Iza Calzado enjoy sa mom role niya ngayon. Aktres ibinahagi ang naging pagbabago sa buhay niya ng maging isang ina na.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Iza Calzado enjoy sa mom role niya.
- Pagbabago sa buhay ni Iza ngayong siya ay isa ng ina.
- Postpartum advice ni Iza sa mga mommies.
Iza Calzado enjoy sa mom role niya
Larawan mula sa Instagram account ni Iza Calzado
Sa isang exclusive interview ay ibinahagi ng aktres na si Iza Calzado kung paano niya na-ienjoy ang mom role niya sa ngayon. Si Iza sinabing ibinigay talaga sa kaniya ng Diyos ang anak na si Deia sa oras na ready na siyang maging ina.
“It scared me, just the thought of motherhood scared me so much. I was 39 turning 40 when he gave me a gift. Binigay talaga ni Lord nung alam niya nung handa na ko.”
Ito ang ang sinabi ni Iza tungkol sa pagiging isang ina na noong una ay kinatakutan daw niya dahil sa kaakibat nitong responsibilidad. Pero nang dumating daw si Deia sa buhay niya ay nabago ang pananaw niya. Pati na ang priorities niya sa buhay.
“My priorities also have shifted. Noong dating ako parang unknown. Nagbago talaga yung pananaw ko sa pagdadalang-tao, sa pagkakaroon ng anak.”
Pagbabago sa buhay ni Iza ngayong siya ay isa ng ina
Larawan mula sa Instagram account ni Iza Calzado
Isa nga daw sa naging pagbabago sa ugali at buhay niya ng siya ay maging isang ina ay ang gusto niyang lagi nalang mag-stay sa kanilang bahay. Isang bagay daw na hindi niya ginagawa noong siya ay dalaga pa.
“I never love being home. I am such an extrovert, I was a party girl. That was me I was always out of the house. So now nag-iba yung pananaw ko, talagang gusto ko ng umuwi. Lalo na kapag alam mong gising tapos wala pa ko sa bahay. Iba talaga yun yung yearning to go home, its different.”
Ito ang sabi pa ni Iza sa panayam.
Postpartum advice ni Iza sa mga mommies
Naging happy ang motherhood journey ni Iza sa anak na si Deia. Kamakailan lang ay nag-isang taong gulang na ito. Kaya naman, ang aktres may postpartum advice sa mga mommies na tulad niya. Ito ay ang subukang magkaroon ng maayos na tulog. Ito rin umano ang magiging daan para looking fresh parin kahit may anak na.
“Una sa lahat acknowledge it. When I feel things and I expressed it.”
“When you are suddenly feeling all these emotions and you are so overwhelmed, you are tired. You are feeling down with not enough proper sleep. It’s actually sleep that gets to you; it causes you to breakdown.”
Ito ang payo ni Iza sa mga bagong panganak na mommies.
Larawan mula sa Instagram account ni Iza Calzado
Dagdag pa niya, hindi daw dapat isipin ng mga mommies na may mali na sa kanila. Dahil phase lang daw ito ng pagiging ina at lilipas rin sa oras na lumalaki na ang iyong anak.
“Just know that its normal. Don’t think that there something wrong with you. You will get out of it. This too shall pass.”
Ito ang mensahe pa ni Iza sa mga mommies na tulad niya. Hirit pa niya, hindi rin dapat mahiyang humingi ng tulong ang isang mommy. Dahil mahirap talaga na gawin ng mag-isa ang mga tungkulin ng isang ina lalo na sa bagong silang na sanggol.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!