Mas tipid nga ba kapag gumamit ng induction cooker kaysa gas stove?

Nagbabalak bumili ng induction cooker? Narito ang mga dapat mong malaman sa paggamit nito sa pagluluto ng pagkain para sa iyong pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Induction cooker vs gas stove, ano nga ba ang mas matipid at mas efficient gamitin sa pagluluto sa loob ng ating bahay.

Induction cooker vs gas stove

Ang paggamit ng induction cooker ang isa sa pinaka-bagong trend ng pagluluto sa ngayon. Marami na nga ang nag-shift na sa paggamit nito mula sa nakasanayan nating gas stoves. Ngunit ano nga ba ang pinagkaiba ng pagluluto sa induction cooker at gas stoves? Ano nga ba ang mas matipid at mas efficient na gamitin sa loob ng ating bahay?

Image from Electrolux

Paggamit ng induction cooker vs gas stove sa pagluluto

Para sa ating mga Pilipino, maliban sa pagluluto sa uling at kahoy, marami sa atin ang tumatangkilik sa pagluluto sa gas stoves. Una, dahil ito ay ang tested and proven na. Pangalawa, kahit nawawalan ng kuryente na madalas na nangyayari sa bansa ay nagagamit parin natin ito at nakakapagluto ng pagkain para sa ating mga pamilya.

Pero ayon sa mga cooking experts, pagdating sa efficiency at pagtitipid, lamang ang induction cooker vs gas stove. Ito ay dahil sa sumusunod na dahilan:

Mas madaling magluto sa induction cooker.

Kumpara sa pagluluto sa gas stove, mas madaling makapagluto ng pagkain sa induction cooker. Halimbawa, ang pagpapakulo ng tubig na inaabot ng 5 minuto sa gas stove ay kayang pakuluin ng 2 minuto sa induction cooker.

Hindi nagproproduce ng labis na init ang mga induction cooker.

Sa pagluluto gamit ang induction cooker, ang init ay dumederetso sa ginamit na cooker vessel o kaserola sa pagluluto. Ayon sa mga cooking experts, ang mga pagkaing niluluto sa induction cooker ay nakakatanggap ng 90% ng heat na gine-generate ng induction cooker. Kaya naman walang nasasayang na init sa pagluluto sa induction cooker. Kumpara sa gas stove na 40-55% lang ng heat ang napupunta sa pagkaing niluluto.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ganitong paraan ay nababawasan ang init sa loob ng kitchen o bahay sa tuwing nagluluto. Naiiwasan rin ang paso at accidental fires dahil walang open flame o apoy na lumalabas rito.

Ngunit, hindi tulad ng mga gas stove, ang init sa induction cooker ay hindi mo agad basta-basta ma-adjust. Kailangan mo pang mag-hintay upang bumaba o mag-cool down ang temperature nito.

Mas ligtas gumamit at magluto sa induction cooker.

Ang mga gas stoves para gumana ay kailangang kabitan pa ng LPG o gas na kailangang i-assemble ng tama. Dahil kung hindi ito ay maaring mag-leak na hindi lang masakit sa ulo ang amoy. Ito rin ay lubhang delikado na maaring makasama sa kalusugan o kaya naman mauwi sa nakakatakot na aksidente.

Hindi ito tulad ng induction cooker na kailangan mo lang isaksak sa electric plug para magamit at wala ka na kailangang i-assemble pa. Maapektuhan nga lang ang pagluluto mo sa induction cooker kapag nawalan ng kuryente. Dahil hindi mo na ito magagamit at hindi ka na makakapagluto ng pagkain para sa iyong pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Madali itong linisin.

Dahil sa ang induction cooker ay gawa sa glass-ceramic surface, mas madali itong linisin. Ang kailangan mo lang ay isang tela o cloth upang mapunasan ito. Hindi tulad ng gas stoves na kailangan mong isa-isahin ang mga burners upang tanggalin ang mga nasunog o nalaglag na pagkain rito.

Mas makakatipid sa katagalan sa paggamit ng indcuction cooker.

Bagamat may kamahalan ang induction cooker kung bibilhin, sa pagdaan ng mga buwan habang gumagamit nito ay mapapansin mong mas makakatipid ka rito kumpara sa gas stove. Ito ay dahil hindi mo na kailangan pang bumili ng gas buwan-buwan.

Ngunit may isa ka pang dapat paghandaan sa paggamit ng induction cooker. Ito ay ang mga cook wares na iyong gagamitin. Dahil ang induction cooker ay nag-rerely sa electromagnetism. Kaya naman ang mga pots na may magnetic bottoms lang tulad ng gawa sa steel at iron ang maaring gamitin rito. Ito lang din kasi ang mga cook wares na mas madaling pag-transferan ng heat na ginagamit na pangluto ng induction cooker. Pero hindi naman dapat mag-alala, dahil maraming induction-friendly cook wares na ang mabibili sa ngayon. Available na nga rin ang mga ito online. Pati na ang mga induction cookers na maari mong ma-order online at ma-deliver deretso sa inyong bahay.

Induction-friendly cookwares

Ilan nga sa mga induction-friendly cook wares na iyong mabibili online ay ang sumusunod:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaisa Villa 12 Piece Stainless Steel Induction Cookware Set P2,498.00

Available in Lazada

All-Clad Ha1 Hard Anodized Nonstick Cookware Set P23,997.00

Available in Lazada

JEETEE Die-cast Aluminum 2 Piece Non-Stick Cookware Set P5,308.00

Available in Lazada

BIGSPOON 3-pcs Cookware Set P3,160.00

Available in Lazada

Tramontina Solar 3 Piece Cookware Set P5,000.00

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Available in Lazada

Induction cookers na mabibili online

Imarflex IDX-3210C Induction Cooker Twin Plate P6,500.00

Available in Lazada

American Home Single Induction Cooker AIC-3700B P2,419.00

Available in Lazada

Kyowa KW-3635 Induction Stove P1,600.00

Available in Lazada

Philips HD4911 Induction Cooker P6,295.00

Available in Lazada

Electrolux EHED63CS 60cm Built-in Induction Hob P25,650.00

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Available in Lazada

 

Source:

PC Richard & Son, Reviewed, Induction Cook Top Expert

Basahin:

25 toaster oven recipes na mura at madali lang gawin