Iza Calzado sa pagbubuntis at panganganak kay Deia Amihan: “This is my body’s true beauty and power. ❤️”

Aktres pinasalamatan ang anak na si Deia na nagturo sa kaniya na mahalin ang kaniyang katawan ano man ang size nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Iza Calzado sa pagiging ina, inamin niyang hindi ito ganoon kadali. Pero aktres labis na nagpapasalamat sa pagdating ng anak na si Deia sa buhay niya. Ibinahagi niya rin ang realization niya matapos magbuntis at makapanganak.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Iza Calzado sa pagiging ina.
  • Realizations ni Iza ng maging ina kay Deia.

Iza Calzado sa pagiging ina

Larawan mula sa Instagram account ni Iza Calzado

Kung may malaking pagbabagong nangyari sa buhay ni Iza Calzado nitong 2023 ito ay ang pagiging isang ina niya. Ayon sa aktres, bagamat ready siya at tanggap na tanggap niya ang bago niyang role na ito sa kaniyang buhay ay hindi ito naging madali. Isa na nga sa sinasabi niyang very challenging na parte nito ay ang pagbabago na nangyari sa kaniyang katawan.

“This year had me embracing a new role, motherhood, and having to “balance” it with my previous life. I am telling you that it’s a LOT! It hasn’t been easy. Even with all the help, it gets so overwhelming at times.”

“One of the most challenging things about a new mother’s life is dealing with our postpartum body. I have had to constantly remind myself of how worthy and enough I am at this stage of my life.”

Ito ang bahagi ng post ni Iza sa Instagram.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Realizations ni Iza ng maging ina kay Deia

Larawan mula sa Instagram account ni Iza Calzado-Wintle

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagbabahagi pa ng aktres kung noon ay lagi siyang nagdidiet at sinisiguradong siya ay laging payat at sexy, nang maging isang ina daw siya ito ay nabago. Ngayon mas pinili niyang kumain ng kumain ng healthy at mag-workout parin. Bagamat may adjustment na para magawa niya ang kaniyang mommy duties na kaniyang priority. Dahil nang maging isang ina ay mas minahal daw ni Iza ang kaniyang katawan at sarili. Kahit ano man daw ang size ng katawan niya ay masaya siya na magampanan ang role niya bilang ina ni Deia.

Si Iza nagpasalamat sa mga taong tumulong sa kaniya para magampanan ng maayos ang kaniyang bagong role. Pinasalamatan niya rin ang anak na si Deia na nagbigay ng pinakamalaking realization niya nitong nagdaang taon.

“Most grateful for my child, Deia Amihan, for making me realize that my body was made not merely for aesthetic reasons but to fulfill a purpose so big, no weighing scale or tape measure can begin to comprehend. This is my body’s true beauty and power. ❤️”

Ito ang sabi pa ng aktres.

Larawan mula sa Instagram account ni Iza Calzado-Wintle

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement