Mayroon umanong matibay na ugnayan ang genetics at ang infidelity. Ito ay ayon sa pag-aaral na isinagawa sa mga kambal kung saan ay nagpakita ng strong evidence na nag-uugnay sa genes at pangangaliwa.
Genetics may kinalaman sa pangangaliwa o infidelity?
Ayon sa artikulo ni Dr. Madeleine A. Fugere, ng Psychology Today na may pamagat na, “The Surprisingly Strong Link Between Genetics and Infidelity,” may mga pag-aaral umano na isinagawa upang mapatunayan kung may kinalaman ba ang genes sa infidelity o pangangaliwa.
Larawan mula sa Shutterstock
Sa isang pag-aaral na isinagawa nina Cherkas etal. Noong 2004, pinag-aralan ng mga mananaliksik ang mahigit 1,600 pares ng kambal na babae at ang kanilang responses sa anonymous survey na nag-aassess sa infidelity, lifetime numer ng sexual partners at attitudes tungo sa infidelity.
Ang mga respondent sa nasabing research ay binubuo ng identical twins at fraternal twins. Napag-alaman nina Cherkas na 21% ng mga identical twins ang parehong naging unfaithful sa kanilang partners. Habang 23% naman ng fraternal twins ang nag-commit ng infidelity.
Larawan mula sa Shutterstock
Sa resulta ng pag-aaral, mas mataas ang concordance rate ng mga identical twins kaysa sa fraternal twins.
Ibig sabihin nito, ang mga identical twins ay approximately one-and-a-half times na posibleng maging unfaithful kung ang kanilang kakambal ay naging unfaithful din, kompara sa mga fraternal twins.
Isang pag-aaral din ang isinagawa naman nina Zietsch et.al, kung saan ay respondent ang 7,000 Finnish twins. Sa sample na ito, ang concordance rates ay tulad din ng sa nauna. Kung saan ay mas mataas ang concordance rate ng identical twins kaysa sa fraternal twins. Nagpapakita ito na may genetic contributions talaga sa unfaithfulness.
Dagdag pa rito, ayon sa pag-aaral nina Zietsch et al., ang heritability estimates ay 63% para sa mga lalaki at 40% naman para sa mga babae. Nagsu-suggest ang datos na ito na ang variation sa infidelity sa mga lalaki ay dahil sa genetic factors. Samantala, malapit din ito sa resulta ng pag-aaral nina Cherkas. Kung saan ay nakita na mas malakas ang heritability estimate ng mga lalaki kaysa sa mga babae. Ibig sabihin, mas strong ang genetic basis ng infidelity sa mga lalaki kaysa sa mga babae.
Larawan mula sa Shutterstock
Subalit, sa kabila ng resulta na ito ng dalawang pag-aaral. Kung saan ay napag-alaman na may koneksyon nga ang genes sa pangangaliwa. Hindi naman naging successful ang attempt ng mga researcher na i-assess kung anong specific o particular genes ang associated sa pagiging unfaithful.
Speculations ng researchers na ang genes na related sa risk-taking o sensation-seeking ang maaaring related din sa infidelity.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!