Iza Calzado as a mom, inlove na inlove at masaya sa pagdating sa anak na si Deia sa buhay niya.
Mababasa dito ang sumusunod:
Iza Calzado as a mom
Kakaiba nga talaga ang magic na nagagawa ng pagiging isang ina. Patunay na nga rito ang mga galaw at reaksyon ng aktres na si Iza Calzado sa tuwing ang anak na si Deia ang napaguusapan. Sa isang panayam sa kaniya ay ibinahagi ni Iza kung paano mas pinaganda ng anak na si Deia ang buhay niya. Lalo pa’t ngayon daw bawat hakbang na kaniyang gagawin ay lagi niyang isinasama at isinaalang-alang ang anak. Bagamat sabi pa niya, hindi niya pinapabayaan rin ang sarili para parin kay Deia.
“Every decision now involves her. My workout now involves her, my meal time now involves her. Everything now revolves around her, to be honest. But you know keeping in mind that I still need to prioritize myself, my well-being so I can show up better for my daughter. But wow I never thought that life can be so much better.”
“To feel this love that I never felt before. It’s so deep that it’s hard to explain. When she came into my life, it was really God’s perfect time. This is heaven on earth for me.”
Ito daw ang best thing sa pagiging ina ayon kay Iza.
Larawan mula sa Facebook account ni Iza Calzado
Breastfeeding journey ni Iza
Mukha mang perfect kung titingnan ang motherhood journey ni Iza, ito ay hindi totoo. Sapagkat, tulad ng ibang ina si Iza mahina ang breastmilk supply. Kaya naman malaki ang pasalamat niya sa ibang mga mommies na tumutulong sa kaniya na maibigay ang breastmilk na kailangan ni Deia.
“So grateful to be blessed with a very generous donor, our milk angel, for the most part and another sweet soul who has been sharing her milk too. We feel God’s grace through humans like you.”
“Wish I had more but God had other plans for us. Perhaps, when the time is right, I will share my story. I am grateful that Deia latches and finds comfort in the little that I have to this day. This precious bond is such a gift!”
“Whatever your story, you’re doing your best, mama. Always remember that! 🤍”
Ito ang pahayag at mensahe ni Iza para sa mga mommies tulad niya na may kinakaharap na pagsubok sa pagiging isang ina.
Larawan mula sa Facebook account ni Iza Calzado
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!