Iya Villana, ibinahagi sa BabyFlo presscon kung paaano niya pinaghahandaan ang pagdating na kanilang 4th baby ng asawang si Drew Arellano.
Mababasa sa artikulong ito:
- Iya Villana, ni-ready na ang mga anak sa pagdating na kaniyang 4th baby
- Secret sa long-lasting love ng mag-asawang Iya at Drew Arellano
Iya Villana, ni-ready na ang mga anak sa pagdating na kaniyang 4th baby
Pagpasok pa lamang ng panibagong taong ng 2022 ay masayang ibinahagi na ng mag-asawang Iya Villana at Drew Arellano ang muling pagbubuntis ni Iya para sa kanilang 4th baby.
Matatandaang ang kanilang panganay na anak na si Primo pa mismo ang nagsabi kay Drew ng tungkol sa baby sa tiyan ng kaniyang mommy Iya.
Ayon kay Iya, bago pa man nila malamang siya ay buntis, nag-ee-xpect na si Primo na magkaroon pa ng kapatid. Pagbabahagi ni Iya,
“Si Primo was actually hoping to have another baby. Actually, another baby sister.”
“Very particular” pa nga raw ang panganay nilang anak na si Primo tungkol sa kaniyang kapatid. Ayon sa kaniya, gusto ni Primo ng dalawa pang baby sister.
Larawan mula sa Instagram account ni Iya Villana
Ibinahagi ni Iya kung paano nagpabago-bago ang kanilang plano sa kung kailan hanggang sa kung ilan lamang ang bilang ng kanilang pinaplanong babies.
Ayon sa kilalang TV host na si Iya, nung una ay gusto nila ng tatlong anak. Subalit ng dumating si Primo, napagtanto nilang hindi madali ang pagiging magulang. Kaya naman nag-decide na lang silang mag-settle sa dalawa.
Dahil para sa kanila, “marami na ‘yong tatlong anak,” subalit maging sila ay nagulat kung paano sila nakarating sa punto na tatlo na resulta ng kanilang pagmamahalan ni Drew.
Ayon kay Iya,
“You get to have three kids and it’s a trap, you will want to have more”
Na-trap ‘di umano sila sa saya at tuwa na naidudulot sa kanila ng kanilang mga anak sa kanilang mag-asawa.
“The energy, the love, the joy that they bring.. It’s so addicting that you wanna have more babies,” pagbabahagi pa niya habang natatawa.
Pareho sila ni Drew ng pananaw sa pagkakaroon ng maraming baby. Ito ay dahil sa saya na naibibigay nito sa kanilang pamilya. Kaya naman hindi na rin masyadong nagulat si Drew ng malaman ang tungkol dito dahil kahit papaano ay “expected” na rin niya ito.
Larawan mula sa Instagram account ni Iya Villana
Marami rin sa mga tao at kanilang mga kakilala ang nagtatanong kung mayroon pa ba silang balak magkaroon muli ng anak. Subalit maging sila ay hindi na rin alam kung ano ang isasagot rito.
“So now, when people ask me, ‘are you gonna stop? Or you’re gonna have more?’ I honestly cannot answer that question anymore,” pagsasaad ni Iya Villana.
Paghahanda ni Iya at Drew kila Primo, Leon at Alana sa pagdating ng kanilang kapatid
Pabago-bago raw ang kanilang desisyong mag-asawa kaya naman ayaw na nilang tuldukan ang mga bagay-bagay tungkol sa usaping ito.
Habang nadadagdagan ang bilang ng kanilang anak, napansin ni Iya ang ilang mga pagbabago sa kung paano sila mag-prepare sa pagdating ng baby.
Ayon sa kaniya, grabeng preparasyon ang ginawa nila para sa kanilang first baby. Pero matapos noon, nakita at na-realize din nila na marami din pala sa ginawa nilang preparasyon ang hindi naman talaga kailangan.
“By now, alam na alam ko na ‘yong mga kailangan ko lang,” sambit ni Iya.
Kada taon at panahon na lumilipas, marami natututunan ang mag-asawa. Mas lalo silang nagigiing wais at matalino sa paggamit ng kanilang pera.
Nagkaroon din sila ng pagkakataong ikumpara ang mga bagay na ginagawa nila noon at ngayun. Mula dito, kinukuha nila ang mga aral na tingin nila mas magwo-work sa kanilang hinaharap o sa future ng kanilang pamilya’t mga anak.
Samantala, paano nga ba inihahanda ng TV host na si Iya Villana ang kanilang mga anak para sa pagdating ng kanilang baby number 4? Ayon sa kaniya,
“With Allana, wala pa talaga. So, I think you know, I’ll start with her when it’s a little easier for her to understand. And that’s probably gonna be when the baby is here na.”
Larawan mula sa Instagram account ni Iya Villana
Ayon sa kaniya, masyado pang bata si Allana para maintindihan yung bagay na hindi pa naman niya nakikita. Kaya minabuti na lamang nilang simulang i-explain kay Alana ang tungkol sa kaniyang magiging baby brother kapag naipanganak na ito.
Samantala, upang maihanda si Leon, sinimulan nila ito sa pagsasabi na mayroong baby sa loob ng tummy ni Iya. Darating ang oras na lalabas ito at siya kanilang baby brother.
Wala naman silang gaanong preparasyon na ginagawa para kay Primo dahil sa siya ang panganay nilang anak. Bukod pa rito, hindi naman daw ito ang unang pagkakataon na magkakaroon siya ng bagong kapatid kaya hindi magiging mahirap para sa kaniya intindihin ito.
Secret sa long-lasting love ng mag-asawang Iya at Drew Arellano
Isa si Iya Villana at Drew Arellano sa mga hinahangaang celebrity couple sa Pilipinas. Hindi naman maitatanggi ang lawak ng pagmamahal na mayroon sila para sa isa’t isa dahil sa ngayon, apat na supling na rin ang naging bunga nito.
Ano nga ba ang sikreto ng dalawa, dahil kahit na ilang taon na ang lumipas at magpahanggang ngayun at tila inlove na inlove pa rin ang dalawa sa isa’t isa?
Larawan mula sa Instagram account ni Iya Villana
Ayon kay Iya,
“Love is not a feeling, but is really a choice.”
Ito ay isang commitment hindi lang basta feeling na anytime pwedeng mawala o magbago. Ayon kay Iya, nagtagal ang kanilang relasyon dahil araw-araw rin nilang pinipiling mahalin ang isa’t isa.
Hindi laging masaya, marami rin daw pagkakataon kung saan hindi sila okay o hindi maayos ang kanilang relasyon. Ngunit sa kabila ng pagsubok, pinipili pa rin nilang ayusin ang anumang hindi magandang bagay na namamagitan sa kanila.
“Kailangan bigyan ng oras,” dagdag pa ni Iya.
Oras rin ang itintuturing nilang susi upang magkaroon ng magandang pundasyon ang kanilang relasyon bilang mag-asawa, pamilya, at magulang ng kanilang mga anak.
Simple lamang ang bagay na ito, subalit hindi raw dapat makakalimutan. Gaano man sila katagal o gaano man kahirap ang kanilang hinaharap na pagsubok, oras ang bagay na hindi nila ipinagkakait sa isa’t isa upang kanilang malampasan anumang bagay ang dumating.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!