Para sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ngayong 2019, inaanyayahan ng Intramuros museum ang lahat upang maglakbay sa kasaysayan. Mula 8:00 nang umaga hanggang 6:00 nang gabi, ilang museo sa Intramuros ang libre ang pagpasok. Mayroon ding iba’t ibang aktibidad tulad ng photo walks, freedom bazaar, short film festival at music festival.
Kanila ring ipinagdiriwang ang ika-40 taon ng Intramuros Administration. Sila ay nakipagtulungan sa Manila Bulletin at Ilustrados upang ihandog ang We Are Intramuros.
Mga museo
Fort Santiago, Rizal Shrine Imake History Fortress (8:00am – 6:00pm)
Naitayo nuong 1571 sa dating tinitirhan ni Rajah Soliman, ito ay itinuturing na isa sa pinakamatagal nang tanggulan. Naging punong-tanggapan narin ito ng iba’t ibang dayuhan sa buong kasaysayan ng Pilipinas.
Destileria Limtuaco Museum (9:00am – 6:00pm)
Ito ang museo nang pinakamatandang gawaan ng alak sa Pilipinas. Hanggang ngayon ay kanila paring naipapakita ang aktuwal na proseso ng paggawa ng rum at whisky. Nagaalok din sila ng pagtikim sa mga ito sa halagang PHP 100.
Bahay Tsinoy (1:00pm – 5:00pm)
Ipinapakita dito ang makulay na kasaysayan sa pagitan ng mga Tsina at Pilipinas. Ibinabahagi ang mga impluwensya mula pa sa pagdating ng mga Tsino bago pa man dumating ang mga Kastila.
Manila Cathedral (9:00am – 5:00pm)
Bukod sa pagpayag sa mga bisita na mag-ikot sa simbahan, magkakaroon din ng mga guided tours nang 10:00 nang umaga at 3:00 nang hapon. Sa pagiikot na ito, bukas sa publiko ang altar, crypt, pulpito, side chapels, choir loft at roof deck.
Museo de Intramuros (9:00am – 5:00pm)
Ang museo na nagbabahay sa koleksyon ng Intramuros Administration. Mula sa pagbukas nito nuong ika-29 ng Abril, ipinapakita na dito ang iba’t ibang imahe mula pa sa iba’t ibang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas.
Bagumbayan Lights & Sounds Museum (9:00am – 5:00pm)
Ipinapakita sa museo na ito ang kasaysayan ng Pilipinas habang binibigyang pansin ang kabayanihan ni Dr. Jose Rizal. Hindi man kasama sa libreng pagpasok, sila ay nagaalok ng 50% na discount para sa Araw ng Kalayaan.
Iba pang aktibidad para sa Araw ng Kalayaan
Libreng photowalk
Inaanyayahan ang mga mahihilig kumuha ng larawan na mag-photowalk sa kabuuhan ng Intramuros. Mula 9:00 ng umaga, magkikita-kita ang mga nais sumali sa Plaza Roma.
Car-free
Mula 9:00 nang umaga hanggang 6:00 nang gabi, walang sasakyan ang pinapahintulutang pumasok sa General Luna Street. Inaaanyayahan ang mga bisita na mag-lakad at suriin ang kasaysayan ng paligid. Maaari rin magdala ng sariling bisikleta o kaya naman ay umupa ng Bambkie para sa pag-iikot. Pinapayagan din ang mga nais magdala ng mga alaga upang isama sa paglalakad.
We Are Intramuros Freedom Bazaar
Halos 50 tindahan ng mga kagamitan sa sining ang makikita sa Plaza Roma, Intramuros mula 9:00 nang umaga hanggang 6:00 nang gabi. Libre ang pag-pasok dito at hindi kailangan magbayad para makapagtingin ng mga nais bilhin. Bukod sa kagamitan sa sining, mayroon ding mga libro, kagamitan sa bahay, at iba pa.
We Are Intramuros Short Film Festival
Ang Teatro sa Fort Santiago ay bukas para sa libreng panonood sa mga lumahok sa We Are Intramuros 24-hr Filmmaking Competition. Sa mga short film na ito, binibigyang pansin ang iba’t ibang kaugalian ng mga Pilipino. Kasama sa mga ito ang pagka-mapagpatuloy, pagpapahalaga sa pamilya, pagsusumikap, at kapamaraanan.
We Are Intramuros Music Festival
Mula 5:00 nang hapon hanggang 1:00 nang gabi, iba’t ibang lokal na musikero ang magtatanghal sa Puerta Real Gardens. Libre ang pagpasok para sa lahat ng gustong manood. Kabilang sa mga magtatanghal ang Orange and Lemons, Ang Bandang Shirley, Dropoutt & Rhyne, Kiyo & Allison Shore, at iba pa.
Source & photo: Intramuros Administration Facebook Page
Basahin: Grade 1 student, nagpakita ng pagmamahal sa bayan sa simpleng paraan
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!