Boses sa likod ng PAL in-flight announcements, mag-ina pala!

Kung ikaw ay tambay social media, malamang ay kilala mo na si Inka Magnaye, pero alam mo bang siya ang boses sa likod ng Philippine airlines voiceover? | Lead Image from Inka Magnaye's Instagram

Kung ikaw ay tambay sa TikTok, Instagram at Facebook, malamang ay kilala mo na si Inka Magnaye, pero alam mo bang siya ang boses sa likod ng Philippine airlines voiceover? At ang kwento niya, naging boses rin ng PAL in-flight ang kanyang nanay noong 90's.

Inka Magnaye of Philippine airlines voiceover

Trending ngayon sa social media ang announcer-voicetalent na si Inka Magnaye dahil sa voiceover videos nito. Mahigit 25 years na siya sa industriya ng voice over. Napakapagtrabaho na rin siya sa iba't-ibang field  katulad ng TV, radio, gaming, corporate, events, o NGO sa pamamagitan ng kanyang boses.

Image from Inka Magnaye Instagram

Nag-click naman sa netizens ang kanyang nakakamanghang boses dahil sa mga binabahagi nitong video. Narito ang kanyang sample:

Ngunit isang video ang talagang nag-click sa mga netizens. Ito ay ang voiceover niya kasama ang kanyang mommy na si Lindy Pellice habang sabay nilang sinasabi ang PAL In-sight.

Kung ikaw ay palaging nag-t-travel sa ibang bansa, malamang ay familiar ka na sa boses ng nasa Philippine Airlines at nagpapaalala ng iba't-ibang safety precautions.

Ang nasa likod ng boses na ito ay si Inka Magnaye.

Inka Magnaye philippine airlines voiceover | Image from Inka Instagram

Bahagi rin nito sa kanyang Instagram Account, isang memorable experience ang kanyang voiceover sa Philippine Airline. Ito ay dahil ang nanay nito ay nag voiceover rin sa PAL noong 90's! Nagulat pa nga ang client nito dahil magkalapit ang boses ng kayang nanay.

"Clients were amazed because out of a blind audition where several women sent in their samples. My voice was chosen, without knowing who I was or who my mom was, because I sounded the most like their brand. And it made sense because my mom was the sound of their brand, and I sound like my mom."

Panoorin ang kanilang video rito:

Dagdag pa ni Inka, hindi ito ang unang beses na nasa iisang client sila. May pagkakataon na ang boses niya at ng kanyang mom ay nasa iisang product.

"This isn’t the first time my mom and I have worked for the same clients, simply because our voices are so similar. For example, we’ve done work for skin care products where my mom’s voice was used for products aimed at older women. And my voice was used for the younger line. Same goes for banks and telcos."

Inka Magnaye philippine airlines voiceover | Image from Inka Magnaye's Instagram

Talaga namang nasa lahi nila ang voice acting! Ito ay dahil ang kanyang kapatid na si Renzo ay DJ rin ng 99.5 Play FM. Naging DJ rin si Inka ng nasabing radio station ng 8 years.

 

 

Source:

GMA News

BASAHIN:

Coleen Garcia buntis sa kaniyang first baby kay Billy Crawford!

Sinulat ni

Mach Marciano