Mansion ni Ivana Alawi na pinamana ng kanyang tatay, silipin

Tinupad na ni Ivana Alawi ang most requested video nito sa kanyang Youtube Channel. Silipin ang ipinamanang mansion kay Ivana sa Bahrain!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ipinasilip na ni Ivana Alawi ang mansion nila sa Bahrain!

Ivana Alawi mansion in Bahrain

Hindi maitatanggi na isa si Ivana Alawi sa mga top stars ngayon. Nagsimula at nakilala siya ng lubusan sa YouTube kung saan nag u-upload siya ng mga lifestyle videos. Kamakailan lang ay ganap na nga siyang pumasok sa pag-aartista sa ilalim ng ABS-CBN Network.

www.instagram.com/p/B8Q22TIArug/

Ivana Alawi Life

Si Ivana ay isang Moroccan-Filipino. Nagtapos siya ng kursong Culinary Arts. At ang dahilan kung bakit niya kinuha ang kursong ito? Pabiro niyang sinabi na dahil daw gusto niyang paglutuan ang magiging asawa niya.

Sa isang interview kay Ivana sa show na Gandang Gabi Vice, pabirong sinabi ni Vice na mayaman ang aktres. Ngunit ang tanging sagot lamang ni Ivana ay, “sakto lang.” Ayon sa kanya, hindi niya itinuturing na sa kanya ang mga ari-arian na ‘yon dahil hindi niya ‘yon pinaghirapan.

“Kasi, ano ‘yon, sa daddy ko. Kaya hindi ko siya kino-consider na akin, kasi hindi ko naman siya pinaghirapan. Para sa family ‘yon.” 

-Ivana Alawi

Dagdag pa ng aktres na pinamana ng tatay niya ang lahat ng mga ari-arian nito sa kanyang pangalan.

Sa isang vlog na inupload niya sa kanyang YouTube Channel, ipinasilip nito ang kanyang kinalakihan at kinagisnang bahay sa Bahrain. Ang buong bahay ay nababalutan ng white at pink na kulay. Mayroon din itong 2 living room at 7 bedroom.

Kinwento ni Ivana na sa una nilang living room ay may nagpapakitang multo. Dala na rin siguro ng kalumaan ng bahay. 1996 pa kasi ito itinayo ng kanyang tatay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Front door

Screenshot image from Ivana Alawi‘s YouTube Vlog

Living room #1

Screenshot image from Ivana Alawi‘s YouTube Vlog

Dining area

Screenshot image from Ivana Alawi‘s YouTube Vlog

Kitchen

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Screenshot image from Ivana Alawi‘s YouTube Vlog

Ivana’s room

Screenshot image from Ivana Alawi‘s YouTube Vlog

Walk-in Closet

Screenshot image from Ivana Alawi‘s YouTube Vlog

Shower Room

Screenshot image from Ivana Alawi‘s YouTube Vlog

Kung mapapansin mo kay Ivana, mararamdaman mo ang labis niyang pagmamahal sa kanyang tatay. Sa vlog, ipinakita niya rin ang kwarto ng kanyang tatay. Hindi raw niya ito ginagalaw para na rin respeto sa yumaong tatay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ika nga niya, “Itong kwarto, ibabakante ko para sa kanya. This is dad’s room forever and ever.”

Screenshot image from Ivana Alawi‘s YouTube Vlog

Panoorin ang buong video sa Youtube Channel ni Ivana Alawi:

Growing up with foreign parent

Ayon sa isang pag-aaral, kung ang isang bata ay lumaki sa pamilya na may magulang na foreigner, (katulad na lang kung ang tatay o nanay mo ay ibang lahi) kadalasan daw na nagiging malakas ang isang bata.

Narito ang mga halimbawa:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

1. Natututo ng ibang lengwahe

Kung ang isang bata ay lumaki sa isang pamilya na may foreigner na tatay/nanay, siya ay na-eexposed agad sa ibang lenggwahe na kanyang matututunan kapag siya ay lumaki.

Halimbawa, kung ang nanay mo ay pilipino at ang tatay mo naman ay japanese, magandang advantage rin ito sa language skills ng bata. Bukod sa 2nd language natin dito sa Pilipinas na English, maaari pa niyang mapag-aralan ang Nihonggo na mother tongue ng tatay mo.

2. Mauunawaan ng lubusan ang kakalakihang mundo

Sa paglaki ng ng iyong anak na may iba ang nationality ng kanyang magulang, nae-expose agad siya sa ibang kultura o norm ng isang tao.

Kung ang asawa mo ay isang Japanese, maaaring ma-adapt ng anak mo ang kanilang pag-uugali. Maaaring ito ay weird para sa ibang bata ngunit hindi maaalis ng fact na ito na may magandang advantage pa rin ito sa iyong anak na maaari niyang magamit habang siya ay lumalaki.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: Ivana Alawi YouTube 

BASAHIN: LOOK: Kramer kids may sariling play place sa kanilang “dream house”

Sinulat ni

Mach Marciano