Isabel Oli third baby, ipinasilip niya sa kanyang Instagram post. Kilalanin ang baby girl nila na si baby Lilla Forest Prats.
Isabel Oli third baby
Ibinahagi ni Mommy Isabel Oli sa kanyang Instagram ang picture ng kanilang third baby na si Lilia.
“A quick glimpse of my day to day life currently. Sleepless nights (which is a bit cray cray) + breastfeeding = happy baby & happy momma 🙋🏻♀️👶🏼 #WeAreThePratties#PrattyTV#5DaysOld”
Sa kanilang post ni John Prats, ipinahayag ng dalawa ang kanyang given name. Abangan din daw ang kanilang YouTube channel update tungkol sa pregnancy journey ni Isabel.
“My Forest 7•17•20. Malapit na kita mayakap.”
Isabel Oli and John Prats are baby number 3
Bago matapos ang March, excited na inanunsyo sa publiko ni Isabel Oli at John Prats ang kanilang paparating na baby number 3. Unang ipinakita ni Isabel ang kanyang baby bump sa Instagram. 25 weeks pa lang siya nito nang kanilang i-anunsyo.
“In the thick of what’s happening, don’t forget to still count your blessings. We happened to have one big blessing that we all would like to share to you. Hoping our news will bring smiles to your faces.”
At ngayong month ng July nga ipinanganak ni Isabel Oli ang kanilang 3rd baby ng asawang si John Prats.
“We will be welcoming another bundle of joy, Baby Pratty number 3 this JULY 2020!!! Our family is growing, and I can’t help but thank God even in the midst of this pandemic.”
Ayon kay Isabel, ang nararanasan natin ngayon ay isang pagsubok lamang na paniguradong malalagapsan natin. Humingi rin ito ng dagdag na tulong sa pagdadasal para sa health at kaligtasan nila ni baby.
“I know that despite these trying times, God is always in His best timing and is sovereign. So, help us welcome our little one and pray for a safe delivery as well.”
Bukod dito, hindi naman nalimutan ng aktres na magbigay ng paalala at encouragement sa ating mga kababayan ngayong nararanasan ang krisis sa bansa.
“Stay indoors. Praying for you all! This too shall pass. Cling on to God. Anchor your hope in HIM. Be blessed guys!!!”
Nagpost rin si John Prats sa kanyang Instagram kasama ang cute na cute nilang mga anak na sina Feather at Freedom at ang soon to be Baby Pratty!
“It used to be just the two of them. Soon, they will be 3!!!!”
Samantala, sa ginanap na ‘Pantawid ng Pag-ibig At Home Together Concert’ ng ABS-CBN, naghatid naman ng lubos na pasasalamat sina Isabel Oli at John Prats sa mga taong walang pagod na sumuporta sa mga kababayang nangangailangan ng tulong. Dagdag din nila na mas mabuti kung mananatili na lang muna sa kani-kanilang bahay upang maiwasan ang mahawaan ng virus. Isang prevention na rin ito para hindi tuluyang kumalat ang COVID-19 na kinakaharap natin ngayon.
Isabel Oli maternity shoot
Nagkaroon din si Isabel ng DIY maternity shoot sa kanilang garahe. Mayroon naman siyang very inspiring message para sa mga nangyayari ngayon.
“Versatility defines this garage. Aside from its main function, we also do our special gatherings here, parties and the likes. But during this day, it turned into a mini studio for my maternity shoot. Who would have thought? Doing the entire DIY photoshoot with my family made the experience more unforgettable.
Keep safe, friends! Continually praying this will all be over soon.”
That was a few months back. Still on the waiting game for our #babypratty3 #38Weeks #PreggyLiv
Isabel Oli and John Prats love story
Ikinasal noong May 16, 2015 sina Isabel Oli at John Prats sa Batangas. Matatandaan na nagpropose si John Prats kay Isabel Oli sa Eastwood via flashmob.
Ayon kay Isabel sobrang na surpised siya sa ginawang kakaibang proposal ni John Prats dahil wala siyang kaalam-alam na mangyayari ito.
Panoorin ang flashmob proposal ni John Prats ka Isabel Oli dito:
At ang kanilang first child na si Lilly Feather ay ipinanganak noong April 2016. Sinundan naman ito ng kanilang 2nd child na si Daniel Freedom noon lamang November 2018.
Basahin:
Congratulations! Ipinanganak na ni Bangs Garcia ang kaniyang pangalawang baby