IUD: Lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa contraceptive na ito

Iba't-iba ang mga IUD advantages and disadvantages. Ngunit anu-ano ang mga available na IUD sa Pilipinas, at ano ang pinaka-angkop para sa iyo?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa mga mag-asawa, ang pagkakaroon ng anak ay isa sa mga pinakamasayang kaganapan. Ngunit mahalaga pa rin na handa ang mag-asawa sa pagkakaroon ng anak. Kaya’t malaking tulong ang paggamit ng mga contraceptives tulad ng IUD upang makapagplano ang mga mag-asawa. Bago gumamit ng IUD, mahalagang alamin ang mga IUD advantages and disadvantages, lalo na ng mga babae. Alamin din kung masakit ba magpatanggal ng IUD?

Ang paggamit ng IUD ay nakakatulong pagdating sa family planning.

IUD advantages and disadvantages: Ano ang mga ito?

Bago natin simulan, atin munang alamin kung ano ang IUD. Ang ibig sabihin ng IUD ay intrauterine device, o isang uri ng contraceptive na nilalagay sa uterus o matris ng isang babae.

Mayroong 2 uri ng IUD, hormonal at non-hormonal. Ang mga hormonal na IUD ay dahan-dahang naglalabas ng mga hormone na progestin upang pigilan ang pagbubuntis. Ang non-hormonal na IUD naman ay gumagamit ng copper upang patayin ang sperm cells na posibleng makapag-fertilize ng egg cell ng babae.

Kadalasang tumatagal ng 5 taon ang hormonal na IUD, at umaabot naman ng 10 taon ang non-hormonal o copper na IUD.

Kumpara sa ibang uri ng contraceptive, mas pangmatagalan ang IUD, at mas epektibo rin ito. Kung titingnan natin, 85% lang ang bisa ng mga condom, 91% sa pills, at 99% naman ang mga IUD.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mayroong 2 uri ng IUD, ang non-hormonal at hormonal IUD. | Source: Wikimedia commons

IUD advantages and disadvantages

Ang pinakamalaking advantage ng mga IUD ay ang pagiging epektibo sa pagpigil ng pagbubuntis, at kung gaano sila katagal bago kailangang palitan.

Bukod dito, ang mga copper na IUD ay puwedeng makuha ng libre sa mga health center. Kailangan mo lang magpakonsulta sa kanila at sabihin na gusto mong magpalagay ng IUD.

At kung gusto na ng babae na siya ay mabuntis, kailangan lang bumalik sa clinic upang ipatanggal ang IUD, at puwede na nilang subukan na magkaanak. Madalas ay nabubuntis na ang babae sa loob ng 5 hanggang 6 na buwan matapos tanggalin ang IUD. Minsan nga ay agad-agad silang nabubuntis matapos ito tanggalin!

Pagdating naman sa disadvantage ng IUD, una ay wala itong binibigay na proteksyon laban sa mga STD. Ang mga IUD ay purong contraceptive lamang, at hindi nakakapigil ng mga STD tulad ng condom.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isa pa ay pagdating sa hormonal na IUD, mayroong kamahalan ang pagkuha nito. Madalas ay umaabot ng 15,000 hanggang 20,000 pesos ang paglalagay ng hormonal IUD sa mga clinic.

Nagiging sanhi din ng irregular bleeding ang hormonal IUD sa unang 3 buwan pagkatapos itong ilagay. Ang copper na IUD naman ay posibleng maging sanhi ng malakas na pagdurugo sa iyong monthly period.

Masakit ba magpatanggal ng IUD?

Siyempre, hindi lahat ng babae ay magiging komportable kapag inilagay sa kanilang uterus ang IUD. Lalo na at sa unang tingin, parang masakit ito tingnan, lalo na ang copper IUD.

Ngunit ang totoo ay iba-iba ito para sa bawat babae. Para sa mga inang nanganak na, hindi masakit ang magpatanggal o kahit paglalagay ng IUD. Para sa mga hindi pa nanganak, minsan ay nakakaranas sila ng discomfort at minsan masakit ang paglagay ng IUD.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya mahalagang magpakonsulta muna sa doktor bago magpalagay ng IUD upang masigurado mo kung angkop ito sa’yo o hindi.

Anu-anong IUD ang mayroon sa Pilipinas?

Sa Pilipinas, puwede kang makakuha ng hormonal at non-hormonal na IUD.

Pagdating sa mga hormonal IUD, kadalasang Mirena ang brand na makikitang inilalagay ng mga doktor. Mayroong kamahalan ang Mirena, at nasa 15,000 hanggang 20,000 ang IUD na ito, hindi pa kasama ang insertion fee.

Ang mga non-hormonal o copper IUD naman ay mas mura, at minsan nga ay libre pa ito kung kunin sa mga health center, at iba pang mga NGO. Paragard at CopperT ang mga karaniwang brands na makikita dito sa Pilipinas.

Saan nakakakuha nito?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga hormonal na IUD ay puwedeng makuha sa mga OB-GYN at kailangan mo lang magpakonsulta, at sabihin na interesado kang magpalagay ng IUD. Sila ang bahalang kumilatis at alamin kung angkop ba sa inyo ang IUD, at kadalasan ay ang OB-GYN na rin ang maglalagay nito.

Ang mga copper o non-hormonal ID naman ay makukuha rin sa OB-GYN, at nasa 5000 pesos ito. Ngunit libre din itong ipinamimigay sa mga health centers at mga NGO.

Para sa mga interesadong magkaroon ng IUD, puwedeng bumisita sa Likhaan Center for Women’s Health upang makakuha ng libreng non-hormonal IUD. Kailangan lang tawagan sila bago pumunta upang makapag-schedule ng appointment.

Quezon City

27 Ofelia St., Ofelia Village Brgy. Bahay Toro, Quezon City

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tel./Fax Nos. (632)926-6230/(632)454-3854

Email: office@likhaan.org

Office: Mondays – Fridays, 9am-6pm

Clinic: Every other Mondays; 10am-4pm; call for appointments

Pasay

704 A-52 Apelo Cruz Street, Barangay 157, Zone 16, Pasay City

Clinic: Every other Mondays; 10am-4pm; Text/call 09232308361/09198934092 for appointments

Navotas

Units 1B-D, Block 21, Lot 11 Dalagang Bukid corner Karpa Alley, Brgy. North Bay Boulevard South, Navotas City

Tel. No. 398-2784

Clinic Hours: Tuesdays- Saturdays; 8am-4pm

Port Area (Manila)

354 Zaragoza St. Brgy 13, Tondo, Manila

Tel. No. 247-4117

Clinic Hours: Tuesdays- Saturdays; 8am-4pm

Eastern Samar

Brgy. Sto Niño, Quinapondan, Eastern Samar

Cellphone No. 0948-904-4611

Clinic Hours: Tuesdays- Saturdays; 8am-4pm

Road 10 (Manila)

1909 Road 10 Brgy 107, Tondo, Manila

Tel. No. 261-9369

Clinic Hours: Tuesdays- Saturdays; 8am-4pm

San Andres (Manila)

2362 A. Crisolita St., San Andres Bukid, Manila

Tel. No. 732-0327

Clinic Hours: Tuesdays- Saturdays; 8am-4pm

Bulacan

9003 Tialo St., Brgy. Minuyan Proper, City of San Jose del Monte, Bulacan

Tel. No. 261-9384

Clinic Hours: Tuesdays- Saturdays; 8am-4pm

 

Sources: Women’s HealthRapplerCNN

Basahin: Anu-ano ang iba’t ibang klase ng contraceptives?

May epekto ba sa sex life ang paggamit ng IUD?

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara