Mababasa sa artikulong ito:
- Ang sakripisyo at pagmamahal ng ina na inuuna ang mga anak bago ang sarili nila.
- Ano ang hiling ng mga ina sa bawat miyembro ng pamilya.
Mga mommies, lagi bang ikaw ang nahuhuling matapos kumain sa inyong pamilya? Lagi bang ikaw ang nahuhuling nag-aayos ng iyong sarili sa tuwing may lakad kayo o aalis na? Lagi mo bang naririnig ang mga salitang: “Bakit ang bagal mo, Mommy? Bilisan mo!”
Well, mommy hindi ka nag-iisa!
Lahat ng mga ina sa mundo ay nakukuwestyon sa pagiging mabagal nila. Mula sa pag-aayos ng kanilang sarili, pagkain o pag-alis sa bahay. Pero walang nagtatanong kung bakit.
Ito ay dahil walang nakakapansin na tayong mga ina ang nag-aayos ng pangangailangan ng lahat na miyembro ng ating pamilya. Saka lang tayo nakakapag-ayos ng ating sarili, sa oras na tapos na nating maibigay ang kailangan ng ating mga anak at asawa.
Ang sakiripisyo na ito ng mga ina ay naipaalala kamakailan lang ng isang Facebook post mula sa Singapore-base mom na si Christine Koh. Sa pamamagitan ng isang heartwarming at emotional write-up ay ina-elaborate ng mom-of-two na si Koh ang unfair treatment na ito na natatanggap nating mga ina.
Hindi maintindihan ng mister kung bakit laging mabagal kumain ang misis niya.
Photo by Kamaji Ogino from Pexels
Sa pamamagitan ng isang viral Facebook post ay ibinahagi ni Koh ang isang insidente na nasaksihan niya na pumukaw ng kaniyang atensyon. Ito ay ang eksena sa food court ng isang lalaking galit na tinanong ang kaniyang misis kung bakit mabagal itong kumain.
Ang lalaking hindi maintindihan kung bakit mabagal kumain ang asawa niya, noon ay may kargang baby sa kanang kamay niya at may hawak na toddler naman sa kaniyang kaliwa.
Noong hindi sumasagot ang kaniyang misis sa mabagal nitong pagkain ay biglang umalis ang galit na lalaki kasama ang mga anak niya. Iniwan niya ang kaniyang misis na kumakaing mag-isa na makikitang may lungkot sa kaniyang mga mata.
Bakit laging mabagal ang mga ina? Dahil ang mga ina, inuuna ang mga anak bago ang sarili nila
Ang insidente, ayon kay Koh ay labis na nagpalungkot sa kaniya. Ito ay nagpaalala rin sa mga pagkakataon na siya ang laging nahuhuling maghanda sa tuwing aalis silang buong pamilya. Pahayag ni Kog sa kaniyang Facebook post,
“I felt so bad that I asked my 2 little apples if they ever wondered why a mother will always be the last one to leave the house and the last one to finish eating when both the hubby and kids are already done with it.”
Bakit siya lagi ang pinakamabagal? Ito ang mga sagot ni Koh.
1. Bago unahin o asikasuhin ang kaniyang sarili ay inuuna niya muna ang kailangan ng kaniyang buong pamilya.
Ayon kay Koh, habang naghihintay ang kaniyang pamilya sa labas ng kanilang bahay, siya ay hindi pa tapos sa pag-iimpake ng mga dadalhin nila. Siya nga umano ay hindi pa naka-makeup o naka-bihis ng pang-alis niyang damit na madalas niyang ginagawa sa loob ng 10 minuto lamang. Habang ang pag-aayos ng mga kailangan ng mga anak at asawa niya ay inaabot siya ng isang oras sa paghahanda.
“I usually neither dress up nor make up. I actually spend about an average of 10 mins on getting myself ready. But an hour to get both my kids ready, including packing for them and my hubby.”
Ito ang pahayag ni Koh sa kaniyang Facebook post.
BASAHIN:
STUDY: Mga batang mahilig sa gadgets, maaaring magkaroon ng eating disorder
Paano mo sasabihin sa iyong asawa na tumulong sa gastusin sa bahay?
Food photo created by tirachardz – www.freepik.com
2. Pagdating sa pagkain bago ang sarili niya, sinisiguro ng ina na nakakain na muna ang mga anak niya.
Bakit mabagal kumain ang mga ina? Ang sagot ni Koh, ito ay dahil bago pa man ang sarili niya, inuuna na muna niya ang kaniyang mga anak. Sinisiguro niya na sila ay busog at nakakakain na ng maayos. Sa oras na sila ay tapos na, doon pa lang siya magkakaroon ng oras para sumubo at kumain na.
“A mother is also usually the one who will subconsciously take the initiative to take on the role of feeding the kids so as to make sure all her love ones are fed first before herself.”
3. Ang mga ina inuuna ang mga anak at pamilya bago ang sarili nila.
Bakit mabagal ang mga ina? Sagot ni Koh, isa lang ang dahilan. Ito ay ang labis na pagmamahal nila sa kanilang pamilya na laging ang kapakanan ng mga ito ang inuuna nila. Pagbabahagi ni Koh,
“The reason why mothers are always the slowest is because we love our family so much that we will never put ourselves before our family.”
Kaya pakiusap ni Koh sa mga haligi ng tahanan o mga ama, unawain ang mga misis nila. Kung sila ay mabagal ay intindihin sila. Sapagkat ang ginagawa nilang ito ay isang uri ng pagmamahal na tanging ang isang ina o asawa lang ang makakagawa.
Reaksyon ng mga ina
People photo created by jcomp – www.freepik.com
Ang post ni Koh na ito ay sinang-ayunan ng iba pang mga ina.
“I totally can relate to every point you stated.” Ito ang pahayag ng inang si Karen.
Habang ayon naman sa inang si Zhaoyuan Pchn, nakakalungkot na hanggang ngayon ay tila iniisip pa rin ng mga lalaki na hindi nila responsibilidad ang pag-aalaga sa mga anak nila.
Lalo pa’t sinasabi na makikita nga umano kung gaano kabuting ama ang isang lalaki sa itsura ng asawa nila kahit may anak na.
“I think it’s sad that a lot of men today still behave as if their kids are not their responsibility. As I always say to other women, you can tell how good/bad a husband is by observing the wife’s transformation after having kids.” pagbabahagi ni Pchn.
Kaya naman pakiusap nila sa bawat miyemro ng pamilya, kung nakikita ninyong nahihirapan ang isang ina ay tulungan sila. Kung ikaw ay ang mister, ay hatiin ang gawaing-bahay sa pagitan ninyong mag-asawa ng pantay. Higit sa lahat ay laging iparamdam sa kaniya ang iyong pagmamahal at suporta.
Source:
Orihinal na inilathala sa the Asianparent Singapore, at isinalin sa wikang Filipino ni Irish Mae Manlapaz.