Isinawalat ng singer at actor na si Inigo Pascual na nakaranas siya ng bullying dahil sa mga hindi naniwalang father niya si Piolo Pascual. Napagkwentuhan din sa vlog ni Dr. Vicki Belo ang relasyon nila bilang mag-ama.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Inigo Pascual nakaranas ng bullying
- Inigo Pascual nasaktan nang pagdudahang totoong father niya si Piolo
- Tips upang maging close sa iyong anak
Inigo Pascual nakaranas ng bullying
Sa kauna-unahang pagkakataon ay naging guest sa YouTube channel ni Dr. Vicki Belo ang singer at actor na si Inigo Pascual.
Sa vlog na ito, ibinahagi ni Inigo ang iba’t ibang karanasan niya ngayon sa pakikipagtrabaho kasama ang mga Hollywood actors sa kinabibilangan nitong musical drama na pinamagatang ‘Monarch’.
Dagdag pa ni Inigo hanggang ngayon daw ay nagugulat pa rin siyang makakatrabaho niya ang ilang award winning na aktor at aktres.
Nagkakaroon pa nga raw ng pagkakataong nagkakaroon siya ng stage fright pero natutulungan naman siya ng ibang cast na malabanan ito. Malaking tulong din sa trabaho niya ang pagiging singer dahil musical ang project.
Pagbabahagi pa ni Inigo, madalas daw pakiramdam niya na magkasing-edad lamang sila ng tatay niyang si Piolo Pascual sa tuwing nagbo-bonding silang dalawa. Para lang daw kasing magkaibigan ang turingan nilang dalawa dahil sa halos kaibigan na rin nila ang kaibigan ng isa’t isa.
“My friends are his friends and his friends are my friends.”
“People don’t see us like we are father and son. They see us like kind of the same age because we hang out with the same group of people.”
Nasingit din sa kuwentuhan ang mga unang panahon ng aktor sa pagpasok nito sa showbiz. Sa early beginnings daw ni Inigo hindi naiiwasang ikumpara siya kay Piolo Pascual.
Dahil daw ito sa pagkakaroon ng ama ng maraming achievements at dahil sa kilala na sa kaniyang body of works tulad ng mga sikat na movies at teleserye.
Inigo Pascual nasaktan nang pagdudahang totoong father niya si Piolo
Isa sa mga masasakit na naranasan daw ni Inigo ay ang pagdudahang totoong father niya si Piolo Pascual.
Pagkukwento niya, noong nag-aaral daw siya ay hindi siya nakaiwas sa bullying mula sa mga kaklase at kahit principal nito na anak siya ng tinaguriang matinee idol noon. Hindi raw kasi magkamukha ang dalawa kaya raw malabong maging mag-ama sila.
Screenshot mula sa vlog ni Dr. Vicki Belo
“I was bullied. I was bullied in elementary because some teachers or some students would say, ‘You can’t invite your dad naman probably he isn’t your dad.”
May mga pagkakataon pa nga raw na para lamang mapatunayang anak talaga siya ni Piolo Pascual ay pinipilit itong dalhin ang ama sa eskuwelahan.
“It almost felt like I was obliged. I feel like I had to bring my dad just to prove that he was my dad.”
Sa kabila raw nito ay marami pa rin siyang na-appreciate na bagay na ginagawa ng kanyang ama sa kaniya. Hindi raw nito nakakalimutang makipag-bonding sa kanya sa kabila ng kaliwa’t kanang schedule nito lalo noong sunod-sunod pa ang projects nito.
Nagkakaroon daw sila ng time together sa pamamagitan ng pag-alis nila sa bansa o trip kung saan mang lugar. Hindi rin daw naramdaman ng aktor na naging ‘absent dad’ si Piolo sa kanya,
“The thing that I really appreciate about my dad is that he always made time for me.
He always made sure na in between of his busy schedules we would hang out, we would do a lot of things together. We go out of town, we go out of the country and I never felt like he was absent from my life.”
BASAHIN:
5 Ways fathers can teach their children about healthy relationships
The Age of (Cyber) Bullying: How can parent’s protect their children from cyber bullying
Angel Locsin on her father: “Kalahati sa Pilipinas alam ‘yong mukha ko pero tatay ko hindi ako nakikita”
Tips upang maging close sa iyong anak
Maraming netizens at fans ang humahanga sa relasyon ng dalawang mag-amang Piolo Pascual at Inigo Pascual dahil sa kakaibang closeness ng dalawa na para bang magkaibigan ang turingan. Para sa parents na nais ng ganitong bonding with their kids, narito ang ilang tips na maaaring subukan:
- Samahan ang anak sa bawat meal nila upang magkaroon kayo ng pag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay.
- Makisama sa mga bagay na trip at nagugustuhan niyang gawin upang magkaroon ng time together.
- Mag-open up ng ilang mga bagay upang maramdaman niyang pinagkakatiwalaan mo siya sa iyong emosyon.
- Magplano ng vacation o kahit anong gala na kayo lamang ang magkasama.
- Iwasang bumuo ng malaking boundaries sa relasyon ng pagiging magulang at anak.
- Sumabay at makipagtawanan sa mga biro na sinasabi niya.
- Matutong pakinggan ang mga hinaing at binubukas niya kaysa sa sermunan siya patungkol dito.
- Huwag kalimutan ang healthy communication sa isa’t isa.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!