Isang liham para sa malanding katrabaho ng aking asawa

Mahina siya. Wala nang ibang magpupuno ng kahinaan niyang iyon kung hindi ako lamang . Ang pagiging malapit ninyo sa isa’t isa nakakapagalala sa akin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Siguro sadyang mabait ka lang talaga. O kaya naman siguro palakaibigan. Nakakasiguro akong mabuti kang tao kaya naman nakikiusap ako sayo: Please lang! Lumayo ka!

Siya ang aking mister. Ako ang kaniyang misis.  Kami ang nararapat sa isa’t isa. Hindi namin binuo ang madaming taon ng pagmamahalan at pagsuporta sa isa’t isa at pagsasama bilang magasawa, para sirain mo nang ganun ganun na lang.

Maaaring siya ay may kahinaan at may mga pangangailangan, at siguro naisip mo na baka matugunan mo ang mga pangangailangang iyon, pero itago mo nalang iyan sa iyong sarili— dahil alam nating pareho, na kung may isang tao na dapat laging nasa nasa tabi niya, ako yon. Ako lang.

Ang pagiging malapit ninyo sa isa’t isa ang concern ko at ng mga malalalapit sa amin. Maiintindihan mo ang ibig kong sabihin kung ikaw ang nasa kalagayan ko, at sigurado ako, mababahala ka din. Kaya inuulit ko: Lumayo ka!

Alam ko kailangan ko pang maghanap ng patunay, pero minsan ang malakas na pakiramdam ng isang babae ay sapat na.

photo: dreamstime

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maaaring niloloko niyo ako ng aking asawa, maaaring hindi—sana nga hindi, at alam ko kailangan ko pa ng sapat na patunay. Pero isa lang ang sigurado ako, ang malakas na pakiramdam ng isang babae ay sapat na para malaman kung ang isang babae, na kagaya mo rin,  ay may ginagawang kakaiba. To be honest with you, hindi ako sumulat sayo dahil wala akong tiwala sa aking asawa, sa’yo ako walang tiwala.

photo from: dreamstime

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Sana alamin mo kung saan ka lulugar. Babae ka pa din, at alam ng Diyos na binigyan niya ang bawat isa sa atin ng pantay at patas na halaga.  

Mahalin mo at pahalagahan ang iyong sarili. Wag mong sayangin ang effort mo sa isang taong hindi kailanman mapapapasaiyo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Wag kang manira ng tahanan. Tandaan mo ito, hindi isang kagaya mo ang makakasira na kagaya mo ang makakasira sa aking pamilya. Pagmamahal, tiwala, pangarap at mabuting hangarin ang pinuhunan namin para mabuo ito. Tandaan mo ang mga sangkap na iyan, baka sakaling gusto mong bumuo nalang ng sarili mong pamilya.

*Ang bukas na liham na ito at ipinadala sa Asianparent Philippines ng isang ina, na piniling hindi na pangalanan.

Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement