Lubog ang nipple ko makakapagpa-breastfeed ba ako? Paano ba to? Eh gustong gusto ko magpabreastfeed.
Inverted nipples story: Makakapag-breastfeed pa ba ako kay baby kahit mayroon akong “inverted nipples”?
YES NA YES MOMMY!
Nais kong ibahagi ang aking journey sa pagbe-breastfeed sa aking baby kahit na ako’y may inverted nipples. Noong dalaga pa lamang ako napansin ko lubog ang nipples ko. Naiisip ko nga that time, paano na kapag nanganak ako? Pagdedehin ko na lang ba sa bote ang anak ko?
Pero sabi ko nga noong mga oras na iyon, its too early to think pa. Pero hindi ko inaasahan noon nang magkaanak kami ng asawa ko na dating boyfriend ko noong mga panahon na iyon.
Inverted nipples story | Larawan mula sa Freepik
Sinabihan niya ako na gusto niya na breastded ang baby namin. Bukod umano sa makakatipid, mas maraming benepisyo sa kalusugan ni baby ang breast milk. Saka nalaman niya rin ito sa mga kapatid niyang babae na nagbe-breastfeed sa kanilang mga anak.
Kaya naman na-pressure ako that time. Tinanong ko siya, “Paano? Lubong ang nipples ko?” Sabi naman niya siguro may paraan pa naman. Kaya naman habang buntis pa lamang ako nag-research talaga ako patungkol sa pag-breastfeed sa mga nanay na katulad ko na inverted ang nipples.
Mga paghihirap na pinagdaanan ko
First na nabasa ko. Ipa-suck kay hubby para lumabas ang nipples. Pero ngayon ko lang nalaman na hindi pala maganda ito dahil maaari itong maging cause ng early labour. Buti na lamang hindi ito nangyari sa akin.
Nang ipinanganak ko ang anak ko napansin ng mga nurse na inverted nipple ako. Kaya naman sinabi nila sa doktor ang kundisyon ko. Mabuti na lamang sa pinag-anakan ko na ospital ay breast feeding advocate sila. Kaya naman tinulungan nila ako.
Sinubukan nila ang syringe method sa akin. Iniipit ang syringe pagtapos nilang gupitin ang dulo, iyon ang ginagamit nila upang i-pump ang nipples ko para lumabas. Mahirap ang pinagdaanan kong iyon.
Larawan mula sa Freepik
Ilang minuto lamang kapag pinapadede ko ang anak ko ay bumabalik na ulit sa dati ang nipples ko, lulubog ulit. Kaya naman marami talaga akong pinagdaanang paghihirap lalo na nung umuwi na ako.
Hirap akong magpapadede bukod sa masaki, lumulubog ang nipples ko. Minsan nga ay akala ko hindi makadede ang anak ko. Kaya naman kinokonsidera ko na talaga noon na i-bottle fed na lang ang baby ko kasi that time, ayaw dumede ng anak ko sa akin. Iyak ako ng iyak noong mga panahong iyon.
Huwag dapat sumuko
Pero determinado ako na padedehin ang anak ko sa akin. Kaya naman hindi ako tumigil sa pagre-research kung paano ba ang dapat kong gawin. Isang group ang nakatulong sa akin noon. Ang group ay patungkol sa breastfeeding advocate group.
Marami ang natutunan sa group na iyon. Kaya naman nag-search ako ng mg articles patungkol doon. Mahirap kasi talaga ang magpadede kung ikaw ay may inverted nipples. Kinakailanga ng extra effort para mapadede si baby.
May mga time na nagsusugat na ang nipples ko kasi unti-unting nababanat ito, dahil unti-unti ring lumabas. Mayroong time na gusto ko nang sumuko kasi gagaling saglit ung sugat tapos magsusugat na naman.
Larawan mula sa Freepik
Makalipas ang ilang buwan, lumabas na ang nipples ko. Kaya naman na-breastfeed ko ang aking baby boy ng halos dalawang taon. Gusto ko sana siyang i-breastfeed pa hangga’t makakaya pero nagkaroon ako ng impeksyon noon. Kaya tumigil ako.
Nakakamiss din talaga ang feeding time namin noon. Napaka-worth it ng hirap ko noon. Bukod sa hindi sakitin ang anak ko, napakabibo niya. Magkasakit man siya mabilis lamang siyang gumaling
Hindi rin ako nagkakaproblema sa kaniya sa pagkain kasi hindi siya picky eater. Mas gusto pa nga niya ang mga gulay at prutas kaysa sa mga matatamis na pagkain.
Mensahe ko sa inyo mga mommy
Kaya sa mga mommy diyan na may inverted nipples katulad ko. Kung talagang determinado kayo na mapa-breastfeed si baby hindi hadlang ang pagkakaroon ng inverted nipples.
Nasa atin din ang paraan at effort. Para naman sa mga daddy natin, suporta at kailangan ni moomy kaya naman ibigay natin ito. Suwerte ako kasi ang aking asawa ay napaka-supportive sa pag-breastfeed ko sa aming anak.
Tips sa pag-breastfeed kay baby kapag may inverted nipples ka
- Do the syringe method. Search natin sa google andun iyon. Pero mas mainam pa rin na tanungin ang inyong doktor.
- Do the sandwich hold. Hindi lang po ‘yung nipple ang dapat isuck ni baby pati ung buong areola ng breast natin. Search niyo po ulit.
- DETERMINATION. Sabi nga nila ang pagpapa-breastfeed ay 10% milk production 90% determination.
- SA HUSBAND/PARTNER, FAMILY AND RELATIVES . “SUPPORT” isa ito sa pinakamalaking factor na nakakaapekto sa breastfeeding journey ng isang nanay.
Para naman sa mga mommy na nag-i-struggle pa rin sa pagpapa-breastfeed kahit ‘di inverted nipples. Kung ako nga na inverted nipples nakaya ko. Kayo pa kaya? Kayang-kaya niyo ‘yan mga mommies para sa kay baby!
Happy Breastfeeding Mommies!
Share your stories with us! Be a contributor at theAsianparent Philippines, i-click here