Nagsimula na si Iya Villania sa kaniyang postpartum workout dalawang linggo lang matapos niyang manganak. Ayon kay Iya, ito ay may go signal na ng kaniyang doktor.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Iya Villania postpartum workout
- Reaksyon ng celebrity friends ni Iya VIllania sa postpartum workout niya
Iya Villania postpartum workout
Talagang hindi mapipigilan ang celebrity mom na si Iya Villania sa pagwoworkout. Dahil si Iya dalawang linggo lang matapos manganak sa kaniyang 4th baby na si Astro Phoenix ay balik na sa pagwo-workout. Ito ay ibinahagi ni Iya sa kaniyang Instagram account. Bagamat paglilinaw niya ay ang paggawa nito ay may go signal naman na ng kaniyang doktor.
Dahil kuwento niya, una niya nang sinubukan noon na mag-ehersisyo sa pamamagitan ng pag-pullout dalawang araw matapos siyang manganak noon kay Leon. Ang resulta ay lumakas ang bleeding niya kaya naman natuto na rin siyang mag-ingat at magdahan-dahan sa katawan niya. Ito rin ang paalala niya sa iba pang ina na tulad niya ay gusto agad bumalik sa pagwo-workout na nakasanayan nila.
“With my doctor’s go signal I was able to start on a light workout today. Also, got to see whether I could still pull up or not… and the verdict?”
“I tried this before, 2 days after delivering Leon, and boy was that a mistake. I ended up bleeding more. So pls wait until bleeding subsides before you guys start working out again. Those who had a CS may need to wait it out a little longer before working out again.”
Ito ang sabi ni Iya sa kaniyang Instagram post.
View this post on Instagram
Postpartum workout routine ni Iya Villania
Kuwento pa ni Iya, 2 weeks after postpartum ay hindi naman talaga kasama ang matagalang pull-outs sa workout routine niya. Sinubukan niya lang ito para makita kung kaya niya itong gawin. At natuwa nga siya na taglay niya pa rin ang dati niyang pulling strength.
“My workout DID NOT have pull ups! I only tested out 2-3 SINGLE reps to see whether I still had my pulling strength (out of my own curiosity) and was pleasantly surprised to discover I still did and posted this to celebrate that.”
Ito ang paglilinaw ni Iya. Ang workout daw na ginawa niya na may go signal ng kaniyang doktor ay ang regular warmup stretching niya, 15 minutes’ bikes and 15 minutes na pagbubuhat ng light weights. Kasama rin sa postpartum workout routine niya ang breathing exercises para ma-refamiliarize ang kaniyang katawan sa muling pag-eehersisyo ng dahan-dahan.
BASAHIN:
Postpartum check up: Lahat ng dapat mong malaman patungkol rito
Viy Cortez nagdesisyon na sumalang sa Caesarean section delivery: “Natatakot ako na mag-normal.”
Iya Villania: “A healthy and strong mama makes a happy home.”
Dagdag pa ni Iya, hindi siya agad bumalik sa pagwo-workout dahil nagmamadali siyang magpa-sexy. Naging malaking tulong daw kasi ito sa malusog na pagbubuntis niya sa kaniyang 4th baby. At naniniwala rin siya na sa pamamagitan nito ay mas mapapabilis ang kaniyang recovery. Isang bagay na kaya ring gawin ng iba pang mga ina tulad niya.
“I’m in no rush to get “sexy”, but having prepared my body for pregnancy and having the healthiest one so far (out of the 4), it’s allowed me to enjoy a faster recovery. And if it’s something I can do, I know it’s something many other mamas can enjoy too.”
Dahil sabi pa ni Iya, ang malusog na ina ang sandigan ng masayang pamilya. At ang pagwo-workout, maliban sa nakatulong daw sa kaniyang mabilis na recovery ay nakatulong rin na maiwasan niya ang postpartum depression.
“A healthy and strong mama makes a happy home. There’s nothing like being able for your family, not because you’re forcing it, but because you’ve conditioned your body and are simply able to. The 4th trimester is crucial for recovering mamas and getting a night nurse and working out soon after delivery has been my winning combination post partum and has spared me from PPD.”
Ito ang sabi pa ng celebrity mom. Mariin rin sinabi ni Iya na ito ay ang journey niya. Alam niya na bawat ina ay may iba’t ibang kondisyon. Kaya naman bago gumawa ng kahit anong exercise habang buntis o matapos manganak mabuting hingin muna ang go signal at payo ng iyong doktor.
Basta para kay Iya ang nais niya lang ay maging healthy ang katawan niya para sa kaniyang pamilya. At umaasa siyang tulad niya ay ma-inspire rin ang iba pang mommies na alagaan ang sarili nila.
Ang pagwo-workout 2 weeks after matapos manganak ay dati na daw ginagawa ni Iya mula sa kaniyang panganay na si Primo. Tried and tested na daw ito ng kaniyang katawan. At paglilinaw niya, normal vaginal birth kasi siya sa apat niyang anak kaya agad siyang nakakabalik sa pagwoworkout. At muli ito ay may go signal na ng kaniyang doktor.
“It’s a different journey for many mamas. Respect for that.”
Reaksyon ng mga celebrity friends ni Iya
Samantala, tulad noong siya ay nagbubuntis palang hangang-hanga naman ang kaniyang celebrity friends sa postpartum workout na ito ni Iya. Ito ang ilan sa nakakatawang reaksyon nila.