Ano nga ba ang dulot ng infected na ngipin sa isang bata? Alamin ang kwento ng isang ina tungkol sa kanyang anak na dumaan sa isang pagsubok dahil sa ngipin.
Muntik na niyang ikamatay ang hindi pagsipilyo
Ibinahagi ni Mommy Leah ang kaniyang kwento sa Facebook kamakailan lang.
“It all started with a TOOTHACHE. we never expected it to come to this. sa mga nanay jan na walang time mag asikaso ng mga anak nila please. Magbigay kayo ng time na alagaan sila wag kayod ng kayod para may pera at the expense of your children. Teach them to brush their teeth and take care of it.”
Ito ang mga salitang ibinahagi ni Leah Liza Duran, nang magkaroon ng sepsis, o impeksyon sa dugo ang anak niyang si Bryle dahil sa infected na ngipin.
“Muntik nang mawala ang aking anak“ aniya…
“I’m posting this to raise awareness to all the mothers, yes mothers out there kasi tayo talaga mga nanay ang responsible to teach our children to brush their teeth Eto nangyari sa anak ko nagka-sepsis siya dahil sa maga na ngipin which di ko inakala na napakadelikado pala. Nagkaroon sya ng kombulsyon dahil sa bacteria na napunta sa kanyang utak, galing sa nana.”
Dahil dito, madaliang hinatid ang bata sa ospital.
“Pagkarating sa hospital his heart beat was at 40 na, they needed to raise it so kailangan ng maraming gamot. With that nag septic shock na sya, nag susuka na ng dugo, maitim. I don’t have pictures of this kasi I know naiintindihan niyo how I felt that time. Nobody took pics of this nightmarish part of the event.”
Sinabi rin ng mga doktor kay Leah na may posibilidad na may pagdurugo sa utak ni Bryle dahil sa bacteria. Napakababa raw ng kaniyang blood pressure.
“Nag-bleed na ang tiyan niya pati lungs. He was in a coma for over 24 hours,” dagdag ni Leah.
Sa kabutihang palad, umayos din ang kondisyon ni Bryle, at bumabalik na ang kaniyang dating sigla.
“Sana maka-raise ng awareness ito sa nga busy moms diyan,”
Maraming salamat Leah, sa pamamahagi ng iyong kwento. Totoo nga, madalas pinapabayaan lang ng mga magulang ang ngipin ng kanilang mga batang anak. Sana ay magsilbi itong aral na huwag balewalain ang ngipin ng ating mga anak.
Ano ang sepsis?
Ang sepsis ay isang kundisyon kung saan kumakalat ang isang impeksyon sa dugo. Dahil dito, mabilis itong kumalat sa katawan. Ito ay nangyayari dahil pilit nilalabanan ng iyong katawan ang impeksyon. Dahil dito, naglalabas ng iba’t-ibang kemikal ang iyong katawan. Ngunit sa halip na makabuti, ito ay nagdudulot ng masamang epekto sa iyong katawan. Kung hindi maagapan, pwede itong ikamatay.
Ang sepsis ay tinatawag ring blood poisoning
Posible itong magdulot ng komplikasyon sa atay, puso, baga, utak, at pagkamatay. Sa buong mundo, mahigit-kumulang na 1/3 ng mga taong nagkakaroon ng sepsis ay namamatay. Sa mga gumaling mula sa kondisyong ito, madalas mayroong nananatiling masasamang epekto. Kasama na rito ang post-traumatic stress disorder (PTSD), chronic pain fatigue, organ dysfunction, at pagputol ng mga bahagi ng katawan, o amputation.
Kahit sino ay pwedeng magkaroon ng sepsis, pero mas tinatamaan ang mga sumusunod:
- Taong may mahinang immune system, o mga may HIV, AIDS, at leukemia
- Maliliit na bata
- Mga premature na sanggol
- Ang mga matatanda
- Mga gumagamit ng drugs na itinuturok sa katawan
- Mga hindi nag-aalaga ng ngipin
- Ang mga taong nagpa-ayos ng ngipin, o nagkaroon ng dental surgery
- Mga ginamitan ng catheter
- At mga nagtatrabaho sa ospital, o sa labas
Sintomas ng impeksyon o blood poisoning sa ngipin na hindi dapat balewalain
- Mataas na lagnat
- Mababang temperatura ng katawan
- Mabilis na pagtibok ng puso
- Mabilis na paghinga
- Pagsusuka at pagkahilo
Heto ang mga karaniwang bagay na nagdudulot ng sepsis
- Impeksyon sa katawan
- Kagat ng insekto na may impeksyon
- Infected na ngipin
- Sugat na nagkaroon ng bacterial infection
- Kidney infection o UTI
- Pneumonia
- Skin infection
Ang malalang sepsis ay nagdudulot ng matinding pinsala sa katawan
Sintomas sa pinsala ng katawan dahil sa impeksyon sa ngipin:
- Hindi madalas na pag-ihi
- Pagkalito
- Pagkahilo
- Nahihirapang huminga
- Pangingitim ng labi o mga daliri
- Pagbaba ng platelet count
Kadalasan ring mababa ang blood pressure ng mga taong may sepsis, at mababa rin ang kanilang platelet count.
Ano ang koneksyon ng sepsis sa infected na ngipin?
Ang pagkakaroon ng infected na ngipin ay posibleng maging sanhi ng sepsis dahil nakakabit ang ngipin sa mga blood vessels. Kapag nagkaroon ng impeksyon ang ngipin, ay posibleng kumalat ito sa buong katawan.
Ang infected na ngipin ay posibleng magkaroon ng nana, na mayroong bacteria. At dahil dito, posibleng magkaroon ng sepsis.
Heto ang ilan sa mga sintomas ng impeksyon sa bibig:
- Bad breath
- Mapait na panlasa sa bibig
- Lagnat
- Pananakit
- Pagiging sensitibo ng ngipin sa init o lamig
- Pamamaga ng gilagid
- Pamamaga ng panga
- Namamagang leeg
Anong gamot sa sakit ng ngipin ng bata
Ang madalas na pagsesepilyo ang pangunahing paraan upang makaiwas magkaroon ng infected na ngipin. Ngunit kung hindi na talaga mapigilan ang pagsakit ng ngipin ng anak mo, maaari kang bumili ng painkiller para sa kanyang edad. Katulad ng ibuprofen at acetaminophen.
Home remedy: Anong gamot sa sakit ng ngipin ng bata?
- Cold compress
- Peppermint tea
- Garlic
- Saltwater mouthwash
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Basahin:
Preeclampsia at iba pang panganib sa panganganak
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.