TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Inigo Pascual na-bully dahil pinagdudahang totoong anak siya ni Piolo Pascual

4 min read
Inigo Pascual na-bully dahil pinagdudahang totoong anak siya ni Piolo Pascual

Sa kabilang ng pagiging busy, sinisigurado ni Piolo Pascual na magkakaroon siya ng oras para kay Inigo.

Isinawalat ng singer at actor na si Inigo Pascual na nakaranas siya ng bullying dahil sa mga hindi naniwalang father niya si Piolo Pascual. Napagkwentuhan din sa vlog ni Dr. Vicki Belo ang relasyon nila bilang mag-ama.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Inigo Pascual nakaranas ng bullying
  • Inigo Pascual nasaktan nang pagdudahang totoong father niya si Piolo
  • Tips upang maging close sa iyong anak

Inigo Pascual nakaranas ng bullying

inigo pascual father

Sa kauna-unahang pagkakataon ay naging guest sa YouTube channel ni Dr. Vicki Belo ang singer at actor na si Inigo Pascual.

Sa vlog na ito, ibinahagi ni Inigo ang iba’t ibang karanasan niya ngayon sa pakikipagtrabaho kasama ang mga Hollywood actors sa kinabibilangan nitong musical drama na pinamagatang ‘Monarch’.

Dagdag pa ni Inigo hanggang ngayon daw ay nagugulat pa rin siyang makakatrabaho niya ang ilang award winning na aktor at aktres.

Nagkakaroon pa nga raw ng pagkakataong nagkakaroon siya ng stage fright pero natutulungan naman siya ng ibang cast na malabanan ito. Malaking tulong din sa trabaho niya ang pagiging singer dahil musical ang project.

Pagbabahagi pa ni Inigo, madalas daw pakiramdam niya na magkasing-edad lamang sila ng tatay niyang si Piolo Pascual sa tuwing nagbo-bonding silang dalawa. Para lang daw kasing magkaibigan ang turingan nilang dalawa dahil sa halos kaibigan na rin nila ang kaibigan ng isa’t isa.

“My friends are his friends and his friends are my friends.”

“People don’t see us like we are father and son. They see us like kind of the same age because we hang out with the same group of people.”

Nasingit din sa kuwentuhan ang mga unang panahon ng aktor sa pagpasok nito sa showbiz. Sa early beginnings daw ni Inigo hindi naiiwasang ikumpara siya kay Piolo Pascual.

Dahil daw ito sa pagkakaroon ng ama ng maraming achievements at dahil sa kilala na sa kaniyang body of works tulad ng mga sikat na movies at teleserye.

Inigo Pascual nasaktan nang pagdudahang totoong father niya si Piolo

Isa sa mga masasakit na naranasan daw ni Inigo ay ang pagdudahang totoong father niya si Piolo Pascual.

Pagkukwento niya, noong nag-aaral daw siya ay hindi siya nakaiwas sa bullying mula sa mga kaklase at kahit principal nito na anak siya ng tinaguriang matinee idol noon. Hindi raw kasi magkamukha ang dalawa kaya raw malabong maging mag-ama sila.

inigo pascual

Screenshot mula sa vlog ni Dr. Vicki Belo

“I was bullied. I was bullied in elementary because some teachers or some students would say, ‘You can’t invite your dad naman probably he isn’t your dad.”

May mga pagkakataon pa nga raw na para lamang mapatunayang anak talaga siya ni Piolo Pascual ay pinipilit itong dalhin ang ama sa eskuwelahan.

“It almost felt like I was obliged. I feel like I had to bring my dad just to prove that he was my dad.”

Sa kabila raw nito ay marami pa rin siyang na-appreciate na bagay na ginagawa ng kanyang ama sa kaniya. Hindi raw nito nakakalimutang makipag-bonding sa kanya sa kabila ng kaliwa’t kanang schedule nito lalo noong sunod-sunod pa ang projects nito.

Nagkakaroon daw sila ng time together sa pamamagitan ng pag-alis nila sa bansa o trip kung saan mang lugar. Hindi rin daw naramdaman ng aktor na naging ‘absent dad’ si Piolo sa kanya,

“The thing that I really appreciate about my dad is that he always made time for me.

He always made sure na in between of his busy schedules we would hang out, we would do a lot of things together. We go out of town, we go out of the country and I never felt like he was absent from my life.”

BASAHIN:

5 Ways fathers can teach their children about healthy relationships

The Age of (Cyber) Bullying: How can parent’s protect their children from cyber bullying

Angel Locsin on her father: “Kalahati sa Pilipinas alam ‘yong mukha ko pero tatay ko hindi ako nakikita”

Inigo Pascual na-bully dahil pinagdudahang totoong anak siya ni Piolo Pascual

Tips upang maging close sa iyong anak

Maraming netizens at fans ang humahanga sa relasyon ng dalawang mag-amang Piolo Pascual at Inigo Pascual dahil sa kakaibang closeness ng dalawa na para bang magkaibigan ang turingan. Para sa parents na nais ng ganitong bonding with their kids, narito ang ilang tips na maaaring subukan:

  • Samahan ang anak sa bawat meal nila upang magkaroon kayo ng pag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay.
  • Makisama sa mga bagay na trip at nagugustuhan niyang gawin upang magkaroon ng time together.
  • Mag-open up ng ilang mga bagay upang maramdaman niyang pinagkakatiwalaan mo siya sa iyong emosyon.
  • Magplano ng vacation o kahit anong gala na kayo lamang ang magkasama.
  • Iwasang bumuo ng malaking boundaries sa relasyon ng pagiging magulang at anak.
  • Sumabay at makipagtawanan sa mga biro na sinasabi niya.
  • Matutong pakinggan ang mga hinaing at binubukas niya kaysa sa sermunan siya patungkol dito.
  • Huwag kalimutan ang healthy communication sa isa’t isa.

YouTube

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Inigo Pascual na-bully dahil pinagdudahang totoong anak siya ni Piolo Pascual
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko