IRR ng Extended Maternity Leave Law sa Pilipinas napirmahan na!
Ito ang magandang balitang handog ng DOLE kasama ang iba pang ahensya ng gobyerno sa Labor Day, May 1 para sa manggagawang babae.
IRR ng Expanded Maternity Leave Law, pirmado na
Kahapon, kasabay ng selebrasyon ng Araw ng Manggagawa ay napirmahan na ang Implementing Rules and Regulations o IRR ng Expanded Maternity Leave Law sa Pilipinas o Republic Act 11210.
Ito ay isinagawa sa pamumuno nina Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III, Civil Service Commission Chairperson Alicia Dela Rosa Bala at Social Security System President Aurora Ignacio.
Kaya naman paglipas ng 15 days mula kahapon ay masisimulan ng maggamit ng mga babaeng manggawa ang mga prebilihiyo mula sa bagong batas.
Ano ang mga nasa loob ng IRR?
Sa ilalim ng IRR ng Expanded Maternity Leave Law, ay naging 105 ang dating 60 days na paid maternity leave ng mga kababaihan. May dagdag na 15 days din ito para sa mga solo mothers o sa mga babaeng walang asawa.
May option din ang mga new mothers na i-extend ng dagdag pang 15 hanggang 30 days ang kanilang maternity leave bagaman wala na itong bayad.
Ang requeast for extension ay dapat maipaalam sa kanilang employer, 45 days bago matapos ang paid maternity leave.
Ang dating 7 days naman na paid paternity leave ng mga lalaking asawa ay maari ring madagdagan ng hanggang 15 days. Ito ay sa pamamagitan ng 7 days leave na maaring mai-transfer sa kanila ng kanilang misis na manggagawa.
Ito ay para mas maalagaan ang kaniyang bagong panganak na asawa at sanggol ng mas matagal.
Samantala, para naman sa mga babaeng hindi kasal ay maari ding mai-transfer o maibahagi ang hanggang 15 days ng kaniyang leave sa isang relative o kamag-anak.
Ang kaso naman ng miscarriage o emergency termination ng pagbubuntis ay binibigyan din ng prebilihiyo sa ilalim ng IRR ng Extended Maternity Leave Law. Ang 60-day paid maternity leave ay maari rin nilang makuha.
Sa ilalim ng IRR ng Expanded Maternity Leave Law ay tinanggal narin ang pregnancy cap ng hanggang apat na pagbubuntis.
Sa bagong maternity leave law sa Pilipinas ay makakatanggap ng mga nasabing prebilihiyo ang isang babaeng manggawa sa lahat ng kaniyang pagbubuntis.
Kahit pa ang mga female workers na may pending administrative case ay dapat pa ring ma-enjoy ang mga benepisyo ng bagong batas.
Ang iba pang health care services para sa pre-natal delivery, postpartum at pregnancy-related conditions ay maari ring matamasa ng mga female workers sa ilalim naman ng existing rules and regulations ng PhilHealth o Philippine Health Insurance Corporation.
Ang mga babaeng manggagawa mula sa informal economy gaya ng market vendors o nagtratrabaho sa home-based industries ay makakatanggap rin ng mga benepisyo. Ito ay kung nakapaghulog sila ng at least three monthly contribution sa loob ng 12 month period bago ang kanilang panganganak, miscarriage o emergency termination ng pagbubuntis.
May parusa ang mga employer na lalabag sa bagong batas
Nakasaad rin sa IRR ng Extended Maternity Leave Law na walang employer mapa-private o public man ang dapat mag-discrimate sa employment ng isang babae para lang hindi siya makakuha ng mga benepisyo mula sa ilalim ng bagong batas.
Ang sinumang lalabag sa bagong batas ay mahaharap sa violation of RA 11219 na maaring magmulta na mula P20,000 hanggang sa P200,000. O kaya naman ay maaring makulong ng mula 6 to 12 years o parehong multa at pagkakakulong ang maaring harapin.
Matapos ang 15 days mula kahapon matapos napirmahan ang IRR ng Extended Maternity Leave Law ay maari ng matamasa ng mga babaeng manggawa ang mga benepisyo at prebilihiyo ng bagong batas.
Source: Manila Bulletin
Basahin: 8 facts tungkol sa Expanded Maternity Leave Law