Sa isang bagong pag-aaral ang nakatuklas ng isang rason kung bakit maaaring tumandang may maliit na utak ang isang bata. Ayon dito, ang pagpapabaya ng magulang sa bata ay sanhi ng maliit na utak sa pagtanda. Sa totoo ay nakitang maaaring maging masmaliit nang 8.6% ang utak ng mga ito.
Alamin ang natuklasan at implikasyon nito.
Bagong pag-aaral tungkol sa sanhi ng maliit na utak sa pagtanda
Ang pag-aaral ay isinagawa ng mga mananaliksik mula sa King’s College London. Pinangunahan ito ni Prof Edmund Sonuga-Barke. Kanilang sinundan ang mga ulilang nanirahan nuon sa mga “hellholes” na mga bahay ampunan sa Romania. Ang mga lumahok ay mga namalagi ng mula 2 linggo hanggang halos 4 na taon sa mga bahay ampunan na ito.
Natawag ni Sonuga-Barke na “hellholes” ang mga ito mula sa mga nakita niyang larawan ng mga bahay ampunan. Nakita niya na ang mga batang puro mga payat ay naka-kadena sa kanilang mga crib na madudumi. Sila ay inilayo sa mga tao, walang laruan, at kadalasang maraming kumakalat na sakit.
Sa mga dating pag-aaral, natuklasan na ang mga lumahok ay nararanasan parin ang bunga ng pag-tira sa mga “hellholes” na ito. Kahit sa pagtanda, sila ay nakakaranas ng problema sa kanilang mental health. Na-dokumento nito ang autism, attention deficit hyperactivity disorder (ADHD), at kawalan ng takot sa mga hindi kilala mula sa mga lumahok.
Ganunpaman, ang bagong pag-aaral ang unang gumamit ng brain scans. Ikinumpara ang resulta ng brain scans mula sa 67 na mula sa mga bahay ampunan na ito sa 21 ulila na hindi nakaranas ng deprivation sa murang edad. Ito ay nai-publish sa Proceedings of the National Academy of Sciences.
Ano ang natuklasan tungkol sa sanhi ng maliit na utak sa pagtanda?
Natuklasan ng bagong pag-aaral na ang utak ng mga mula sa hellholes ay mas maliit ang utak kumpara sa mga galing sa ibang bahay ampunan. Nakita na masmaliit ng nasa 8.6% ang kanilang mga utak. Dagdag pa dito, ang mga mastumagal pa ang pamamalagi sa hellholes ay masmalaki pa ang iniliit ng utak.
May nakita rin na mga pagkaka-iba ang istruktura ng tatlong bahagi ng utak sa dalawang grupo ng mga lumahok. Ayon sa isa sa mga mananaliksik na si Professor Mitul Metha, ang tatlong bahagi ng utak na ito ay maiuugnay sa organisasyon, motibasyon at pagsasama ng mga impormasyon at ala-ala. Ito raw ang nakikitang dahilan para sa mababang IQ at mas mataas na bilang ng mga may Attention deficit hyperactivity disorder (ADHD) sa kanilang pagtanda.
Pagpapabaya sa murang edad ang dahilan
Sa ngayon ay hindi pa maipaliwanag ng mga mananaliksik ang eksaktong dahilan kung bakit naaapektuhan ng buhay sa murang edad nang ganito ang utak. Kanila pang inaalam kung ano ang ugnayan ng maagang pagpapabaya at deprivation sa development ng utak.
Ganunpaman, naipapakita ng pag-aaral na mayroong malinaw na epekto ang mga ito sa nagde-develop na utak. Natuklasan na hindi lamang ang kakulangan sa sustansya ang may epekto sa mismong istruktura ng utak.
Mahalaga ang nagiging role ng mga magulang sa kanilang anak habang lumalaki. Ang kalinga, proteksyon at guidance ng isang magulang ay nakakatulong sa maayos na development ng bawat bata habang sila ay lumalaki.
Source:
Basahin din:
STUDY: Ito ang masamang epekto sa utak ng bata ng TV at cellphone
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.