Hindi inaasahang pangyayari ang naranasan ng isang couple sa kanila mismong kasal. Kasi naman, habang kinakasal ay bigla na lamang umulan nang malakas at nawalan ng kuryente sa venue. Pero hindi rin inaasahan ang nakatataba ng puso na reaksyon ng mga bisita kahit na inulan ang kasal ng bagong mag-asawa.
Couple na inulan ang kasal, nawalan pa ng kuryente sa venue!
Almost disaster ang inabot ng garden wedding ng couple na sina Dine at Justin Morilla. Matapos kasi nilang magpalitan ng “I Do!” ay bigla na lamang umulan nang malakas na may kasama pang malakas ding hangin.
Kwento ng wedding coordinator na si Zsarina Marie Sarmiento, one year and four months ago nang planado ang kasal. At wala umano silang ideya na uulan ng araw na iyon.
“As a head of the wedding, ang una kong inisip ay yung welfare ng mga tao. Hindi lang naman ‘yong guests e, pati ‘yong suppliers din,” kwento pa ng wedding coordinator sa interview ng ABS-CBN.
Ang problema pa ay nawalan na rin ng kuryente sa venue kaya maging ang lights and sound system ng mga ito ay naapektuhan.
Nagawa naman nilang mailipat sa isang indoor venue ang reception pero ang tanging ilaw lamang nila ay mga kandila.
Nairaos pa rin! Bagong-kasal laking pasasalamat sa mga bisita
Inulan man ang kasal at nawalan pa ng kuryente ay hindi inakala ng newly weds na magiging mas espesyal pa ang kanilang kasal. Dahil sa first dance nila bilang mag-asawa ay mismong mga bisita nila ang umawit para sa kanila.
Sa video na ipinost ng Luxury Wedding Content Creator na ibinahagi naman ng ABS-CBN News, makikita na sweet na nagsasayaw ang bagong kasal habang ang mga bisita mismo ng mga ito ang kumakanta. Sa kabila ng aberyang sinapit dahil sa lakas ng ulan at baha, nagawa pa ring pasayahin ng mga bisita ang bagong mag-asawa sa pamamagitan ng panghaharana.
“That was our first dance as a couple. That was not the original plan for the first dance. Supposedly we’ll have the Manila String Machine play the “Panalangin” song,” kwento ng groom.
Sabi naman ng bride, “Sobrang nakakataba ng puso ‘yung sumasayaw kayo tapos when you look around…you see people singing their hearts out. Sobrang saya namin and also, it affirmed us na tamang mga tao ‘yung inimbita namin sa kasal namin.”
Ayon sa groom, “More than the relief was the happiness and gratefulness to see them stay, despite the heavy rain.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!