Nanay, inatake sa puso dahil hindi masagot ng anak ang math homework
Narito ang mga sintomas ng sakit sa puso at mga paraan kung paano maiiwasang magkaroon nito.
Inatake sa puso ang isang ina sa China matapos hindi masagot ng anak ang assignment niya. Ayon sa doktor na tumingin sa kaniya, mabuti nalang daw at naagapan ang kondisyon ng ina. Dahil kung hindi muntik na ito maging dahilan ng maagang pagkasawi niya.
Nanay na inatake sa puso
Na-frustrate ang 36-anyos na inang si Wang mula sa Hubei, China ng hindi masagot ng anak niyang Primary 3 student ang assignment nito. Ito ay matapos niyang ulit-ulitin na ng ilang beses ang math problem sa kaniyang anak.
Ang frustration niya ay nauwi na sa galit ngunit patuloy paring nagtimpi si Wang upang matulungan ang anak. Pero sa hindi inaasahan, bigla nalang daw naramdaman ni Wang na nagpalpitate ang puso niya at hindi na siya makahinga. Dito niya na tinawagan ang asawa niya na dinala agad siya sa ospital.
“I explained it to him many times but he still couldn’t get it. I was so angry that I could explode. Suddenly, my heart was palpitating and I couldn’t breathe properly.”
Ito ang pahayag ni Wang sa isang panayam.
Ayon sa doktor na tumingin kay Wang, siya ay nakaranas ng myocardial infarction o heart attack. Mabuti na nga lang daw at nadala siya agad sa ospital dahil kung hindi ito ay maaring nauwi sa heart failure na maari niyang ikasaw.
“She caught it in time. If there had been any delay, she could have suffered from heart failure.”
Ito ang pahayag ng doktor na tumingin kay Wang na si Yang Xiaoxue, isang specialist sa internal medicine.
Dagdag pa ni Dr. Xiaoxue, ang mga dahilan kung bakit inatake sa puso si Wang ay maaring dahil sa unhealthy diet at stress. Ito umano ang dalawang pangunahing dahilan kung bakit dumarami at mas bumabata ang nagkakaroon ng sakit sa puso ngayon.
Payo naman ng Hongkong-based psychologist na si Florence Huang ay dapat matutunan ng mga magulang na kontrolin ang emosyon sa kanilang mga anak. Dahil ito ay hindi lamang nakakaapekto sa kanilang kalusugan kung hindi patin narin sa anak nila.
Sintomas ng sakit sa puso
Maliban sa stress at unhealthy diet, ang ilan pang dahilan ng pagkakaroon ng sakit sa puso ay ang mga sumusunod:
- High blood pressure
- Diabetes
- Paninigarilyo
- Labis na pag-inom ng alak at kape
- Drug abuse
- Congenital heart defects
Samantala ang sintomas ng sakit sa puso ay iba-iba depende sa kung anong uri ng sakit sa puso mayroon ang isang tao. Pero ang ilan sa madalas na pangunahing sintomas ay ang sumusunod:
- Pananakit o paninikip ng dibdib
- Hirap sa paghinga
- Pamamanhid o panghihina ng binti o braso
- Pananakit ng leeg, panga, lalamunan, ibabang bahagi ng tiyan o likod
- Pagkahilo o pagkahimatay
- Mabilis mapagod
- Mabagal o mabilis na heartbeat
Kung makakaranas ng tatlo sa mga sintomas lalo na ang pananakit ng didbig, hirap sa paghinga at pagkahimatay ay mabuting magpunta sa doktor upang magpatingin. Ito ay upang malaman at maagapan ang tunay mong kalagayan. Dahil ang sakit sa puso na mapapabayaan ay maaring mauwi sa komplikasyon tulad ng sumusunod:
- Heart failure
- Heart attack
- Stroke
- Aneurysm
- Peripheral artery disease
- Sudden cardiac arrest
Paano maiiwasan?
Para naman maiwasan ang pagkakaroon ng sakit sa puso ay may ilang lifestyle changes kang maaring gawin. Ito ay ang sumusunod:
- Pagtigil sa paninigarilyo
- Pagkontro sa iba pang health conditions tulad ng high blood pressure, high cholesterol at diabees
- Pag-eexeercise ng hindi bababa sa 30 minituo araw-araw
- Pagkain ng mga pagkaing low in sold at saturated fat
- Iwasan o i-manage ang stress
- Panatilihin ang healthy weight
- I-praktis ang good hygiene
Huwag ng hintaying matulad ka sa nanay na inatake sa puso dahil sa frustration sa kaniyang anak. Iwasan ang mga dahilan ng pagkakaroon sa sakit sa puso o magpatingin na agad sa doktor kung nakakaranas na ng mga sintomas nito.
Source: AsiaOne, Mayo Clinic
Photo: Freepik
Basahin: Inakalang sintomas ng pagbubuntis ng isang ina, sakit sa puso na pala
- 8 sintomas ng sakit sa puso at mga dapat gawin para maiwasan ang sakit na ito
- Kakulangan ng oxygen ng sanggol, posibleng magdulot ng sakit sa puso pagtanda
- 8 rason kung bakit hindi sumusunod ang bata kahit paulit-ulit ng pinagsabihan
- Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."