May kasabihan tayong “kung ano ang puno, siya ang bunga.” Maaaring namana natin ang mga mannerism at hilig sa ating mga magulang pero paano ang mga hindi kaayang-ayang ugali, tulad ng pagsisinungaling o pangangaliwa?
Namamana nga ba ang pakikiapid? Oo, ayon sa isang pagsusuri ng mga researcher sa University of Queensland. Ang pagkakaroon ng affair, ayon sa kanila, ay puedeng maipasa sa genes ng magulang sa anak.
Na-identify nila ang natatanging gene na nagdudulot ng mas mataas na posibilidad na magkaroon ng iba ang isang babae.
Ayon kay Dr. Brendan Zietsch, ang lider ng study, ipinapakita ng research nila na ang genetic makeup ng mga tao ay nagiimpluwensiya sa posibilidad na makapagtalik siya sa hind niya asawa.
Sa interview niya sa Telegraph UK, sinabi niyang mahirap i-isolate ang mga genes dahil marami sila at iba’t iba ang dinudulot nilang pag-uugali.
Ipinapakita ng research nila na ang genetic makeup ng mga tao ay nagiimpluwensiya sa posibilidad na makapagtalik siya sa hind niya asawa
Inexamine nila ang 7,300 na kambal, edad 18 hanggang 49, lahat ay nasa isang long-term relationship.
9.8% ng mga lalaki at 6.4% ng mga babae ay nagkaroon ng 2 o higit pa sa dalawang sexual partners sa loob ng isang taon.
Dahil pareho ang genes ng mga kambal, ginamit nila ang genetic modeling para ikumpara kung namamana nga ba ito. 63% ng pagiging unfaithful sa mga lalaki ay namana daw at 40% naman ng mga babae.
Mas mataas daw ang chance ng babae na makiapid, isang bagay na ikinagulat nila. Sinusuportahan din ito ng isang study mula sa Finland, ayon sa Medical Daily. Dahil daw ito sa gene na AVPRIA, na nagpo-produce ng arginine vasopressin na nagre-regulate ng social behavior.
Ikinlaro ni Dr. Zietsch na mas malalim na pagsusuri pa ang kailangan nila upang makumpirma ang mga nakita nila.
Hindi pa nila matukoy ang scientific basis ng pangangaliwa ng mga lalaki at babae pero naniniwala sila, base sa nakalipas na studies, na nangangaliwa ang lalaki dahil madalas my “subconscious need” sila na magkaroon ng maraming anak.
READ: ‘Once a cheater always a cheater’: Why infidelity happens more than once, according to science
Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!