang birth control implant ay kilala rin sa tawag na Nexplanon o Implanon. Isa itong manipis na rod na kasing size ng isang stick ng posporo.
Inilalagay ito sa ilalim ng balat sa itaas na bahagi ng braso. Naglalabas ito ng hormone na kung tawagin ay progestin na nakakapigil sa pagdadalang-tao ng isang babae ng 99%.
Ang birth control implant ay tumatagal ang epekto mula tatlo hanggang limang taon. Kaya naman maraming kababaihan ang pinipili ang implant bilang contraceptive.
Iba pang implant contraceptive side effects
Ang iba pang side effects na maaring maranasan ng isang babae sa paggamit ng birth control implant ay ang sumusunod:
- Irregular bleeding o spotting sa unang 6-12 buwan ng pagkakalagay ng implant
- Mas mahaba o malakas na regla o kaya naman ay mas mahina at madalang na regla
- Pananakit ng ulo
- Breast pain
- Nausea
- Weight gain
- Ovarian cyst
- Pananakit o bruising sa brasong pinaglagyan ng implant
- Impeksyon sa brasong pinaglagyan ng implant
Maliban sa rigorous exercise ang pagbubuhat ng mabibigat gamit ang braso na pinaglagyan ng implant ay maaring maging dahilan ng paggalaw nito at iba pang side effects.
Source:
Plant Parenthood, Newsweek, BMJ Case Reports
Basahin:
What are the signs of a successful implantation?
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.